Pahina 60

2.7K 107 13
                                    

60:

Agad akong lumayo sa kaniya dahil sa sobrang pagkailang. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Sa kaniya na nagpapasalamat ang mga mata o sa mga kaklase kong halatang halata ang panunukso sa mga tingin.

Some are even cheering and teasing. Hiyang hiya ako noong pagkakataong iyon at gustong gusto ko nang kainin ng sahig dahil hindi ko talaga alam pero parang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. Napalingon din ako kayna Karmela. Ayon na naman ang mga mapanukso nilang kindat at ngiti sa akin.

At noong kay Yana ko nabaling ang paningin ko ay napansin ko na nag-iba ang hitsura niya. Puno iyon ng pagtatakha at hindi katulad noong kayna Karmela at sa iba pa naming kaklase. Tila ba hindi siya makapaniwala sa nangyari. Napakunot noo ako dahil doon.

Katulad ng reaksyon ni Yana ay gayon din ang reaksyon ni Rence, Marita, at Naya. Mukhang nagtatakha na lamang sila sa inasal ni singkit at bigla akong hinigit at gumawa pa ng eksena. Maging ako naman ganoon din. Ano ba kasing nakain ng isang ito at kailangan pa akong hilahin ng ganoon? Hindi ba pwedeng sabihin na lamang niya iyon nang walang hilahan?

Tiningnan ko siya ng masama mukhang nasindak siya pero panandalian lamang iyon at saka tatawa tawang tumingin sa akin. Lahat ng lungkot naglaho sa isang iglap, naging purong pagkamangha at saya lamang ang namumuong ekspresyon sa kaniyang mukha at mga mata.

"Ayiee. Ano iyon ha?" Biglang imik ni Claire nang malakas, dahilan para sundan ng klase ang tusukhang nagaganap. Si Miss ay natatawang napapatingin sa amin dahil sa nangyari, mukhang walang balak manaway.

"Wala." Saad ni singkit pero may mapaglarong ngiti sa labi. Agh. He's making the situation worse.

"Anong wala?" Balik tanong ni Claire.

"Sinabi lamang niya iyong kasunod na kakantahin baka kasi mamali." Hindi ko alam pero diretso kong nasabi iyon nang walang pag-aalinlangan. Para bang isang katotohanan at hindi gawa gawang kasinungalingan.

Napatingin tuloy sa akin si singkit nang nakakaloko. Alam niyang nagsisinungaling ako para matigil na sila. Tss. Now, I discover something, I am a smooth liar and a great concealer of feelings. Tsk. All because of him.

"Ah." Iyon ang naging reaksyon nina Claire at nang buong klase. Kuntento sa sagot ko at hindi na nag-usisa pa noong mga pangyayari.

Laking pasasalamag ko na lamang noong tumigil ang tuksuhan dahil na din kay Miss na sinabing ipagpatuloy ang kantahan. Sina Claire at Naya naman ang kumanta ngayon at halos lahat sa klase ay nakikisabay sa pagkanta nila. Kahit naman ako ay napapakanta at napapangiti dahil mukhang gustong gusto iyon ng klase.

Everyone's having fun, it feels so nice and warm. Nakakatuwa na nakikita silang masaya at nakangiti. They are appreciating the efforts of Naya, Claire, singkit and I to present something small like this.

Dati hindi ko talaga hilig iyong mamansin sa paligid ko. Sigurado, mapagmasid ako, pero hindi ako iyong tipo na ikinokonsidera ang mga emosyon nila sa mata. Just a plain observant nothing more, nothing less. But look at me now, aware of their feelings, aware of their opinions.

It all started when he came into my life. Napatingin tuloy ako sa kaniya habang naggigitara siya. Unbelievable. Minsan nakakapanibago pa din. Paano ko nga ba naging kaibigan ang isang ito? Paano ko nga ba natagalan ang ugali niya? Paano nga ba niya ginulo ang tahimik na buhay ko?

Ang dami na ding panahon ang lumipas. At wala akong pinagsisihan sa mga iyon. Falling for him secretly... It hurts... The pain he's making me feel is a foreign emotion for me... But the happiness he provides is greater than the pang so I wanted to stay. I will stay...

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now