Pahina 50

3K 127 7
                                    

50:

Hindi ko masimulang komprintahin si singkit dahil ayaw akong pakawalan nina Karmela tungkol sa pagkwekwento ko sa sarili ko at maging sa pagkanta. Sa totoo lang hiyang hiya na ako pero kahit papaano naman ay nasisiyahan ako, para bang may bagong pinto na nagbukas sa akin mula sa pagkakakulong ko sa isang madilim na lugar.

Siguro hindi naman masama na mag-bukas ako ng loob sa kanila wala namang masama hindi ba? Hindi naman siguro sila katulad noong mga panghusgang tao sa mundong ito.

"Kanta ka pa 'my, please?" Pamimilit sa akin ni Claire. Iniling ko ang ulo ko. Tama na iyong isang kanta. Ayoko na. Paniguradong mas maraming atensyon na nang nakatuon sa akin dahil dito.

"Dali na. Hayaan mo sila na tingnan ka. Prove them wrong." Karmela remarked enthusiastically. Natawa naman ako nang mahina dahil doon. Pagkatapos ay sinundan pa iyon ng agad na hirit nina Jessa.

Paano ba ako makakatakas sa mga ito? Masyadong naaliw sa akin. "Itong si papa chi ninyo na lang." Sabay tumingin ako kay singkit. Sinamaan niya ako ng tingin dahil doon. Siguro dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng pangloko sa kaniya nina Karmela o dahil sa kaniya ko itinuon ang atensyon nila.

"Bakit ako?" Painosenteng sambit niya.

"Ay nako, kung kayong dalawa na lamang kaya? Dali na kasi, kanta na." Sabi pa ni Karmela na mukhang atat na atat na. Niyugyog pa ako ni Claire sa balikat para lamang kumanta.

"Tutog tutog ako kakanta ka ha." Nagulat ako sa sinabi ni singkit. Tss. Nakisakay na. Paniguradong ayaw lamang niya ako makausap tungkol sa mga itatanong ko sa kaniya. Lakas din nito umiwas sa paksa.

"Kakanta ka din, kapag hindi ka kumanta, hindi ako kakanta." Biglang banat ko, sa pabirong paraan. Tumawa siya, kaya naman itinuring kong biro iyon. Paniguradong ako nanaman ang kakanta ng akin. Ano ba kasing gusto ng mga ito at pinipilit akong umawit?

Nagsimula siyang tumugtog sa gitara. Medyo may pagkamasigla ang tono kaya naman agad natuwa sina Karmela at Claire at nagsimula nanamang pumalakpak ng mayroong tempo. May pasayaw sayaw pang nalalaman ang mga baliw na ito.

Pamilyar iyong kanta, pero para ding hindi. Iniisip ko pang mabuti kung saan ko nga ba narinig iyon o kung anong maaring liriko noon. Hanggang sa nagulat ako noong magsimula siyang kumanta.

"A perfect day is everyday I'm spending my life with you
I can't explain how I fall in love with everything that you do..."

Agad napukol ang paningin ko sa kaniya at laking pagkabigla ko na lamang noong nakatitig na siya sa akin, at ang mga mata niya ay nangungusap na kailangan ko ding kumanta lalo na't ako mismo ang nagsabi na kailangan kakanta siya para kumanta ako.

Sa isang iglap, tila ba bumalik sa utak ko lahat ng liriko sa kantang iyon.

"God sure must like me more than I ever knew
Cause I could never ask for more from love and life than you..."

Medyo nangapa pa ako sa awiting ito dahil sa mga titig ni singkit. Hindi ako sanay na tingnan siya ng malapitan na ganito. Ang bawat kalabit niya sa gitara at ang bawat paglabas ng musika sa kaniyang tinig ay sadyang nakakapagbigay sa akin ng hindi maintindihang pakiramdam.

Noong dumating na ang chorus ay narinig ko ang tinig niyang sinabayan ako sa pagkanta, kaya naman sa hindi malamang dahilan ay unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Cause I'm lost in the grace of your smile
To fall in your love is a place I could spend my life."

"Woo!" Narinig ko pang hataw ni Karmela kaya't napatingin ako sa kaniya noong kantahin naming dalawa ni singkit ang parteng iyon. Madali lamang iyon at muli ay napatingin na ako sa lalaking tumutugtog ng gitara habang nakangiti sa akin.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now