Pahina 67

2.5K 115 6
                                    

67:

Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ako makasagot, at saktong pumasok na iyong Instructor kaya naman nasalba niya ako, mula sa mga titig na ipinapakita sa akin ni Singkit. Kabado na nga ako sa mangyayari ngayon, dumagdag pa siya. He's messing with my system again.

"Good morning grade nine courage!" Bati nito sa amin, nakangiti na ito ngayon, hindi katulad kanina na napakaseryoso. Binati rin namin siya kaso mahina kaya naman, "Hindi ko narinig, grade 9-Courage? Ano ulit?" He asked energetically. "Gutom pa rin ba? Hindi yata umepekto iyong pa-amusal namin." Dugtong pa nito, kaya nagkatawanan kami ng kaunti.

"Good morning Grade 9-Courage!" He yelled cheerfully.

"Good morning Sir!" Hindi katulad kanina ay lumakas na ang pagkakasabi namin noon.

"Ayon naman pala, kaya naman pala. Umaga pa lang para kayong gulay na agad." He commented while chuckling. "Sana ay nabusog kayo sa munting umagahan na inihanda namin. Masarap ba?" Tanong nito.

"Aprub sir!" Rence shouted which made others laughed.

"Nga pala, hindi pa ako nagpapakilala." Natatawang sabi nito habang hawak hawak ang mikropono at naglalakad lakad. "Ako si Sir Julian Casaquite." Nagtawanan ang ilan sa pagpapakilala ni Sir.

"Akala ko mapapa-aray kayo, bakit kayo tumawa? Casaquite naman ng mga ito." He joked. Napailing iling ako habang nakangiti. Bago yatang instructor si Sir dito sa amin, kaya ngayon ko lamang siya nakita, at kaya naman nagpakilala pa siya.

"Edi Sir, ang tawag namin po sa'yo, Sir Casaquite?" Tanong ni Marv, natawa na naman ang mga kaklase ko. Mga baliw talaga.

"Huwag n'yo naman ipamukha na Casaquite saquite ng apelyido ko." He retorted while smiling happily. Ang gaan niyang kausap. Nakakatuwa. "Mapapaaray ako nyan sige." He continued.

"Pero, seryoso, pwede n'yo akong tawaging... Sir Juls. Mas magandang pakinggan at hindi pa nakakasakit." Biro niya kaya naman nakangiti pa rin ang mga kaklase ko. Ilang sandali pa niya kaming pinatawa sa mga korning biro niya, pero matapos ang ilang saglit ay sumeryoso siya kagaya noong kanina.

"Ngayon naman kailangan nating tumahimik." He told us, in one snap, the class went silent.

"Tayo ay magsisimula. Magkakaroon muna ng katahimikan sa loob ng ilang minuto. Blankuhin ninyo ang isipin ninyo, huwag kayong maraming iniisip. Make a peace in your mind, and you will be ready for this session." Ginagawa ko ang sinabi ni Sir. Nakatitig lamang ako sa isang banda habang tahimik.

Ilang minuto rin ang tinagal noon, hanggang sa nagsimulang magdasal si Sir. Sinagot namin ang dasal niya, hanggang sa nagkaroon ulit ng katahimikan, habang patuloy siyang nagdadasal at nagpapasalamat lalo na sa pagkain namin kanina, at sa pagiging ligtas at masigla namin sa sitwasyong ito.

Matapos noon, ay nanatiling tahimik ang lahat at pinatugtog niya ang isang kanta.

"Many days have come and gone
Many years seem to have been wasted
Round and round like an aimless journey
Seems like we've been here before
What on earth am I here for?"

Napatitig ako sa unahan at dinama ang kanta, pamilyar ako sa kanta, dahil pinatutogtog iyon kada may Recollection kami. To be honest, this song never gets old for me. It still touches my heart whenever it hear it.

"Come my friend, stop for a while
Life must be more than just existin'
Round and round like a carousel ride
Shall we end where we began?
Tell me so I'll understand."

Napalingon ako sa gilid ko, nakatitig si Singkit sa unahan, mukhang seryoso siya ngayon at mukhang isinasapuso niya ang ginagawa namin. I smiled secretly, he's the most attractive when he's serious. Some guys are attractive when they rebel, that's what other girls say. But for me, guys are attractive when they are responsible, serious, kind, and first and foremost, when they pray.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now