Pahina 23

2.5K 131 7
                                    

23:

Dumating ang araw ng Miyerkules. Umaga pa lamang at may kani-kaniya nang samahan ang mga kaklase ko. Pinaalalahanan sila ng guro na kailangan daw pumunta noong mga hindi excuse sa gym mamayang hapon.

Halatang halata ang saya sa bawat isa, subalit ako ay nasa isang sulok lamang. Nakatulala at nagkakalikot ng cellphone. Walang maka-usap, walang masamahan. Sasama sana ako doon sa mga kaibigan kong nasa ibang section, ang kaso ay kasama nila iyong mga bagong kaibigan nila kaya't hindi ko na lamang itinuloy ang plano ko dahil alam kong hindi din ako magiging katanggap tanggap doon.

Ito na ata ang pinakamasamang college days ko sa pamamalagi ko dito sa eskuwelahang ito.

Umalis na iyong iba kong kaklase at mag-solo na lamang ako dito sa silid namin. Sinara ko na lamang iyong mga bintana at saka iyong isang pinto at saka ako naglagay ng earphones sa aking tainga. Bahala na. Basta dito muna ako.

Nakinig na lamang ako sa musika, at may pumasok na isa kong kaklase. Iyong babaeng akala mo kung sinong maganda, akala mo kung sinong magaling, pero nakapahipokrita naman. Hindi ko ugaling manghusga pero ang babaeng ito masyadong sumombra ang ugali kaya naman hindi ko na maiwasan.

Nanatili akong hindi lumilingon sa kanila at nagkalikot ng phone noong parang marinig ko na may pinag-uusapan sila. Hininaan ko iyong volume noong pinapakinggan ko hanggang sa ma-mute ito kaya't narinig ko ang sinasabi noong babaeng iyon.

"Solo nanaman iyang mataray na iyan. Masyado kasi kaya walang kaibigan." Hindi ko sila pinansin pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kung ano dahil sa sinabi nila.

"Ang yabang pa ata nan kaya ganan." Pag-sangayon naman noong isa.

"Lakas ng loob makisama kayna Yana. Akala mo naman sisikat siya." Unti-unti ay napayukom na ang kamao ko dahil doon. Gusto kong sabihin sa kanila na tumahimik sila at huwag silang magsalita nang masama tungkol sa akin pero hindi ko ginawa.

I will never step down on their level. They only have the guts to talk about me like that because they are not alone, because they have their so-called-back-ups, and because they love to meddle with other people's lives. Seems like my life is more interesting than theirs.

Nagpatuloy silang pag-usapan ako at mas lumalala iyon. Tumayo ako sa kinatatayuan ko kaya't natigilan sila. I maintained my emotionless face and did not even bother to look at them.

"Duwag." I heard them say. I rolled my eyes. At saka tuluyang lumabas sa silid.

Liliko sana ko noong makita ko siya na nakatayo sa may pinto. Napaatras tuloy ako dahil muntik ko na siyang mabunggo. Hindi ko siya napansin dahil masyado akong okupado noong sinabi noong mga walang magawa sa buhay na mga iyon.

"Hey." Bati niya sa mahinang boses pagkatapos ay tiningnan niya ako na parang nag-aalala.

"Hmm." Tanging sambit ko at saka nagsimulang maglakad. Gusto kong makalayo sa silid na iyon. Sa mga babaeng iyon. Dahil baka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pasalamat sila nakapagtimpi pa ako.

Akala ko hindi na sumunod sa akin iyong isa pero naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa balikat ko. "Saan ka?" Nag-aalinlangang tanong niya.

"Ah, sa gazebo." Maikling tugon ko. Pagkatapos ay nagsimula na muling maglakad. Sinabayan niya ako. Nakiramdam lamang siya at hindi nagsalita. I think, he knows how to act when I'm like this.

Hindi din nagtagal nakarating na kaming dalawa sa gazebo. Walang ganoong tao, malamang ay nasa field at nagsasaya sa mga rides at syempre sa mga palaro at stalls. Mabuti iyon para tahimik.

Umupo ako sa isang batong upuan doon at saka napabuntong hininga. Tumabi siya sa akin at nagpalipas ng ilang minuto bago nagsimulang magsalita.

"Narinig ko sila." Mahinang sambit niya nag-iingat kung paano sisimulan ang paksa. Tumango naman ako dahil doon. "Narinig ko din." Mahinahong imik ko.

"Bakit hindi mo sila kinontra? Bakit hindi ka lumaban?" I chuckled because of that. Mukha kasing mas apektado pa siya sa akin.

"Simply because I'm not their opinion. And—" Pinutol niya ang sinasabi ko noong siya na mismo ang magdugtong.

"You don't really care."

"Mismo." Medyo tumawa siya nang marahan noong sabihin ko iyon.

"The usual you." Maikling pahayag pa niya. I smiled faintly.

"Hindi ka na talaga naapektuhan?" Kuryosong tanong niya. Tinanggal ko muna iyong earphones ko tutal wala namang natunog doon dahil naka-mute. Tumingin ako sa paligod at saka sumagot.

"Hindi naman ako bato. Syempre, naapektuhan. Pero nawawala din naman agad iyon, dahil alam ko namang hindi totoo iyon. Ayoko din noong makikipag-away sa kanila dahil sa mga naririnig ko kasi parang pinatunayan ko na din na ako iyong opinyon nila. Alam ko naman ang away kung saan kailangan kong lumaban at sa away na pwede ko lang daanan."

Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Dedepensahan mo lang naman ang sarili mo? At saka magsasabi ka lang ng saloobin mo." Parang gusto pa niya akong kumbinsihin na kailangan ko din naman lumaban sa kanila. Lalong lalo na sa sinasabi nila sa akin.

I get his point. I've been there, I've done that. But the thing is... my perspective now is different.

"I get your point. But the thing is..." I heaved a sigh. "Kung may natutunan man ako sa mga ganiyan?" Tiningnan ko siya na nakita kong nakatitig siya sa akin. I smiled faintly before continuing. "Iyon ay kahit naman itama ko sila, kahit magbigay ako nang opinyon o kahit katotohanan. Ang paniniwalaan lamang nila iyong gusto nila. Ganun talaga ang mga makikitid at mababaw na tao. Wala na akong magagawa doon." Kibit balikat na dugtong ko pa.

Narinig ko ang pagbubuntong hininga niya. "You are really weird." He remarked.

"I'll take that as a compliment." I said while grinning. Pagkatapos ay nagulat na lamang ako noong bigla niyang tusukin ang baiwang ko kaya naman halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.

"Omchi! Bwisit 'to." Pagbibirong maktol ko pa, pero natawa na lamang siya.

"Si Yana at Claire bakit hindi mo kasama?" Pag-iiba niya ng paksa, pero iyong paksa naman na ito ang iniiwasan ko.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ko.

"Napapansin ko. Nag-iiwasan kayo. Bakit?" Kahit kailan talaga may pagkachismoso din itong chinitong ito.

"Hindi ko din alam. Basta iniwasan na lamang nila ako. Kaya bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila, kung ayaw na nila?" Malungkot na sambit ko. Ayaw ko talagang ipakita na malungkot ako, pero kusang lumabas ang tinig na iyon. Apektado talaga ako.

"Maniwala. Hindi iyan. Gustong gusto ka nang dalawang iyon. Kapag magkasama kami ni Yana, kapag nababanggit kita, halatang halata na espisyal ka sa kaniya." Pagpapagaan niya ng pakiramdam ko.

"Siguro nga." Wala talaga akong ganang pag-usapan ang bagay na ito.

"Tandaan mo, walang problemang nareresolba sa pagtakas." Malalim din pala ang isang ito minsan, o baka naman nahahawa na sa akin?

"Hugot?" Pagbibiro ko.

"Panira mo talaga. Ang seryoso ko dito magpayo pagkatapos gaganyan ka." Singhal niya sa akin pagkatapos ay bigla na lamang niya akong kiniliti kaya naman napatayo na ako sa kinauupuan ko habang hinihingal sa pagtawa.

"Tigilan mo na ako ha. May hika ako." Pangloloko ko. Wala naman akong hika, talagang hinihingal lamang ako sa katatawa. Bwisit naman kasi bakit ba ang lakas ng kiliti ko sa baiwang at sa batok?

"Tsk. Bulaan ka. Halika nga. Tara puntahan natin si Yana." Pang-aakit niya.

I shook my head. "Ayoko pa. Palamig muna ako nang ulo. Baka hindi ko lang sila pansinin, mas lalo pang hindi kami magkaintindihan." Napatango tango naman siya at mukhang nakuha niya ang punto ko.

"Kung ganoon. Tara sa stalls. Ilibre mo ako, kasi sinamahan kita." Aba't ang lokong ito talagang may kapalit lagi. Ang kuripot din nito, laging libre at saka ang yabang. Akala mo naman napakalaki ng naitulong niya.

"Tara, pero hindi kita ililibre." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at mukhang balak talagang magpalibre. Wala akong pera bahala siya. Tss.

Habang naglalakad kami papunta sa field, may sinabi siya. "Everytime you say your deep thoughts, you always surprise me." Then he gave me a sweet smile.

***

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now