Pahina 87

2.3K 109 6
                                    

87:

"Nag-iiwasan kayo?" Napitlag ako nang bigla na lamang iyong tanungin ni Claire sa akin. Nakaupo na pala siya sa tabi ko hindi ko man lang napansin. Pinagmamasdan ko kasi ngayon si Singkit na nakikipagtawanan sa mga kabarkada niyang lalaki.

It's been almost two weeks now after our Youth Encounter. Pebrero na at kasunod na ang Marso ibig sabihin malapit na ang bakasyon namin. Sa wakas makakapagpahinga na rin kami mula sa eskuwela.

"Bakit parang hindi na kayo close?" Tuloy na usisa pa ni Claire. I rolled my eyes at her and faced her. I don't know too. I have no idea what happened. Maybe because we have our own lives too?

Iyon ngang pagkakasabay namin sa dyip pauwi na dati ay araw araw ngayon ay halos hindi na nangyayari. Hindi na rin kami ganoong nag-uusap tulad ng dati. Ewan ko ba.

Hindi ko rin mawari kung bakit kami naging ganito, ang huling pag-uusap namin ng matino ay noong umagang iyon sa YE. Matapos noon ay hindi naman naging biglaan ang pagiging ganito namin.

Malapit pa kami matapos ang YE pero pagdaan ng mga araw para bang nababawasan. Sa una hindi mo mahahalata na nababawasan iyong pagiging malapit namin pero nang tumagal nang husto ay ro'n talaga naging kapansinpansin.

"Hindi ah, baka kasi busy bigla kaya gano'n." I explained to Claire but as expected she didn't buy it. She was just staring at me with her confused look and unbelievable expression. I just shrugged.

Wala talaga akong alam. At saka kahit naman hinahanap ko ang presensya niya ay hindi ako nagpapahalata. Patunay lamang na masyado na akong naging depende sa kaniya kaya ako ganito, kaya hinahayaan ko na lamang.

Maybe he's in the process of healing his self, maybe he doesn't want to burden me with his problems that's why there's a space between us now. I think it's a little good, though. Because this way, I will learn to stop depending on him too much.

"Hindi ka talaga nagtatakha?" Tanong ulit ni Claire na para bang mas apektado pa sa akin. Tinawanan ko na lamang siya nang mahina. "Ang kulit mo. Hindi nga, hayaan mo na siya." Tugon ko kaya sukong napairap sa akin si Claire.

Nag-uusap kami ni Claire noong biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Joseph. "Bakit?" Mahinahong tanong ko.

"Marunong ka nito? Pwedeng paturo?" He asked politely. I nodded my head and entertained him.

Masasabi ko na matapos ang YE kahit papaano natututo na akong makisama ulit. Sabi nga ng iba mas madali na raw akong kaibiganin at i-approach. Minsan nakakailang pa rin pero sa tingin ko masaya naman ako kaya sa marahang paraan ay hinahayaan ko na sila.

Tinuruan ko si Jospeh doon sa tinanong niya. Nakangiti ito at tuwang-tuwa dahil mabilis niyang natutunan ang mga sinasabi ko. May kung anong saya naman sa puso ko dahil doon. Iba talaga ang saya na dulot kapag nakakatulong ka.

Matapos ko siyang turuan ay dumating na iyong guro namin kaya nagbalikan ang iba sa upuan nila. Atentibo na lang akong nakinig sa klase. Paminsan minsan ay nagpapatawa ang guro namin at hindi ko maiwasang matawa.

Hindi rin nagtagal ay natapos ang klase niya at ang kasunod na guro namin ay mahuhuli raw sa pagpunta sa amin dahil may kausap sa Principal's Office. Kaya naman nasa unahan si Zara ngayon.

"Guys, birthday na ni Miss sa Friday." Wika nito sa amin, mukhang may balak silang mga officers kaya pumunta rin sina Yana sa unahan.

"Ano gagawin natin?" Marv queried curiously.

"Balak naming surpresahin siya, game ba kayo?" Rence questioned cheerfully.

"Yes! Go kami!" Iyon ang sigaw ng karamihan. Tumango rin ako sa kanila.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now