Pahina 44

2.6K 122 8
                                    

44:

Patapos na ang subject namin ngayon at ang kasunod na ay break. Hindi ko maiwasan na mapatingin tingin sa kaniya dahil nakatungo pa din siya at parang natutulog na dahil sa hilo. Hindi ko na siya inusisa o kinausap pa dahil kailangan niyang magpahinga.

Mabuti nga't hindi siya napapansin noong mga guro kaya't kahit papaano ay hindi ko na iyon inalala. May lahing kung ano yata ito kaya naman parang hindi siya nakikita ng mga guro kanina.

"Kamusta?" Mahinang tanong ni Yana. Naggagawa kami ngayon ng aktibidad dahil tapos na magturo iyong titser namin, inaatay na lamang namin matapos ang oras niya sa klase.

"Sabi ko sa iyo eh. Kakausapin ka talaga nan. Anong sinabi?" Usisa pa niya.

"I think he's sick. He's hot." I stated in a low tone.

"Ano ka ba 'my, matagal nang hot iyan." Sambit ni Yana. Muntik ko na siyang mabatukan dahil doon. Bahagya din kasi akong natawa sa sinabi niya kaya't hindi ko na itinuloy.

"Baliw ka. Seryoso, masama ang pakiramdam niya." Malumanay na saad ko.

"Hala, samahan mo sa clinic." Nag-aalalang pahayag niya.

"Ako? Bakit hindi ikaw?" Sagot ko naman. Pinalo naman niya ako ng mahina sa braso dahil doon.

"Para namang kakausapin o papansinin ako niyan. Pero kawawa naman siya. Hindi ka ba naawa?" Nakangusong salita pa niya sa akin. Napairap naman ako ng pabiro dahil doon.

Hindi awa ang nararamdaman ko kung hindi pag-aalala. Sa totoo lamang gusto ko na siyang samahan sa clinic pero parang ayaw ko din. Nakakahiya kasi pagkatapos naiilang pa akong masyado. Basta magulo. Maybe in my own way I can show that I care about him, but not the way Yana wants or other people.

"Okay class, it's already time, please stand up and let's pray." Saad niya kaya't nagsitayuan kami pero siya ay nanatiling nakaubob sa kaniyang lamesa.

Matapos ang maikling dasal ay agad na nagsipaglabasan ang karamihan para pumunta sa canteen. Yana and Claire are already standing and waiting for me to start moving. Mahina akong nagsalita sa kanila. "Kayo na lamang. Ibili ninyo na lamang ako ng tubig." Pahayag ko at saka ako nagbigay ng pera sa kanila.

Gusto pa sana nilang mag-usisa pero sinenyasan ko sila na huwag nang magtanong nang magtanong at sasabihin ko din mamaya. Napakibit balikat na lamang sila at saka tuluyang umalis.

Halos aapat na lamang yata kami dito sa klasrum at bahagya kong iginalaw ang upuan ko papalapit sa kaniya. Marahan at maingat ko siyang kinuhit sa balikat. Medyo gumalaw siya dahil doon at nabigla noong makita ako.

May bakat sa mukha at pisngi niya ng pagkapula dahil sa pagkakaub-ob sa lamesa. Ang mga mata niya ay tila mabigat at halos nakapikit pa dahil nga singkit ito pero alam kong nakamulat naman siya.

Kunot noo niya akong pinagmasdan. "Bakit?" Mahina at tila inaantok na tanong niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" I asked softly. He shook his head a little.

"Hindi pa gaano." Malungkot na pahayag niya. Napailing naman ako dahil doon. "Tigas kasi ng ulo sabing pumunta na ng clinic." Mahinang sambit ko sa paraang malumanay at marahan.

Hindi siya nagsalita doon at sinimangutan ako. Para bang ipinapahiwatig niya na hindi niya kailangan ng sermon. Agad ko na lamang kinuha ang tubig na baon ko at inabot ko sa kaniya na kaniyang ipinagtakha.

"Iniinom iyan, sakaling hindi mo alam kung anong gagawin diyan." Sarkastikong imik ko. Natawa naman siya nang marahan doon, at saka kinuha ang ibinigay ko at nagpasalamat bago inumin.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now