Pahina 39

2.3K 128 2
                                    

39:

He eyed at us coldly. I could feel the heavy atmosphere between the three of us. Akala ko hindi na titigil ang nararamdaman kong iyon. Pasalamat na lamang ako noong may pumasok na isa naming kaklase kasama ang isang kaibigan niya habang nag-uusap silang dalawa ng malakas kaya't nabasag ang tensyon sa amin. Lumabas din nitong silid iyong isa habang madilim ang mukha.

Noong makita ko ang likod niya ay gusto ko siyang sundan at tanungin kung ano ba talaga ang nangyari pero habang naririnig ko ang paghikbi ni Yana ay sa kaniya natuon ang pansin ko.

Mamaya pupuntahan ko siya at kakausapin. He's alone now, I want him to feel that I can be there for him like he did for me when I was alone.

Hindi makapagkwento si Yana kaya't kinalikot ko ang telepono ko upang tingnan ang mga mensahe niya doon. Tumunog iyon ng ilang beses at saka ko binuksan ang mga laman ng mensahe.

Nasaan ka? Gusto mong sumama sa amin. Kakain kami sa labas pagkatapos nitong performance ng isang school.

Unang mensaheng natanggap ko.

Wala ka na yata? Sige. Sa susunod na lamang.

Iyong kasunod. Binuksan ko pa iyong isa at doon ako natigilang talaga. Bumigat ang paghinga ko at nakaramdam ako ng kirot sa damdamin ko. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. Ang masaktan silang dalawa ni Yana.

Umamin siya sa akin. Manliligaw daw siya. Kung pwede daw bang maging kami.

Bubuksan ko pa sana iyong kasunod na mensahe ang kaso ay hindi ko na nagawa dahil sa biglang paglapit sa amin noong dalawa naming kaklase.

"Totoo ba iyong nangyari kahapon? Grabe buti na lamang tinanggihan mo iyon." Napakunot noo ako dahil sa aking narinig. Gusto kong magsalita upang linawin niya ang kaniyang sinasabi ngunit nagsalita si Yana na kung pwede daw ba ay huwag muna silang makisali sa amin, kaya't nahihiyang umalis iyong dalawa.

Bago pa man ako makapagtanong ay naunahan na ako ni Yana sa pagsasalita. "Noong lumabas kami ni Claire ng QCC sumama siya sa amin. Kumain kaming tatlo sa labas, pagkatapos doon siya umamin sa akin. Nabigla ako, kasi hindi ko inaasahan na dadating sa puntong iyon. Akala ko kuntento kaming dalawa na magkaibigan lamang kami."

"Yana..." Mahinang sambit ko. "I told you to clear things up between the two of you. I gave you a warning." Seryosong sambit ko. Mas lalo siyang naiyak dahil doon, kaya't napaiwas ako ng tingin. I hate it. Hindi ko gustong nakikitang umiiyak ang kaibigan ko dahil sa mga ganitong bagay. Bumibigat ang pakiramdam ko.

"Sorry. Hindi ko sineryoso iyong sinabi mo." Pag-amin niya. Nanghihina akong napahawak sa noo ko dahil doon. I decided to stay quiet. I want to hear her explanation rather than throwing in sharp words. "Akala ko kasi mga biro lamang iyong pagkagusto niya sa akin. Akala ko hanggang magkaibigan lamang kami. Ayaw ko namang mag-assume na may higit pa doon. Ayaw ko noon. Sasabihin ko dapat sa lunes na may boyfriend na ako kasi sa sabado ko balak sagutin si Cyrus. Akala ko iyon na talaga ang tutuldok sa lahat. Kung mayroon man siyang gusto sa akin, hindi siya hahantong sa panliligaw o pag-amin kapag nalaman niyang may karelasyon na ako. Kung wala naman siyang gusto sa akin, mas madali ang lahat. Pero nagkanda gulo gulo na. Masyadong naging biglaan ang lahat." Pagkwekwento niya.

"Dapat talaga nakinig ako sa iyo." Nagsisising saad niya. Tumigil siya sa pagsasalita ng ilang segundo dahil sa pag-iyak pagkatapos ay nagpatuloy.

"Noong umamin siya at tinanggihan ko ang lahat... May biglang dumating." Nagtakha ako sa kaniyang binitiwang salita. Akala ko si Cyrus ang sasabihin niyang dumating ngunit mali ako... halos tumigil yata ang oras ko noong sabihin niya kung sino.

"May girlfriend siya... Dumating iyong girlfriend niya." Mahinang pagsinghap ang aking naging reaksyon dahil doon. Napa-iling iling pa ako dahil parang gusto kong itanggi ang narinig ko.

That... That thing is absurd.

"T-That's nonsense." Hindi makapaniwalang bigkas ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa nalaman ko. May girlfriend siya? But... He said he likes Yana... He said he'll confess to Yana... yet he has a girlfriend? What... just what is that? Naglolokohan ba kami dito?

"Dumating iyong girlfriend niya at pinagsalitaan ako ng kung ano ano. Ipinahiya niya ako sa kinakainan namin. Sinabi niya inahas ko daw ang boyfriend niya. Sinabi niya ang landi landi ko daw para akitin siya. Gulat na gulat ako noong pagkakataong iyon, kaya't wala akong masabi. Hinala niya iyong girlfriend niya paalis doon at saka kami naiwan ni Claire na hindi makapaniwala."

Napayukom ang kamao ko dahil doon. Napatiim bagang din ako. Gusto kong magtanong sa kaniya mismo upang mabigyan ako ng mas malinaw na sagot. What happening now is plain blague.

"Kung may girlfriend na siya..." Pagsisimula kong magsalita. "Bakit ka niya nilapit lapitan? Bakit niya sinabing gusto ka niya? Bakit manliligaw siya sa iyo?" Sunod sunod na banggit ko. I could not think of anything rational right now.

Naiinis ako ngayon. Nagagalit. Para kaming nilokong lahat dahil pinaniwala niya kami—ako, na si Yana ang gusto niya? Pero may karelasyon pala siya? Ano iyon? Pinapaikot niya iyong dalawa? Paano iyong 'girlfriend' pinagmukha niyang tanga? At si Yana? Ginawa niyang 'ahas'?! Nanggigigil yata ako dahil sa mga naiisip ko.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam... Ang gulo. Nasasaktan ako kasi dahil sa mga nangyayari baka maputol na iyon pagkakaibigan namin. Pagkatapos iyong mga kaeskuwela yata noong girlfriend niya kung ano anong sinasabi sa akin gamit ang cellphone..." Mas lalo siyang naiyak dahil doon.

"Kung ano anong sinasabi nila sa akin. Kung ano anong pangalan ang tinatawag nila sa akin. Sinasabi pa nila susugudin daw nila akong muli... Tapos tapos—" Iyong mga salita ni Yana ngayon ang nakapagpatayo sa akin sa kinauupuan ko. Nagsimula akong maglakad paalis ng silid.

Narinig kong tinawag ako ni Yana. Naramdaman kong sinundan niya ako pero hindi ako nagpatalo sa kaniya. Dire-diretso akong tumungo papunta sa may gazebo. Wala akong paki-alam noong pagkakataong iyon kung mabasa ako dahil sa ambon. Everything that Yana told me was echoing inside my head and I felt so fired up.

Pagkadating na pagkadating kong gazebo ay nakita ko siya doon nakaupo sa isang tabi. Mukhang naramdaman niya ang paglakad ko papunta sa kaniya kaya't lumingon siya at saka ako tiningnan ng nasasaktan.

Muntik na... Muntik na akong maawa at muntik ko na siyang kampihan nang pagkakataong iyon. He looked so sad and vulnerable right at that moment and it made me want to comfort him. But... I shrugged it off.

He called my name helplessly and I stared at him accusingly. Mukhang nagulat siya sa inasta ko. "Why—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya noong magsalita ako.

"You. are. a. jerk." Madiing banggit ko sa bawat katagang binitiwan ko.

Napansin ko sa ekspresyon niya ang pagkunot ng noo at ang biglang pag-alab ng galit at pagkapikon, pero kinalaunan ay biglang lumambot ang ekspresyon niya at saka ko nakita doon ang sakit at pait.

Napalunok ako dahil doon. Namawis bigla ang aking palad. Tumalikod ako dahil baka kapag nagsalita siya ay tuluyan ko nang bawiin ang mga sinabi ko. Baka siya pa ang damayan ko kaysa kay Yana.

With heavy feet and feelings... I walked away from him as the hurt expression of his face flashed through my mind...

It hurts... Seeing Yana like that... Seeing him like that... And being between the two them again.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now