Pahina 65

2.7K 106 20
                                    

65:

"How's your group?" Iyon ang bungad sa akin ni Singkit nang bumalik na kami sa kaniya kaniya naming upuan matapos kaming igrupo ng guro namin para sa isang proyekto.

"Good. Pero may galit yata sa akin si Rosselle." I stated the obvious. Rosselle doesn't like me at all, since the first day. May mata siya na para bang bawat galaw ko may masasabi siyang masama. She's also one of the girls who badmouthed me way back on College Days.

"Anong ginawa sa'yo?" He asked sounding pissed again. Ganyan naman iyang lalaking iyan, kapag may nang-aaway sa akin. Halos isang linggo na rin kasi ang lumipas mula noong away namin ni Yana, at umaakto siyang 'superhero' para sa akin. I don't need saving, I told him hundred of times, but he just never listen.

"Wala. Hayaan mo na. At hayaan mo akong ayusin ito, okay? Kagrupo ko siya, kaya kargado ko, hindi iyo, okay?" Mataray na imik ko para naman tantanan na niya ang pagiging gwardya ko. Ang kulit talaga niya kapag nasobrahan.

"I'll give you this one to handle then." Sukong sabi niya kaya naman tinanguan ko siya. Akala ko kukulitin na naman ako, babatukan ko na talaga siya. Umupo na ako sa upuan ko at sinulyapan ko si Yana sa tabi ni Marv.

Nakikipagkulitan siya kayna Mario na nasa unahan niya, mukhang okay na siya at masaya. Hindi tulad noong mga unang araw nang pag aaway namin halata mong badtrip siya parati.

Tahimik na lamang akong nakinig muli sa guro namin. Leader ako ng grupo namin sa project na iyon. Kasama ko sa grupo si Lilibeth at Rence kaya naman may kausap ako. Tapos si Rosselle na galit sa akin, saka si Hanna na kampi kay Rosselle, at sina Bent at Samuel na kaibigan ni Rence.

Si Rosselle at si Hanna lamang talaga ang problema ko. Wala silang paki alam kanina noong sinasabi ko ang tungkol sa gagawin namin. They— especially Rosselle ignored—me the whole time. At kapag naman sinasabi ni Rence na makisama siya, she will start trash-talking us. Nakakagigil sa totoo lang.

I want her to be professional. Just for the sake of the group and the project. Hindi ko naman hinihiling sa kaniya na magustuhan niya ako, kaya hindi ko alam kung anong problema niya sa akin. She's giving me an attitude and I will not tolerate that.

Tingnan ko na lamang bukas kung gagawin niya iyong pinagagawa ko. Maganda na kasing magsimula kami ng maaga dahil tatlong araw lamang ang nakalaan sa bagay na ito. I do not have the time to please her. She will deal with my maldita side if she will not do the things she needed to do for the group.

Hindi nagtagal at natapos ang subject namin na iyon at saka dumating iyong kasunod na guro. Nagdasal muna kami bago magsimula ang klase. Maayos naman kahit papaano kahit medyo maingay, hindi naman maiiwasan ang bagay na iyon.

Matapos ng kaunting diskusyon ay nagpa-quiz si Miss Geom kaya naman naglabas kaagad ako ng papel iyong isa lamang at hindi iyong makapal. Ang tatamad kasi bumili ng mga tao rito, akala mo naman factory ka ng 1/4 o 1/2 sheet of paper. Tss.

Hindi naman kahirapan iyong quiz, malay ko nga at bakit nagreklamo iyong iba, katuturo lamang naman, marahil ay hindi nakikinig at nag iingay lamang kaya ganoon, o baka hindi talaga nila makuha.

We exchanged papers after the quiz. Nakipagpalit sa akin si Singkit. When checking, it was so obvious he would get perfect. Everything was so clear and by step. Sobrang organize. A Math geek will always be math geek. Kidding aside. Pero kapag talaga Math ang usapan, ang ganda lagi ng resulta niya.

"Ang galing ko ano?" He said proudly. I rolled my eyes jokingly. Got my paper back too, perfect score. Hindi ako ngumiti o hindi ako nagpakita ng emosyon sa magandang iskor ko.

"Hindi ka man lamang natuwa? You got perfect too." He said while checking his paper, admiring his own work. Loko loko talaga. Tsk.

"Ano ka ba, hindi na iyan bago sa kanya kapag may quiz at exam perfect naman mga score niya." Sabi ni Marv na biglang sumingit sa usapan namin. Napailing iling ako dahil doon.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon