Wakas

8.1K 250 81
                                    

Wakas

Napatulala ako sa kwarto ko nang makauwi ako. Pakiramdam ko ang sama sama ng buong araw ko kahit masaya naman kami nina Yana kanina. Pakiramdam ko nawalan ako ng enerhiya.

Hindi na niya ako kilala pero ano pa nga bang aasahan ko? Hindi ba sabi ko noon sa sarili ko tanggap ko na kung wala talaga, kung hindi talaga? Pero bakit ganito? Bakit ang sakit yata masyado?

Mahal ko na ba talaga siya noon pa man o hindi ko lang matanggap na hindi na niya nararadaman 'yung koneksyon naming dalawa? Gusto kong maiyak bigla. Napahiga ako sa kama ko at napatitig sa kisame.

I didn't blink for seconds and my eyes started to sting because of it. Napapikit na lang ako kanina noong maalala ko ang mukha niyang nakakunot noo na para bang kinikilala talaga niya ako pero wala.

Ang sama mo Heinrich ka! I hate you, Rich! I hate you, Ryshawn!

Pinadyak ko ang paa ko dahil sa inis. At napabuga rin ng hangin. Kusang sumimangot ang mukha ko dahil sa inis. Napaikot-ikot ako sa pagkakahiga dahil sa pagkaasar. Halos pang-gigilan ko rin ang unan na nakuha ko.

Gumuwapo ka lang lalo ganyan ka na, hindi mo na ako naalala, masyado ka nang nagpakasay! Asan na 'yung mga sinabi mo dati?! Ang daya mo, Ryshawn Heinrich! You're not fair! Absolutely not!

But... after all these years you are still my uncertainty.

Pinagbabato ko na lang ang unan ko sa kama dahil doon, at saka ako padabog na naglakad patungo sa aparador ko para kumuha ng damit na pambahay at saka dumiretso sa banyo para mag-wash up bago magbihis.

Nang matapos ako ay napahiga ako sa kama. Napatulala akong muli sa kisame. Hindi ko alam pero hindi ako makausad dahil sa bumabalik na ala-ala niya sa akin. Ang sakit kasi eh. Akala ko handa na ako sa ganito, hindi pala.

Kasalanan ko rin naman kasi, hindi ako nagpaalam sa kaniya, at hindi rin ako gumawa ng paraan para manatili ang komunikasyon sa aming dalawa. It's my fault too. Not everything is his mistake. I am responsible for my own too.

Napabuntong hininga na lang ako at saka ko kinuha ang Macbook ko sa table malapit sa kama ko. Pero bago ko buksan iyon, dumiretso ako sa aircon para buhayin iyon. Medyo mainit kasi tapos halos kalilinis ko lang ng katawan.

I logged in, in my Facebook account and Twitter. I saw Yana's tweet about our bonding earlier and Claire's posts about it too. Our photos are there too. Some of the comments are from my friends in highschool. They were surprised to see us together and still good friends.

Napangiti na lang ako ro'n. I checked my private message. I opened Karmela's chat and Rence's, they are inviting me for a movie and such. Sinabi ko na lang kung pwede sa susunod na araw at huwag bukas, gusto ko kasing magpahinga muna bukas, at kung pwede sama-sama na sila.

Luckily they agreed, I was relieved.

I opened my iTunes to stream some music, and after that I automatically sighed. Naalala ko na naman iyong nangyari kanina. Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa inis. Ano ba ito!

Ryshawn Heinrich is envading my mind again like a normal thing! Agh.

Matapos kasi niya akong tanungin kung kilala ko raw ba siya ay umiling ako dahil hindi ko alam ang gagawin tapos magtatanong pa sana siya kaso may tumawag sa kaniya, iyon yatang babaeng kasama niya kanina, kaya ang resulta lumingon siya ro'n, at ako naman mabilis pa sa alas kwatrong umalis dala dala ang gamit ko.

I entertained myself by browsing things on the net. Hindi ako mahilig sa ganito dati sa totoo lang pero 'nung nasa Canada na ako, ginawa ko na s'yang libangan kasi nakakamiss sa Pinas.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now