Pahina 33

2.6K 133 7
                                    

33:

Tapos na ang masasayang araw namin. Tapos na ang college days. Balik na kami sa dati. Lunes ngayon at wala pang ganoong tao dito sa paaralan dahil maaga pa. Lagi naman akong maaga kaya't sanay na ako nakakaunti pa din ang tao dito sa ganitong oras.

Binuksan ko ang mga binata sa aming silid at saka ang bintilador sa kisame at sa pader. Nag-suot na muna ako ng earphones dahil gusto kong makinig ng musika. Tumungo na din ako sa aking arm chair at saka pumikit upang umidlip muna tutal maaga pa naman.

Noong Biyernes ay hindi inihayag ang nanalo dahil daw parang hindi naman kumpetisyon ang naganap at hindi na nila matukoy ang tamang mananalo dahil halos nangibabaw daw ang mga boses ng mga nanunuod.

Napakalungkot at nakakadismaya ang bagay na iyon at para kaming tinggalan ng isang pribilehiyo, pero anong magagawa namin? May nagawa kaming hindi kanais nais kaya tama lamang na tanggapin namin ang kapalit noon.

Umuwi na din ako matapos ang battle of the bands dahil baka gabihin pa ako. Hindi ko siya kasabay ng araw na iyon dahil magdidiwang pa sila noong grupo niya. He texted me that thing that's why I know.

Hindi pa din kami nagkakaayos nina Yana at Claire. Napapaisip nga ako kung magkakaayos pa kami o hindi na. Paano naman kasi walang kumikilos sa amin kaya't paano namin mareresolba ang problema?

Gusto ko sanang lumapit na sa kanila dahil malamig na din naman ang ulo ko, pero parang ayaw ko din dahil nilalayuan nga nila ako hindi ba? Gusto ko din sanang hingin ang tulong nina Karmela kaso baka maging abala pa iyon sa kanila. Ako dapat ang gumagawa ng paraan dito at hindi ang ibang tao dahil unang una sa lahat labas sila sa gulo namin.

Nasa malalim akong isipin noong maramdaman kong tila may gumalaw sa harapan ko at parang may ginagawa siya. Hindi ko iyon sigurado dahil wala naman akong naririnig na ibang ingay maliban sa musika na pinakikinggan ko.

Hinayaan ko na lamang iyon dahil inaantok pa ako. Tinapos ko siguro muna iyong isang kanta bago ako tuluyang nag-mulat at i-aangat ko na sana ang ulo mula sa pagkakaubob.

"Omchi!" Gulat na sambit ko noong bago ko pa maingat ang ulo ko ay nakita ko ang mukha niya sa harapan ko. Nakatagilid iyon sa akin at nakapatong sa isa pang arm chair na mukhang inikot niya, para ang ulo niya ay napapusisyon din malapit sa inububan ko.

He gave me his tired laughter. Pagkatapos ay inangat niya ang kaniyang ulo kaya't inangat ko na din ang akin. Nagkatinginan kami at mukhang pagod pa siya. Naghikab siya at nagunat bago ako ngitian. Tinanggal ko na din ang earphones sa aking tainga.

"Ohayo." He said while smiling.

"Nihonggo?" Pagtatanong ko. At grabe ang pagkakasabi niya noon. Napakalumanay at napakabanayad. Ang lakas ng dating para sa isang simpleng salita.

"You know that word?" Hindi makapaniwalang sambit niya. Kahit naguguluhan ako ay napatango ako.

"Doushite?" Pagtatanong ko kung bakit siya biglang nagsalita ng ganoon. Napakamot ulo naman siya dahil doon.

"Ano?" Takhang tanong niya sa sinabi ko. Napatawa tuloy ako nang marahan dahil doon. He greeted me in Japanese and now I'm asking 'why' using a simple Japanese word and he couldn't understand that? Ano ba talaga? Akala ko marunong mag-hapon ang isang ito.

"Huwag mo nga akong tawanan." Nakasimangot na usal niya at pipitikin sana niya ang noo ko pero pinigilan ko iyon.

"Yamete." Pagsasabi ko na tigilan na niya iyon. Kaya't napa-kunot noo naman siya.

"Magtagalog ka na nga. O kaya english. Ano bang sinasabi mo?" He sounded irritated but I feel like he's rather amused.

"Kanina tinatanong kita kung bakit ka naghahapon, pagkatapos ngayon ang sabi ko tigilan mo ako." I explained and he nodded his head.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now