Pahina 41

2.5K 117 8
                                    

41:

Isang linggo na din ang lumipas simula noong araw na iyon. Hindi ko siya nakausap dahil kahit tingnan ako ay hindi niya magawa. Natatakot akong magsalita kahit isang kataga sa kaniya, dahil pakiramdam ko ipagtatabuyan niya ako. Kung dati ay kapag nagkakatampuhan o hindi naman kaya'y nag-aaway kami, tahimik lamang siya sa akin pero ngayon ay iba, ramdam ko ang tensyon sa kaniya.

Sa totoo lamang noong napag-isip isip ko na may karelasyon siya ay parang biglang nagtugma ang lahat ng mga tanong sa akin dati. Iyong mga panahong lagi siyang nagkukuting-ting ng telepono niya pagkatapos ay didilim ang ekspresyon o kaya'y ngingiti. Iyong kapag tatanungin siya ni Claire kung may girlfriend ba siya o wala, hindi siya makasagot. Iyong kapag may tatawag sa kaniya lalayo siya para hindi marinig, tapos kapag babalik kasama namin parang wala na sa matinong wisyo o kaya'y tatawa tawa. At madami pang iba. Parang lahat ng mga hindi ko maintindihang bagay na ginagawa niya noon ay kusang sumakto sa isang impormasyon na nalaman namin.

I thought that thing is absurd but after realizing all of it... it actually made sense.

Bakit ba kasi mananatiling single ang isang kagaya niya? Habulin ng babae, malakas ang dating, maginoo, mabait at masayang kasama. He's the perfect definition of a so-called 'heartthrob' at schools.

The way he plays the guitar, the way he smiles mysteriously, the way he would make you feel curious of who he is, and the way he would make you feel so comfortable.

Nakumpirma din namin na mayroon pala talaga siyang karelasyon noong makausap namin iyong pinakamalapit na kaibigan niya sa mga lalaki. Noong maghapon nga nang magkaalaman kami ay nakita ko pa siya sa may gate kasama ang isang babaeng parang galit at gustong harapin si Yana pero pinigilan niya pagkatapos ay kinausap niya ng maayos. At doon niya ipinakilala iyong babae sa mga kaibigan niyang lalaki bilang kasintahan niya.

Nanlamig ako nang sobra noong pagkakataong iyon. Parang hindi pa din ako makapaniwala pero naniniwala na ako. Siguro noong mga oras na iyon ayaw lamang talaga tanggapin ng sistema ko na nalinlang kami na wala siyang nobya.

For a split second, I did not regret what I have stated to him. Because it's all true. He's a jerk for fooling us that he likes Yana, and only Yana. At saka may parte sa akin na naawa sa girlfriend niya dahil ikaw ba naman ang itago at iyong nobya mo ay nakikipagmabutihan sa iba. It's like he's cheating.

But the thing is... I only felt that way for a mere minute. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit ng lubusan sa kaniya. Dahil na din siguro alam kong parang 'pinaasa' din siya ni Yana. Yana did not clear things with him. Pagkatapos sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay parang sila pa ang may relasyon. Kaya naman siguradong aasa iyong isa.

Everything is tangled. And I am trap in that maze. Maybe if I told him earlier about Yana's rejection he wouldn't confess to her and we wouldn't encounter all these problems. Or not... I don't know. It's already done, so what's the use now?

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga iniisip ko. Napahalumbaba na lamang din ako sa arm chair ko at saka ako pasulyap na tumingin sa kaniya. Nakangiti siya at nakikipagkwentuhan sa lalaki niyang kaibigan. Sa mga ipinapakita niya parang wala talagang nangyaring gulo. He's a great pretender, I must admit.

Noong nakaraang linggo ay iniiwasan niya ako. Halata naman. Dahil kapag makikita niya ako sa sakayan ng mga tricycle o hindi naman kaya'y dyip ay iiwas siya at sa iba siya sasakay. Kapag naman ako ang mahuhuling sumakay at makikita ko siya sa sinakyan kong dyip ay hindi man lamang niya ako tatapunan ng tingin.

Ganoon din sa klase, para kaming hangin nina Yana at Claire sa kaniya. Pakiramdam ko nga ay galit siya sa amin. Alam ko naman ang parte niya at punto niya kaya't hindi na ako magtatakha kung magtanim siya ng sama ng loob sa amin. Ang akin lamang sana hindi na ito tumagal pa nang sobra dahil kahit papaano naging magkakaibigan naman kami.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now