Pahina 14

3.1K 134 2
                                    

14:

Katatapos lamang namin ni Claire na kumain ng lunch sa labas ng paaralan. Hindi namin kasabay si Yana dahil kasabay niya iyong kapatid niyang nasa grade 10 na. Pumupunta sila sa mall o hindi naman kaya'y may nakahandang lunch sa kanila gawa ng mama nila. Kaya naman hindi na kami sumasabay ni Claire.

"Bili tayo ng shake." Akit ni Claire sa akin dahil napaka-init.

"Wala akong pera." Pangloloko ko sa kaniya.

"Libre kita." Dali daling sambit niya saka ako hinila papunta sa bilihan ng shake. Akala ko biro lamang iyong sinabi niya pero hindi pala dahil ibinili nga niya ako at hindi niya ako siningil.

"Huwag na Claire may pera pa akong akin dito." Sambit ko sa kaniya. Umiling naman siya at saka nag-salita. "Ako na. Kapalit ito noong mga pagtuturo mo sa akin at saka kaibigan kita." Nakangiti niyang sambit.

Sa huli wala din akong nagawa para pigilan siya na ilibre ako.

Habang nag-iintay na matapos iyong shake ay napansin namin ni Claire sa gilid si singkit at iyong barkada niyang mga lalaki na bumili din. Binati niya kami at ngumiti lamang ako samantalang si Claire ay nakipag-usap pa.

"Anong subject natin pagkatapos ng lunch?" Tanong niya kay Claire.

"Oy, ano nga? Nakalimutan ko. Chemistry ba?" Pagbaling naman sa akin ni Claire. Inisip ko muna kung ano, dahil iba iba ang takbo ng schedule namin. Hindi porke kahapon ay Math ang unang subject sa hapon, math ulit ngayon. Magkakaiba lagi.

"English." Mahinang imik ko.

"Ay si miss English." Narinig kong parang nanghinayang iyong barkada noong mga lalaki.

"Ibig sabihin bawal ang late." Pang-aasar ko. Napakahigpit kasi ng teacher namin na iyon sa usaping late. May mga parusa pa nga ang mga late sa klase niya, hindi tulad noong iba na pinagsasabihan lamang.

Ilang saglit lamang natapos na iyong order namin ni Claire kaya naman umalis na kami.

"Magdodota iyong mga iyon kaya nagtanong." Tatawa tawang sabi ni Claire sa akin. Napatango naman ako dahil doon. Huwag lamang sana malate ang mga iyon dahil ang dami nila at paniguradong pati klase namin ay madadawit pagnagkataon.

Bumalik na kami ni Claire sa loob ng school at dumiretso sa klasrum namin. Umupo kami sa likod ng room at nag-kwentuhan. Maya maya pa ay kumanta siya kaya naman natawa ako. Tinotopak ang isang ito.

Habang nagkakatuwaan kami ni Claire ay lumapit sa amin si Naya. Kaibigan iyan nina Claire at kaklase namin. Magaling mag-gitara pero medyo parang lalaki ang kilos pero maganda naman. Nakipagkwentuhan siya sa amin. Nakipagkilala din siya sa akin.

"Ano, ang tahimik mo?" Sambit pa niya sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Hayaan mo iyan, ganyan iyan kapag hindi pa close sa isang tao." Mabuti na lamang at si Claire ang sumagot para sa akin.

Ewan ko ba sa sarili ko, mas kumportable talaga ako kapag kakaunti ang nakapalibot sa akin, saka mas natutuwa pa nga ako kapag solo lamang ako.

Akala tuloy noong iba naming kaklase snob ako at mataray. Tama naman sila sa mataray na bahagi dahil totoo iyon. May pagkamaldita talaga ako, lalo na kapag naiinis ako. Pero, iyong snob hindi naman, talagang hindi lamang ako sanay makihalubilo.

Nag-usap usap pa kaming tatlo at kahit papaano nababawasan ang pagkailang ko kay Naya. Noong wala na kaming mapag-usapan, bumalik si Naya sa upuan niya para kunin iyong gitara niya. Nagdadala talaga siya ng gitara minsan, katulad na lamang ngayong araw.

"Nays!" Claire exclaimed. "Makakapag-concert na ako." Masayang dugtong pa niya.

"Mag-ingat ka, Naya baka umulan. Si Claire ang kakanta." Pang-aasar ko naman, kaya't natawa si Naya. Hinampas naman ako ni Claire ng pabiro dahil doon.

Nagsimula mag-gitara si Naya at kumanta si Claire. Natatawa nga ako kapag nabirit siya dahil nawawala siya sa tono. Nagkakatuwaan kaming tatlo noong dumating si Yana at nakisali din sa pagkanta.

Nagkakantahan silang tatlo maliban sa akin. Hindi ako kumakanta dahil hindi ko alam iyong kinakanta nila. Alam ko naman iyong tono, iyong lyrics lamang talaga, kaya hindi na ako sumabay. Nakakahiya din dahil medyo madami dami na ding tao sa room.

Matapos siguro ang sampung minuto habang nagkakantahan sila ay nag-time na kaya bumalik kami sa kani-kaniyang upuan. Dumating na din iyong English teacher namin at napansin ko na wala pa iyong mga lalaking nakita namin kanina ni Claire.

"Patay iyong mga nag-dota." Bulong ni Claire sa akin. Tumango naman ako. "Taray pa naman ni Miss." Segunda ko pa.

Nagsimula siyang mag-discuss tungkol sa mga poems. Malay ko ba at lagi na lamang poems, short story, novel, shakespeare, essay at kung ano ano pa ang paksa sa English.

Siguro halos mga sampung minuto na din nagtuturo si miss noong dumating ang isang pulutong ng mga late. At ayun nga, nandoon siya at barkada niya. Agad natahimik ang klase noong pumasok sila. Pinagmasdan pa sila ni Miss.

Dumiretso sila sa kani-kaniyang upuan para umupo. Noong nakaupo na silang lahat ay humalukipkip si Miss sa unahan.

"Who told you to sit?" Parang naging hudyat ang mga salitang iyon para tumindig sila nang halos sabay sabay.

"Who told you to stand?" Halos matawa kaming mga mag-kakaklase dahil sa sinabing iyon ni Miss. Hindi tuloy maintindihan noong mga late na lalaki kung tatayo ba sila o uupo, o kung ano man. May iba pa ngang nag-swat. Lakas ng trip.

Sinabi ni Miss napumunta silang lahat sa likod. Kaya naman sumunod sila. Narinig ko pa ngang nag-mura iyong nasa likudan ko. Napangiwi naman ako doon dahil napakalutong noon.

Sinabi din noong guro na hindi sila makakaupo hangga't hindi sila nakakasagot sa mga tanong niya.

"Kawawa ka naman." Pangloloko pa ni Claire kay singkit noong dumaan ito sa gilid niya. Napasimangot naman si instik dahil doon. Kaya mas lalong natawa si Claire. Samantalang si Yana naman ay nginitian lamang siya. At ako? Wala. Para namang napakahirap tumayo sa likod. Tsk.

Nag-simula ulit na mag-diskusyon si Miss at nagtanong na din siya, subalit wala pang nakakasagot sa kanila. Palibhasa napakatatamad din mag-aral noong mga iyon. Minsan nga nag-dadaldalan at nagpapasaway lamang sila sa klase.

Para silang mga preso sa likod. Nakaayos ng tayo pagkatapos ay nakahanay.

"Dota boys." Iiiling iling na bulong ko. Narinig naman iyon ni Claire, kaya't palihim siyang tumawa.

Nagtanong si Miss tungkol sa paksa namin, at saktong lumingon ako sa likod dahil nandoon siya sa harap noong mga late. Napansin kong nakatingin sa akin si singkit. Sa akin nga ba? Malay ko.

Napalingon pa ako kay Claire noon dahil sa pagtataka. "Nagtatanong iyan kung anong sagot, pusta." Imik niya.

Dahil alam ko ang sagot. I mouthed the answer. At noong mabasa niya ang paggalaw ng mga labi ko ay proud na proud pa siyang nag-taas ng kamay. Asar. Biglang yumabang.

Sinabi niya kay miss ang sagot at tama iyon kaya naman siya ang unang napa-upo. Ang laki pa ng ngiti sa labi noong loko. Nag-thumbs up naman si Yana sa kaniya at sa akin. Nakita kasi niyang ako ang nagsabi ng sagot sa kaniya ng palihim.

"Dapat minali mo iyong sagot. Nakakatawa siguro iyon dahil ang lakas pa ng apog niya." Sambit ni Claire habang nakangisi.

"Oo nga ano." Pag-sangayon ko naman. Kaso huli na ang lahat. Siguro sa susunod.

Isa isa na din nag-siupo iyong iba sa kanila noong makasagot sila ng tanong at sa dulo natapos din ang klase namin. Bago pa man dumating iyong kasunod na guro namin, lumapit si Yana sa amin ni Claire at ganoon din si singkit.

"Galing ko kanina ano? Ako una nakasagot." Natatawang imik niya.

"Nahiya naman daw si ako." Pagmamataray ko sa kaniya. Tumawa naman siya at saka ako hinawakan sa balikat.

Agad ko namang ginalaw galaw ang balikat ko dahil doon. Hilig talaga nitong hawakan balikat ko. Palibhasa mas matangkad siya. Tss.

"Salamat, maldita." Sarkastikong imik niya, kaya naman nag-katawanan na lamang kaming apat.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now