Pahina 30

2.4K 119 4
                                    

30:

Noong mag-lunch kami nina Karmela ay naramdaman kong hindi na ako mapakali na tila may nagawa akong isang napakalaking pagkakamali. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko. I rarely feel unsure of something and when this feeling hits me, it hits me hard.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali." She pointed out my uneasiness.

"Hindi." Diretsang sambit ko kaya't natigilan sila sandali. Medyo hindi pa din sila sanay sa pagiging diretso ko minsan. Minsan hindi din naman ako nagsasabi ng totoong nararamdaman sa kanila, kaya kapag nagiging direkta ako ay ganito ang reaksyon nila.

"Bakit ba? Anong nangyari? Pwede mo naman kaming sabihan. Para gumaan ang pakiramdam mo." Sambit niya na agad kong ikinailing. Kung tutuusin walang kwenta naman itong ipinagkakabahala ko, sadyang hindi lamang ako mapakali. O talagang may dapat akong ikabahala? Agh. Ang gulo.

"Sige. Kumain ka na diyan. Pagkatapos magbadminton tayo." Nakangiting imik ni Phauline. Tumango naman ako sa kaniya at saka kumaing muli at inalis ko na din sa isip ko ang imahe ng ekspresyon niya kanina.

Natapos kaming kumain ng tanghalian at nagpahinga muna nang kaunti sa may gazebo para naman hindi sumakit ang tiyan namin. Tahimik lamang ako doon at sina Phauline, Via at Jessa lamang ang nagkukuwentuhan.

"Bagay pala sa iyo ang nakalugay." Malumanay na sambit ni Karmela. Kaming dalawa lamang siguro ang nakarinig noon kaya't hindi kami pinansin noong tatlo.

"Hindi din. Atsaka ayaw ko noon." Mahinang usal ko habang nakangiti.

"Basta ako mas gusto ko sa iyo ang nakalugay. Magkaiba naman tayo ng opinyon. Pero nasasaiyo pa din iyan, ikaw naman ang may ari ng buhok mo." Natatawang sinabi niya.

Magkaibang opinyon. Napaisip ako dahil doon. Naalala ko iyong sinabi niya kanina. Sinabihan din niya ako tungkol sa paglulugay ng buhok ko at agad kong sinalungat ang opinyon niya gamit ang matatalas na salita.

Nagalit kaya siya sa akin? Isip ko sa aking sarili. Siguro. Hindi na ako magtatakha dahil doon. I did not respect his own opinion. Maagap kong kinontra iyon na ang dating ay parang wala na din siyang karapatan sa sariling opinyon.

Napabagsak ang balikat ko dahil doon. Kaya siguro ganoon na lamang ang reaksyon niya. Tss. I can be really mean sometimes, and my opinions are firm and when someone tells me something otherwise, I oppose it without even hearing the reasons. I sighed. I am at fault this time.

Nag-akit na iyong tatlo na magtungo kami sa court para maglaro ng badminton. May dala kasi sina Phauline at Via kaya nag-aakit sila ngayon. Nag-tungo agad kaming lima doon.

Noong makarating kami doon ay nandoon si Yana at Claire naglalaro ng volley ball sa kalahati nitong court. Hindi ko sila pinansin, at itinuon ang pansin ko kayna Karmela. Dahil may apat na raketa naman ay doubles na lamang daw ang laruin namin.

Ayaw ni Jessa maglaro dahil pagpapawisan lamang daw siya, kaya't kami nina Via ang naglaro. Magkakampi kami ni Karmela at magkakampi sina Phauline at Via.

Masaya kaming naglalarong apat at free game naman iyon na walang score. Palitan kami ng shuttle sa ere at halos hindi na yata bumabagsak iyon sa lupa dahil sa tindi nilang maglaro.

Noong mapagod kami ay umupo kami sa bleachers kung saan naka-upo si Jessa. Uminom ako ng tubig at saka nagpunas ng pawis. Maluwag ang tshirt ko kaya naman hindi ganoon kainit para sa akin. Naka-over sized nike shirt kasi ako. Para ngang panlalaki iyon kahit unisex naman.

Mas gusto ko kasi ang ganitong damit kaysa iyong mga masyadong pangbabae. Wala din naman kaming gagawin kung hindi maglaro at mag-uli kaya mas maganda kung ganito ang suot ko ngayon.

Uminom ako ng tubig noong mapansin kong tumigil din sa paglalaro sina Yana pagkatapos ay may dumating na lalaki at inabutan siya ng tubig, habang nakangiti.

"Si papa chi dumadamoves kay Yana." Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Karmela. Samantalang ako ay napangiti lamang.

His smile when he's with Yana is different when he's smiling with me. Kapag silang dalawa ay may kakaiba talaga. Hindi ko siguro kung iyon ay ang tinatawag nilang 'sparks' but who knows.

I shrugged my shoulders. Pagkatapos ay napalingon siya sa gawi namin. Akala ko ay ngingiti siya gaya ng nakagawian pero nagkunot noo lamang siya at umiwas ng tingin. Nabahala agad ako dahil doon.

Galit nga yata...

Naglakad din siya paalis mukhang may praktis pa sila. Mamaya na din kasi iyong pagtatanghal nila.

"Alis muna ako." Sambit ko kayna Karmela. Hindi ko na hinintay ang reaksyon nila at tumakbo na ako patungo sa kaniya. I saw his back while he's walking.

Agad akong humabol sa kaniya. Hindi man lamang niya ako nilingon kahit alam niyang naabutan ko na siya at nasa tabi na niya ako. Para akong hangin ngayon. At saka ko napagtanto na...

"So you are like this when you are mad, huh?"

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now