Pahina 22

2.6K 120 9
                                    

22:

Masayang masaya kaming tatlo nina Claire ngayon dahil tapos na ang mga exams namin. Sa wakas ay wala kaming aalalahanin at wala na ding sakit sa ulo kaming dadanasin sa ngayon.

Isang linggo na din nang matapos iyon at may mga bagong itinuturo na pero maayos naman. Hindi na kami nababagabag ng todo dahil hindi pa sobra ang mga pinagagawa.

Maglalabasan na ngayon, at sa miyerkules hanggang biyernes sa susunod na linggo magsisimula na ang foundation day ng school namin. Nasasabik na kaming tatlo dahil doon. Balak naming magbonding sama-sama at mag-ikot at magsaya lamang sa tatlong araw na iyon.

"Siguradong sa lunes magsisimula nang ikabit sa field iyong mga rides at stalls." Nakangiting sambit ni Yana at bakas na bakas sa kaniya ang pagiging masaya. Nakagawian na dito iyon sa school kapag foundation day every four years. Magtatayo sila ng tatlong rides at syempre mga stalls.

"Nako, mag-gala tayo ah?" Suwestiyon naman ni Claire na agad naming sinangayunan. Nagplano pa kami nang maari naming gawin noong bigla na lamang dumating iyong guro namin.

Nagbigay siya ng mga paalala sa darating na foundation day. Magkakaroon daw ng field demo for elementary level at syempre para sa highschool level. Mayroon din daw na search for talents, at Mr. And Ms. Cordian. "Cordian" ang tawag sa amin sa school. Magkakaroon din daw ng mga party sa ikatlo o huling gabi ng selebrasyon. Marami pang binanggit si Miss na nagpasaya lalo sa aming mga magkakaklase.

Pagkatapos noong mga paalala ay pinalabas na din kami ni Miss. Kaya naman nag-ayos na ako ng gamit at saka ko tahimik na hinintay si Claire at Yana na nag-aayos pa nang gamit nila.

Umunti na din agad ang tao dito sa silid. Apat na lamang kami kagaya ng nakagawian.

"Sama ako sa inyo sa "College days" ha?" Nakangiting imik ni singkit habang papunta sa direksyon ni Yana. Tumango naman agad iyong isa at nakipagkwentuhan sa kaniya. Our foundation day is also referred as college days in here.

"Tara!" Masiglang sambit naman ni Yana noong matapos na siya. Nauna silang maglakad kasama siya pagkatapos ay medyo humuli na lamang kami ni Claire. Hindi naman namin rinig ang usapan noong dalawa dahil bukod sa nauuna sila mahina ang mga boses nila.

"Ikaw, baka hindi ka sumama sa amin ha?" Biglang salita ni Claire sa akin.

"Sasama syempre." Maikling tugon ko naman.

"Tama iyan! Magsasaya tayong tatlo. Huwag sanang sumingit iyong isa." Pagkatapos ay humalakhak pa siya. Kaya naman nakipag-apir ako sa kaniya.

***

Akala ko talaga, akala ko talaga kaming tatlo ang magkakasama. Akala ko magiging masaya kami sa dadating na araw na iyon. Pero isang maling akala lamang pala iyon. Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng pagtatalo bago mag miyerkules.

Lunes ay napansin ko nang hindi sila nakikitungo sa akin kagaya ng nakagawian. Parang unti-unti silang lumalayo sa akin. Takot agad ang naramdaman ko dahil doon. Ni hindi man lamang nila ako matingnan sa mga mata. Nakaramdam na agad ako na mayroong mali.

Ngunit, hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko dahil baka mayroong ibang bagay na hindi lamang talaga nila kayang sabihin sa akin. Akala ko sa susunod na araw ay magiging ayos na, subalit mali pa din ako.

Iniwasan nila ako. Hindi nga nila ako hinihintay kapag labasan. Pagkatapos si Claire ang tahimik niya kapag kasama ko siya sa lunch. Hindi ako kumibo. Ramdam ko na parang ayaw na nila akong kasama kaya naman ako na din ang dumistansya. Binabagabag ako, oo, pero hindi ko pinahalata.

Takot, kaba at pagkabahala ang aking nadadama, pero hindi ko ipinakita. Bakit? Anong nangyari? Anong nagawa ko? Gusto kong itanong sa kanila ngunit hindi ko magawa. Kaya ang naging resulta ay ang unti-unti kong paglayo sa kanila.

I thought they were my friends... I thought they would not... look at me like that... but I was wrong...

***

Reminiscence: From Me To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant