Pahina 5

5.4K 201 17
                                    

5: Gusto,

Matapos kang maglakas loob na kausapin ako, pakiramdam ko hindi ka na ganoong ilang sa akin dahil kapag nakikita mo akong kasama nina Claire at Alyana ay nakikipag-apir ka sa akin. Doon ko napatunayan na kaibigan na nga ang turing mo sa akin kahit hindi tayo madalas mag-usap.

Katulad nang nakasanayan, si Alyana pa din talaga pinaka-pinagtutuunan mo nang pansin. Hindi na din ako magtatakha isang araw mababalitaan kong nagkakamabutihan na kayo. Masyadong espisyal kasi ang turing niyo sa isa't-isa.

Isang araw ay mas maaga sa nakasanayan akong pumasok sa eskwelahan, halos wala pa akong nakikitang tao noong umapak ako sa pasukan nitong gate, tanging iyong guard pa lamang ang nandito. Maaga naman talaga akong pumasok, lagi akong una kapag dadating sa silid aralan, ang pinagkaiba ngayon, napa-sobra naman ako ata sa kaagahan nito, na parang ayaw ko muna pumunta sa silid dahil medyo nakakatakot ang dating ng katahimikan na bumabalot sa daanan.

Kahit medyo hindi ako kumportable ay patuloy ko pa ding tinahak ang daan patungo sa silid at noong malapit na ako doon ay nagulat ako noong makarinig ako ng tila umiiyak na tinig. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at nangilabot.

Ano iyong naririnig ko? Hindi kaya guni-guni ko lamang iyon? Kahit nabigla ako sa tinig na iyon ay mas gumana ang kuryosidad ko kaya't tahimik akong humakbang papunta sa pintuan na naka-awang nang kauntian.

Napalunok muna ako bago tuluyang silipin kung anong mayroon, at halos mapatakbo ako— hindi paalis kung hindi papasok dahil sa nadatnan ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyari pero dire-diretso lamang ang mga paa ko patungo sa babaeng umiiyak ngayon habang inaaruga mo. Ni presensya mo noong mga pagkakataong iyon ay hindi ko nabatid, dahil ang buong atensyon ko ay naka'y Alyana lamang na tumutulo ang mga luha mula sa mata.

Nakita kong mas lalong naiyak si Alyana noong hawakan ko ang kamay niya at tingnan siya sa mata. Niyakap niya ako noon at saka niya binanggit ang pangalan ko. Hinayaan ko siya, hindi ako nagtanong, hindi ako umimik. Pinaramdam ko lamang sa kaniya na nandito lamang ako sa tabi niya.

Nang humupa ang pag-iyak niya ay nag-kwento siya nang kusa at ako naman ay tahimik na nakinig. Ganoon ka din, naka-upo ka sa tabi ko, habang nasa harapan natin siya at nag-kwekwento. Ang sabi ni Yana, hirap na hirap na daw siya sa usaping pamilya nila, dahil parati na lamang siya ang masama kahit wala naman siyang ginawa kung hindi patunayan na mabuting anak siya.

Naintindihan ko agad ang sitwasyon niya. Normal na sitwayson lamang iyon sa mga kabataang gaya natin. Ang minsanang hindi pagkakaintindihan natin at mga magulang natin. Minsan talaga nagdudulot iyon nang matinding pagkabalisa sa ating sistema. Kahit naman ako, ganoon din kapag nag-aaway kami noong mga magulang ko.

Matapos ang ilang sandali, nagbigay ako ng tubig kay Yana tinggap niya iyon at ininom. Inalo mo naman siya, dahil pulang pula ang mukha niya kaiiyak. Habang ginagawa mo ang makakaya mo kanina upang mapatahan lamang siya, hindi ko alam kung bakit parang nakakakita ako nang isang tao na matagal ko nang gustong makita.

Ang mga mata mo, hindi maikakaila doon ang pag-aalala, ang mga kilos mo batid na batid ko doon ang pag-iingat, at higit sa lahat ang mga ginawa mo... kitang kita ko doon kung paano mo siya ituring—para siyang babasagin, na kailangan mong ingatan nang buong buo, at hindi mo pupwedeng basta basta pabayaan. Itinuring mo siya sa paraan na gugustuhin nang lahat ng babae na ituring sila.

At noong pagkakataong iyon... doon ko napagtanto. Gusto mo siya. May gusto ka sa kaniya.

Hindi nagtagal, nagdatingan na din isa-isa ang iba pa nating ka-eskwela. Samantalang tayong tatlo ay tahimik lamang na naka-upo sa likod na bahagi nitong silid, at nagpapakiramdaman. Paminsan minsan nakikita kong tinitingnan tayo noong mga kaklase natin, ngunit hindi ko na lamang iyon binibigyan ng halaga.

Maya maya pa, nagsalita na lamang si Yana. Ang sabi niya pupunta lamang siya sa kasilayas o banyo. Ang sabi ko pa, sasamahan ko siya, ngunit tumanggi siya at mabilis na kumilos upang umalis na, at naiwan tayong dalawa na tinitingnan ang likudan niya habang umaalis.

Nagkaroon ng katahimikan sa pag-itan natin. Narinig ko pa ang pagtikhim mo doon. Medyo nailang ako, pero nagtanong ako sa iyo upang mabawasan ang pagkailang ko. Unang beses iyon. Naglakas loob ako, upang ako mismo ang mag-simula nang isang pag-uusap.

"May gusto ka sa kaniya?"

Iyon ang unang beses na ako ang nagsimulang kumausap sa iyo. At iyon din ang unang tanong na lumabas mula sa bibig ko. Napatitig ka noon sa akin nang mataman, wari ko ay tinatantya mo iyong tinanong ko.

Magsasalita na sana akong muli upang bawiin iyong tinanong ko, ngunit inunahan mo na ako, at sumagot ka.

"Hindi ah."

Iyon ang sagot mo. Napa-kunot noo ako sa iyo noon. Hindi kita pinaniwalaan. Iba man ang lumalabas na sagot sa bibig mo, hindi naman nagsisinungaling ang mga kilos mo. Napa-iling na lamang ako sa iyo noon.

Akala ko doon na matatapos ang pag-uusap natin, ngunit nagsalita kang muli. Ang sabi mo, ang aga ko naman pumasok. Ang sagot ko naman ay parati akong nauuna dito at tinanong din kita ulit kung bakit ang aga mo. Ang binigay mong sagot ay dahil isinabay ka noong tatay mo papunta dito sa paaralan. Napatango na lamang ako dahil doon.

Ang dugtong mo pa, nauna ka talaga dito, at noong pumasok si Yana ay nagulat ka noong umiiyak ito, kaya't inalo mo ito.

Noong nagkwekwento ka sa akin ay napapangiti na lamang ako. Ako na lamang ang naiilang sa iyo, dahil ikaw—pakiramdam ko hindi na. Dahil malaya mo na akong nasasabihan ng mga gusto mo.

Lumipas pa ang ilang minuto ay wala pa din si Yana at patuloy tayong nag-uusap. Paminsan minsan ay ngumingiti ka din dahil sa tinutugon ko. Nasiyahan naman ako sa hindi malamang dahilan.

Natapos lamang tayong mag-usap noon, noong dumating na muli si Yana at kasama na niya si Claire. Hindi din nagtagal bumalik na tayo sa kani-kaniyang upuan dahil magsisimula na ang pagdadasal ng rosaryo ngayong umaga.

Lumipas ang oras, at nagsimula na ang unang klase. Imbis na mag-diskusyon ay nag-pasiwalat ng mga papel iyong guro, at sinabi niyang magtatama ang lahat sa mga maikling pag-susulit. Habang ipinapamahagi ng isa nating kaklase ang mga papel ay napabigay sa akin ang sa iyo.

At doon ko nakita na mautak ka din pala. Doon ako napaisip muli, hindi ka puro hitsura lamang, hindi ka puro gitara lamang, mas marami pang nakatago sa pagkatao mo... mas marami pa akong hindi alam sa iyo.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now