Pahina 25

2.6K 126 6
                                    

25:

Noong nag-lunch ay sumama na siya sa barkada niya kaya naman naiwan na akong muling mag-isa. Hindi naman iyon malaking bagay sa akin dahil sanay na din naman ako. Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito ay kumportable ako kapag ganoon. Mahirap para sa akin ang makihalubilo, para kasing lagi akong may alalahanin kapag ganoon.

Naglakad na lamang ako patungo sana sa kainan na lagi kong kinakainan noong may marinig akong tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako at saka bahagyang ngumiti sa kaniya. Nilapitan naman niya ako. Si Naya.

"Wala kang kasama?" Tanong niya. Tumango naman ako dahil doon.

"Sumama ka sa akin." Nakangiting sambit ni Naya, kasama niya iyong sina Marita, Lilibeth, at Eunice. Medyo napaatras ako sa kinatatayuan ako. Tiningnan kasi ako noong tatlo.

"Huwag na, nakakahiya." Pilit din akong ngumiti.

"Ano ka ba, sumama ka na. Kaklase mo kaya kami. Oh, ito nga pala sina Eunice, Marita at Lilibeth. Mababait iyang mga iyan." Masayang sambit pa niya. Napalunok ako ng palihim dahil doon. Tiningnan ko sila pero hindi ko magawang bumati.

"Hi." Pagbati noong tatlo, pagkatapos ay sinama na nila ako sa pupuntahan nilang kainan. Hindi ko na nagawang tumanggi dahil baka nakakabastos iyon sa kanila gayong  todo ang pagsasalita nila para lamang iparamdam sa akin na maayos lamang iyon.

Kahit papaano ay sumasagot naman ako sa mga tanong nila. Pero hindi pa din talaga ako kumportable. Hinayaan ko na lamang iyong pakiramdam na iyon at pinilit ang aking sarili na makisama sa kanila kahit mahirap iyon para sa akin.

"Magkasama kayo kanina ni ano hindi ba?" Biglang pagsasalita ni Marita na parang nanunukso. Napatingin naman ako sa kaniya na nagtatakha.

"Ni ano. Si chinito." Makahulugang sambit naman ni Lilibeth, tinaas baba pa niya ang kaniyang kilay at saka tumawa ng bahagya na parang ipinaparating sa akin na alam ko na kung sinong tinutukoy nila.

"Ah siya? Oo. Kasama ko nga." Hindi ko din kasi alam kung ano bang dapat itugon.

"Ayiee." Nagulat ako sa biglang panunukso nila. Para saan iyon? Hindi ako umimik at tinitigan sila nang nagtatakha. Anong mayroon para tuksuhin nila ako?

"Bakit?" Nalilitong tanong ko na mas lalo nilang ikinatawa.

"May relasyon kayo?" Diretsang tanong ni Marita.

"Relasyon? Magkaibigan. Iyon lamang." Sagot ko naman at saka ako uminom ng tubig. Ngumiti naman siya sa akin dahil sa sagot ko pagkatapos ay biglang ibinaling ang tingin kay Naya.

"Naya. Alam na." Tatawa tawang sambit ni Lilibeth. "May pag-asa ka pa." Nag-apir apir pa iyong tatlo sa panunukso sa namumulang si Naya. Base sa mga aksyon nila ay alam ko nang mayroong gusto si Naya sa lalaking iyon.

Nako talaga, bakit ba ang daming nagkakagusto sa isang iyon? Anong mayroon sa kaniya maliban sa nakakaakit na mukha? Parang wala naman.

"May gusto ka sa kaniya?" Paninigurado ko.

"Hindi ah. Wala. Crush lamang." Nahihiyang pag-amin niya na ikinangiti ko. Ang cute kasi ng reaksyon niya. May pagka-boyish kasi ang isang ito, kaya hindi ko naasahan na magkakaroon siya ng pagtingin doon sa mayabang na iyon.

"Huwag kang mag-alala, hindi mo ako karibal sa kaniya." Natatawang biro ko naman na mas lalo niyang ikinapula.

"Weh?" Biglang singit ni Marita sa sinabi ko. She sounded like I was telling an obvious lie. What's with her? "Bakit lagi kayong magkasama?" Sunod na tanong pa niya.

Gusto ko sanang umirap pero hindi ko ginawa. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang ipinaparating nitong si Marita. At saka kung maka-asta akala mo naman napakalapit namin sa isa't-isa. Tsk. Pasalamat siya at hindi ko pa siya tinatarayan dahil kay Naya. Mabuting kaibigan din kasi si Naya simula noong ipakilala siya ni Claire sa akin.

"Wala." Mahinahong salita ko. "Nagkataon lamang na sinamahan niya ako kanina. At saka si Yana talaga ang sinasamahan niya at hindi ako." Dugtong ko pa.

"Ahh." Sabay sabay na reaksyon noong apat.

"Ibig sabihin kay Yana siya may gusto?" Tanong muli ni Marita.

"Bakit ang dami mong tanong?" Huli na ang lahat para mapigilan ko ang bibig ko na sabihin iyon. Marahan iyon at nag-iingat. Pero kapag nagtanong pa siya ng hindi ko magugustuhan. Baka iba na ang maging pakitungo ko sa kaniya. I'm not nice. Alam ko iyon sa sarili ko. Kaya nga madaming galit at nanghuhusga sa akin dahil masama talaga ako makatingin at kapag hindi ko gusto ang isang tao, hindi ko ipapakita sa kaniya na mabait ako.

Medyo napatigil iyong apat sa sinabi ko pero tinawanan lamang nila iyon na parang isang biro. Mabuti naman kung biro ang tukoy nila doon. Ayaw ko nang away pero hindi ko gusto makipagplastikan kay Marita.

Eunice and Lilibeth are good, but with Marita? I don't think we will get along well.

"Ano ka ba." Sambit niya sa akin. "Huwag mong masamain. Para namang hindi normal sa iyo ang makipagchismisan." Nakangiting pahayag pa niya.

Ah. Chismis? Pasensya na pero hindi chismis ang buhay ng kaibigan ko para sa akin. Isa iyong importanteng parte ng samahan namin. At hindi ko para ibigay ang mga impormasyon na kami kami lamang ang nakaka-alam kahit pa magkakagalit kami ngayon.

I just smiled at her. I hope the sarcasm reached her.

Matapos iyon ay nagpaalam na ako sa kanilang tatlo, at kay Naya. Masaya naman si Naya dahil sumabay ako sa kanila ganoon din naman ako maliban sa isang parte ng barkada niya.

Akala ko matalino ay may class si Marita dahil bukod sa galing pa siyang Maynila noong mag-transfer dito ay nasa over all siya last year. I didn't know she enjoy meddling with the lives of other people. A stereotypical hypocrite. I don't really judge people. I just described her with what I have experienced a while ago.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now