Pahina 88

2.5K 107 6
                                    

88:

Napabuntong hininga ako dahil sa pag-iisip ko. Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang beses ko nang inulit magbuntong hininga. Kaninang-kanina ko pa kasi ginagawa. Napapailing na nga lang sa akin si Claire.

"Kausapin mo kaya?" Tanong nito. I shook my head lazily. Hindi nga ako pinansin matapos iyong naging matagumpay na surpresa namin kay Miss. Sinubukan ko naman kaso umiiwas na talaga siya. Oh baka guni-guni ko lang?

"Baka naman may nagawa kang ikinagalit niya?" Tanong naman ni Yana sa akin. "Ganun naman iyon kapag may hindi siya nagustuhan umiiwas na lang ng kusa." Dugtong pa nito.

"Ewan ko." Iyon na lamang ang tanging naging sagot ko sa kanila dahil totoo naman na hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa akin. We had a conversation, right? Hindi ko naman siguro guni-guni ang bagay na iyon.

Hinayaan na lamang nila ako kaya napabuntong hininga na lamang akong muli. It's been weeks since that last conversation we had. Yeah, weeks. February's almost done.

Hindi ko na siya nakausap muli dahil doon at higit sa lahat hindi ko na siya nakakasabay pauwi. Kapag kakausapin ko siya bigla na lang niyang sasabihin na may gagawin siya o kung ano mang dahilan, o kaya naman bigla siyang sasama sa barkada niyang lalaki kapag nakikita niya ako na parang may balak siyang kausapin.

I wasn't bothered at first but by now, I am. It's too obvious now, unlike before. Or maybe I am overthinking things? His reasons are rational to be honest, it's all about school works, and I am more than glad to see that he values it.

Yeah, maybe I am overthinking things. He isn't mad, I am sure, because he smiles at me whenever our eyes will meet and he will also acknowledge my presence. Minsan lang talaga una barkada at medyo hindi na kami nag-uusap.

Eh! Ewan ko ba! Ang gulo talaga! Gusto ko tuloy guluhin ang buhok ko.

Hindi lang siguro ako sanay na may malaking agwat sa amin. Tss. Dapat talaga hindi ako magreklamo sa espasyo na meron kami ngayon kasi hindi na siya ang magiging sentro ko. At masama iyong sobra akong nasanay na sentro ko siya.

I just shook my head and nodded to agree with what I am thinking. Sigurado naman ako na maayos kami, walang kung ano man, ako lang talaga itong maraming iniisip. Bakit ba kasi iniisip ko iyon? Tss. Nababaliw na siguro ako.

Nagsimula na lamang akong intindihin ang nangyayaring pagtuturo ng guro namin sa unahan. Medyo maingay 'yung iba kaya naman may ilan akong hindi maintindihan sa itinuturo ng titser namin.

Mag-ma-Marso na rin kasi at kailangan ko na talaga tumutok sa mga aralin namin dahil malapit na ang gaganaping mga mahahabang pagsusulit. Tapos noon ay bakasyon na.

Napangiti ako nang mapagtanto ko na sabik na rin akong makasama muli ang mga pinsan ko at pumunta sa Laguna upang doon mamalagi. Kahit papaano dahil sa sumaging iyon sa isip ko ay nawala ang pag-iisip ko ng mga kung ano anong bagay.

Ilang saglit pa ay natapos ang klase at nag-ingay na ang mga kaklase ko pero natapos din kaagad iyon dahil bigla na lamang pumasok ang kasunod naming guro. Ang bilis naman niya. Baka sa katabing klase lamang siya galing.

Dahil sa kawalan ko ng atensyon kanina ay hindi ko napansin na nasa unahang upuan ko na pala si Singkit. Naglipatan na kami ng upuan at malayo na siya sa pwesto ko, at syempre sina Yana kahit hindi naman talaga rito naka-upo sa tabi ko ay nakipagpalit lamang.

Hindi naman malalaman ng guro namin dahil naman siya ang Homeroom teacher namin.

Ilang saglit pa ay nagsimula nang magturo ang guro namin sa unahan. Tahimik lang din si Singkit sa upo niya, hindi ko nga lang alam ang ginagawa niya subalit hindi siya lumilingon sa likod o sa dako ko.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon