Pahina 42

2.4K 111 14
                                    

42:

Halos tatlong linggo na ang lumipas. Parang isang buwan na nga din. Magtatapos na lahat lahat ang second quarter pero wala pa din talagang nangyayaring pagbabati o hindi kaya'y kahit pauusap man lamang. Masyado na ding lumayo ang loob niya sa amin at halos hangin na lamang kami para sa kaniya.

Yana tried like hundred times to approach him but still...nothing. Wala na kaming magawa dahil doon. Siguro nga ito na ang kapalit ng mga kamaliang nagawa namin. Napabuntong hininga na lamang ako.

Kung gaano kadaming beses ginusto ni Yana na magkabati sila ay siyang kabaliktaran naman ng akin. I never tried to talk to him. Minsan ako na rin ang umiiwas. Hindi ko din kasi kayang kausapin siya. Sa madaling salita, wala talaga akong lakas ng loob. Matapos naman kasi noong ginawa ko. Syempre may hiya pa naman ako kahit pa napakamaldita ko.

Nakahalumbaba lamang ako habang nakikinig doon sa guro. Pinapaikot ikot ko iyong lapis ko habang pinipilit ang sariling intindihin ang sinasabi noong guro. Pagkatapos ay noong wala talaga akong maintindihan ay lumipat ang paningin ko sa kung saan nakaupo si singkit.

Nakita kong pinapaikot-ikot din niya ang lapis niya, na hindi naman niya ginagawa kanina. Oo, kanina pa talaga ako sumusulyap sa kaniya. Iniwas ko na rin ang tingin ko dahil baka mahalata pa niya ako.

Nag-ayos na ako ng upo umaasang baka sakaling matuon na ang atensyon ko sa klase dahil doon. Nagsimula na din magtanong iyong guro kaya't tahimik akong nag-isip ng puwedeng isagot sa bawat tanong niya. Ayaw ko namang mapahiya sa klase.

Noong matapos oras ng pagtuturo ng guro naming iyon sa klase namin ay tumayo na kaming lahat dahil kailangan naming magbihis para sa PE namin. Hinila agad ako nina Yana patungo sa girl's comfort room kaya naman doon na din ako nagbihis. Nagkanya kanyang punta na din kami sa gym dahil doon karaniwang ginaganap ang PE namin.

Pagdating namin doon ay nandoon na si Sir PE. Nagtala muna siya ng nandito sa tamang oras at iyong mga huli dahil nagbabagal-bagalan pa bago makapunta dito sa klase.

May itinuro siya at pati na din isang sayaw na kailangan daw gawin namin para sa practical test namin ngayong second quarter. Sympre maraming nag-alma kaysa natuwa. Lalong lalo na noong sabihin niyang bunutan daw ang mangyayari sa pagpili ng kapareha at hindi basta dahil gusto lamang.

Kahit naman magprotesta kami ay siya pa din ang masusunod kaya't walang nangyari. Isa isang bumunot ang boys, at sinasabi nila sa unahan kung sino ang nabunot nila. Sa kabutihang palad ay wala pang nakakabunot sa akin.

Kapag kasi hindi ka nabunot ay babae ang magiging kapareha mo dahil kakaunti lamang ang mga lalaki at mas marami kaming babae. Syempre kahit katiting lamang iyon na pag-asa ay inasahan ko iyon. Hinihiling ko pa nga na sana si Karmela ang maging kapareha ko o kaya si Naya para naman hindi na ako mailang pa.

Maya maya pa ay may nakabunot na kay Claire at iyon ay walang iba kung hindi si Rence. Masaya naman si Rence dahil doon at ganoon din si Claire. Magkaibigan naman kasi sila at kumportable pa sa isa't-isa kaya ganoon.

Kasunod na bumunot si Marvin. Iyong kaklase naming kay lihim na pagtingin kay Yana kahit may boyfriend na si Yana na si Cyrus. Natuloy ang pagsagot niya kay Cyrus. Wala naman kasing makakapigil doon, medyo naudlot lamang nang ilang araw dahil sa nangyari.

Si Marvin ay walang balak umamin kay Yana dahil alam niyang mayroon na itong ibang gusto ay syempre dahil baka ayaw niyang matulad doon sa isa. Masiyahin at palabiro siya, pero hindi ko pa siya nakakausap. Tsaka, ako din lamang ang nakaobserba na may gusto siya kay Yana. And even though, I did not really confirm it with him. I am sure of it.

Nagbunot na si Marvin at sinabi niya ay G-11. Agad akong napatingin kay Yana dahil doon. Nagtatalon siya sa tuwa at lumapit sa kaniya. "Marv!" Masayang tawag pa niya at saka nakipag-apir sa kaniya. Magkaibigan din iyang dalawang iyan. Sa sobrang palakaibigan ba kasi ni Yana. Normal na iyon.

Kasunod na bumunot iyong ibang lalaki at tatlo na lamang ang hindi pa. At hindi pa din ako nabubunot pati si Karmela. Pero si Naya nabunot na. Para sa akin ay ang laki na noong tyansa ko na babae ang maging kapareha kaya naman ang saya ko na.

Pero naputol ang saya ko at ang pakikipagusap ko nang mahina ay Karmela, pati na din ang pagdadasal na sana kami na lamang ang magkapartner. May tumawag sa G number ko. Napatingin agad ako sa unahan dahil doon.

"Omg." Agad na reaksyon ni Karmela noong makita niya kung sino ang nakabunot sa akin. "Hala kang bata ka. Kailangan ninyo na talaga mag-usap." Iiling iling na sambit niya at saka ako itinulak papunta sa una.

Unang tumalikod si singkit at naglakad palabas ng gym, puwede kasi kaming mag-practice o kaya mag-usap sa kung anong gagawin sa sayaw sa ano mang parte nitong gym basta't huwag lamang maingay.

Sinundan ko siya at nanatili akong tahimik. I feel so awkward right now. Umupo siya sa may sementong upuan sa labas kaya umupo din ako pero malayo sa kaniya. Naiilang kasi ako, natatakot pa sa kung anong sasabihin niya.

Ilang sandali pa ay humarap siya sa akin. Napalunok ako dahil doon at nag-iwas tingin. Nag-indian sit siya at nanatiling tahimik. "Look at me." Narinig ko ang baritonong boses niya. Sa unang pagkakataon matapos ang hindi niya pagpansin sa akin ay kinausap na niya akong muli.

Ewan ko na sa sarili ko at sumunod ako sa kaniya. Inayos ko ang upo ko at nag-indian sit din at saka tumingin sa kaniya. Binalot nanaman kami ng katahimikan dahil doon. Hindi ako mapakali kaya't pinagkuskusan ko ang aking mga kuko.

"Ahm..." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Napaiwas na lamang akong muli ng tingin at saka dinama ang hangin. Gusto ko nang umalis dito dahil napaka-awkward ng nangyayari.

Nawala lamang ang katahimikan noong lapitan kami noong aming guro.

"Anong gagawin ninyo diyan? Magtititigan?" Tanong ni Sir PE. Agad akong umiling at siya naman ay walang reaksyon sa sinabi nito. Iniwan din niya kami at saka ko siya tiningnan, at nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"You are so awkward." He stated. Kunot noo ko siyang tiningnan. Pero hindi na lamang ako nagsalita pa. Baka magkagulo nanaman kami.

Lumipas nanaman ang ilang minuto nang hindi kami nag-uusap at huli na ang lahat para magkaroon kami ng konbersasyon dahil oras na para umalis kami sa gym.

Napabuntong hinga na lamang ako habang naglalakad kasama sina Yana, Claire at Karmela pabalik sa klasrum, tinutukso nila ako sa kaniya pero wala akong gana makipagsagutan tungkol doon.

He's right I am so awkward and I hope I can feel the comfort in him again.

***

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon