Pahina 6

5K 187 30
                                    

6: Nag-babago,

Nagkakagulo ngayon sa klase dahil walang guro, sa kadahilanang may sakit ito. Nag-iwan man siya ng gawain ay walang gumagawa nito niisa sa amin.

Kahit ako, dahil aralin lamang ito na alam ko na kaya't hindi na ako nag-abala pa na gawin ito. Mas maganda pang intindihin ko na lamang iyong iba na hindi ko pa tapos. Pero, mas nangingibabaw iyong dahilan na tinatamad din akong gawin iyon ngayon.

Mukhang naiinis na din iyong presidente nitong klase dahil sa sobrang ingay, kaya't pumunta na siya sa unahan at nag-salita. Natahimik naman nang panandalian ang klase dahil doon.

Nag-bigay ito ng opinyon na mag-praktis na lamang kami para sa isang sabayang pag-bigkas, na gaganapin na sa susunod na linggo.

Maraming nag-alma dahil doon. Gusto kasi nila ay walang gagawain ngayon at mag-iingay lamang. Pero kahit ganoon, iyong gusto pa din noong presidente namin ang nasunod.

Nagalit pa nga ito, dahil ayaw naming itabi iyong mga upuan para magkaroon ng malaking espasyo sa gitna nitong silid. Nagsisigawan na nga sila dahil sa pag-aalma noong iba at iyong iba naman ay nagsasaway. Narindi ako dahil sa lalakas ng boses nila.

Kahit nakakainis, tahimik na lamang akong kumilos ng akin at itinabi ko ang upuan ko sa isang sulok, katulad ko ay ganoon din ang ginagawa noong iba.

Pinapunta kami doon sa gitna at pinaupo sa sahig. Maya-maya pa ay tumabi sa akin si Alyana, at pati na din ikaw ay umupo sa isang tabi ko. Bale, pinag-gitnaan niyo akong dalawa. Samantalang si Claire ay nandoon sa tabi ni Alyana.

Nagsimulang magsalita iyong sekretarya nitong klase at patuloy na sinaway iyong hindi nakikinig. Sa totoo lamang, kaninang kanina pa naiirita ang tainga ko sa kaingayan nila.

Ang lalaki na niyong mga kaklase namin pero ang ugali mukhang hindi na naging maayos, naudlot ata. Ang dali dali lamang intindihin na tumahimik na sila at makinig subalit patuloy nilang ginagawa ang kabaliktaran. Para silang hindi pinag-aaral sa inaasal nila.

"Guys, please naman makinig na kayo." Paki-usap noong bise-presidente. Pero walang nangyari maingay pa din, at nakakainis pa din.

Napa-buntong hininga na lamang ako at tahimik na napa-iling iling. Hanggang sa narinig kitang mag-salita sa tabi ko.

"It's so loud."

Mahinang imik mo sa akin. Nilingon naman kita dahil doon at nakita kong nakatingin ka sa akin na parang nag-iintay ng tugon, kaya't tumango ako at nag-salita.

"Couldn't agree more."

Malumanay na banggit ko saka ako tumingin sa mga kaklase kong nagkakagulo.

Muli sumigaw nanaman iyong mga officers dito sa silid upang sabihin na pumunta na kami sa kani-kaniyang pusisyon namin sa sabayang pag-bigkas.

Maayos nanaman iyong gagawin namin ang kaso nga lang walang pag-kakaisa dito sa klase namin, kapag may guro lamang sa harapan at saka lamang sila umaayos.

Tumayo na ako at pumunta sa may ikalawang linya. Hindi naman kasi ako katangkaran kaya't nandito ako. Samantalang si Claire ay nandoon sa kabilang dulo sapagkat matangkad siya at doon siya inilagay. Si Alyana naman ay nasa unahan at medyo nasa gitna dahil medyo hindi din siya ganoon katangkad.

Habang abala pa iyong iba papunta sa kani-kaniyang pusisyon nila, biglang may kumuhit sa likudan ko, kaya't napaharap ako doon.

Hindi na ako nagulat noong nandoon ka sa likudan ko dahil doon ka naman talaga nakalagay dahil nga matangkad ka.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now