Pahina 46

2.8K 113 9
                                    

46:

Bakas na bakas sa kaniyang hitsura ang gulat. Tila nga tumigil pa ang oras sa mundo niya dahil sa aking binanggit pero agad din akong napangiti ng mapait.

"Tss. Kung ano anong iniisip mo diyan." Imik ko sa kaniya at saka wagayway ng kamay. Napa-kunot noo naman siya at gugustuhin sanang magsalita upang mag-usisang muli pero agad ko siyang inunahan.

"Ex-bestfriend." Paglilinaw ko.

Kung kanina ay gulat na gulat siya ngayon naman ay para siyang nabunutan ng tinik na parang hindi pa din makapaniwala sa sinabi ko. Ang gulo din nito minsan. Baka mali pa ang basa ko sa ekspresyon niya. Tss. Bahala na, basta mukha siyang naguguluhan.

"Best friend?" Animo'y wala sa ulirat na tanong niya at paglilinaw sa akin.

"Oo." Simpleng tugon ko.

"Pero sabi mo kanina—" Pinutol ko na kaagad ang sinabi niya.

"Ang sabi ko kanina 'oo' sa tanong mo kung ex ko siya, hindi mo naman sinabi kung anong klaseng ex kaya ako nag-oo, at kaya ko din nilinaw." Pagklaklaro ko pa, na ikinatango niya.

"Geez. Akala ko naging kayo talaga. Kung hindi mo sinabing best friend, talagang iisipin ko may dati kayong relasyon. May iba kasi talaga sa pakikituring mo sa kaniya." mukhang nalinawan na siya at hindi nag-over react pa, kaya naman napangiti ako nang palihim.

"Bakit pala ex-best friend?" Tanong niya.

"Kasi dati na?" Pilosopong sagot ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman dinilaan ko siya pero noong aamba siya para kilitin ako sa gilid ay agad akong tumakbo papalayo, at noong maabutan niya ako ay nagsalita na agad ako.

"Nang-iwan kasi sa ere." Pahayag ko sa pinakamaikling paraan para ipaliwanag sa kaniya ang bagay na dahilan kung bakit hindi ko na kaibigan pa si Rence ngayon.

Ang hipokrita ko kung sasabihin kong hindi nagbago ang pakikitungo ko kay Rence o kahit sa pakikitungo man lamang sa taong hindi kaibigan. Iba talaga ang turing ko kay Rence ngayon. Iyong tipong natatakot ako, natatakot na makita ulit siya bilang Rence na kasangga ko dati. I built a wall between me and him, and I think that's the highest wall I've ever built for someone.

"Sus. Baka kasi tinarayan mo kaya ka iniwan." Pag-bibiro niya. Kung totoo lamang sana ang sinabi niya, mas gugustuhin kong iyon na lamang ang dahilan...

I smiled bitterly. "Ganoon na nga siguro..." Maikling pahayag ko kahit napakalayo naman noon sa tunay na dahilan. Ayaw ko lamang talagang pag-usapan ang bagay na ito.

Hindi din nagtagal ay nakasakay na kami sa dyip. Hindi na siya nagtatanong pa tungkol sa ibang mga detalye tungkol sa nakaraan, bagkus ay siya pa mismo ang nagbago ng paksa tungkol sa PE Practical Exam namin.

Nagtanong siya sa akin kung saan kami mag-prapraktis, at hindi ko din alam ang isasagot. Nagsabi siya na mayroong maliit na parke sa subdibisyon nila at kung pwede ay doon na lamang daw. Sumang-ayon naman ako dahil malapit lamang iyon.

Napagkasunduan namin ang bagay na iyon, at ang sabi pa niya ang iambag ko na lamang ay pagkain. Napasinghal ako sa sinabi ng loko. Nandoon na ang bahay nila lahat lahat ako pa sa pagkain? Tss.

"Wala kasi si mommy at daddy bukas, aalis ng madaling pupuntang tagaytay. My siblings are in Manila, at iyong bunsong kapatid ko ay kasama nila daddy mamayang madaling araw." Paliwanag pa niya at hindi naman daw siya marunong magluto.

"Mayaman ka naman, paluto ka na lang." Natatawang sabi ko pa.

"Ayoko nga." Kuripot ang singkit na ito. Tsk tsk tsk.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now