Pahina 53

2.7K 124 23
                                    

53:

Umaga nang huling araw namin bago magsimula iyong mga pagsusulit namin. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko napakarami kong enerhiya sa katawan ko. Gusto kong mag-uli, makipagkwentuhan at magloko.

Ni minsan hindi ako naging ganito. Sadyang ngayong araw lamang. Para bang ang sarap tumawa nang malakas, at wala na akong paki-alam kung tingnan pa ako nang iba naming kasama, basta magpapakasaya ako.

"Ang saya mo ah." Bati ni Yana sa akin. I giggled mischievously. Lalo siyang nagtakha dahil sa asta ko. "Nakain mo, 'my? Agang aga ang saya saya mo yata?" Sunod na tanong pa niya.

"Hindi ko din alam. Masaya lamang ako." Kibit balikat na sabi ko at saka ko siya inikutan at saka ako tumungo papunta sa likod nitong silid. Malay ko ba, simula noong araw na kantahin niya iyong Stand By You sa akin, pakiramdam ko malaya na ako at kung may mali mang mangyayari, may kasama na ako.

Ilang sandali pa napansin ko na makalat itong klase namin. Mukhang hindi naglinis kahapon iyong mga taga linis sa klase. Napailing iling na lamang ako at saka tumungo doon sa may aparador para kunin iyong walis tambo.

Noong makuha ko iyon, sinimulan kong walisin iyong malaking bahagi sa likod, samantalang iyong magaling kong mga kaklase dinadaanan lamang ako. Tamad talaga. Subalit, bahala na sila, basta masaya ako ngayon. Pakanta kanta pa ako habang nagwawalis.

"Saya mo ah?" Napalingon ako noong biglang may maglapat ng dust pan sa may harap noong winawalis ko at sa sinabi niya. Napangiti ako nang wala sa oras. "Hmm..." Pang-aasar ko na lamang. Ginulo niya ang buhok ko dahil doon.

Tss. Aayusin ko nanaman ang buhok ko. Nakakainis. "Huwag ka nga, magtitirintas nanaman ako nito." Nakasimangot na sabi ko pero hindi sa galit na paraan. Kung normal na araw ito, baka kung ano ano nang nasabi ko sa kaniya pero ngayon, parang maayos lamang sa akin.

"Huwag ka na kasing magpuyod. Maganda naman kapag nakalugay ka." Nakangiting imik pa niya. Pinilig ko ang ulo ko, at saka pinatuloy ang pagwawalis. Wala siyang nagawa dahil doon at tumulong na lamang sa akin.

Habang nagwawalis, bigla niya akong kiniliti. Bwisit na singkit talaga. Simula noong malaman niyang malakas ang kiliti ko sa baiwang hindi na ako tinigilan. Umakto akong hahampasin siya noong walis, at sinalag niya iyon gamit ang dustpan. Nagkatawanan tuloy kami.

Naglaro kaming dalawa doon imbis na maglinis. Hanggang sa...

"Bakit ang kalat dito!?" Nandoon na pala iyong guro namin sa unahan. Agad niyang sinuway at pinagalitan iyong mga cleaners kahapon, wala silang magawa kung hindi sumunod sa guro namin. Naibigay ko din sa kanila ang walis at syempre iyong dustpan na hawak niya.

Umupo ako sa upuan ko at ganoon din siya. Pagkatapos pinaalis iyong upuan namin dahil doon magsisimulang maglinis. Nilagay ko iyong upuan ko sa may likod ng upuan ni singkit.

"Oh? Dito ka na sa grupo namin?" Tanong ni Phauline.

Bumungisngis ako. "Oh, group three! Welcome me to your group!" Masayang sabi ko. Ang kapal ng mukha ko pero nagtawanan iyong nasa group nila. "Talaga? Sige! Payag kami!" Sigaw nila sa akin. Nabigla ako doon, akala ko kasi paalisin nila ako.

"Sinong tatanggi, top three ng klase." Sambit naman ni Phauline natawa ako dahil doon.

"Oo nga, 'my. Dito ka na lang, para may kasama ako." Biglang ekstra ni singkit. Natigilan ako dahil doon. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan. Parang biglang namula iyong mukha ko, at hindi ako mapakali! Ano bang nangyayari sa akin?

"Psh. Loko, 'dy. Kita mong naglilinis lamang sila. Tsaka ang lapit lapit ko din naman sa iyo." Iiling iling na sabi ko nagpapanggap na walang paki-alam at walang epekto iyong winika niya, pero sa katotohanan, para may sasabog na kung ano sa dibdib ko.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now