Pahina 36

2.5K 114 7
                                    

36:

Lumipas pa ang isang linggo. At napansin ko na mas lagi nang kasama ngayon ni Yana iyong isa. Masyado silang dikit ngayon, dati pa naman silang sobrang malapit kaso may iba ngayon. Talagang pinatunayan nga niya na hahanap na siya ng pagkakataon na sabihin kay Yana ang kaniyang nararamdaman.

Tapos na din iyong gawain naming mayroong grupo. Ang grupo namin ang nakakuha ng pinaka-mataas na iskor dahil lahat sila ay gumawa sa mga pinapagawa ko. Mayroong kaunting hindi naging pagkakaintindihan sa proseso pero naging maayos din dahil kay Yana at Rence dahil silang dalawa talaga ang mismong tumulong sa akin.

"Hoy. Hoy. Hoy." Naririndi ako kay Rence na nasa gilid ko dahil kaninang kanina pa niya ako kinukuhit at tinatawag ko. Dahil baka mapikon na ako kung hindi pa niya titigilan ang pangunguhit sa akin ay humaharap na ako sa kaniya.

"Ano?" Asar na sambit ko.

"Sa wakas lumingon ka din." Abot sa dalawang tainga niya ang pagngiti niya noong humarap ako sa kaniya at pansinin siya. Nakakainis. Ngiting aso, parang may masamang balak. Tsk.

"Bakit ba?" Naiinip na tanong ko.

"Wala naman. Bakit ba kasi galit na galit ka sa akin ha? May nagawa ba ako sa iyo?" Painosenteng tanong niya.

"Bakit hindi mo sa sarili mo itanong iyan?" Mataray na tugon ko. Napasimangot naman siya doon at bumulong bulong pa sa sarili, pagkatapos ay mistulang naging baliw siya dahil tinanong nga niya ang kaniyang sarili doon sa tinanong niya sa akin.

"Ayan, ginawa ko na. Hindi naman nasagot." Bwisit. Ano kayang nahithit ng isang ito?

"Puwede ba?" Pasukong imik ko sa kaniya at saka humalong baba.

Natahimik siya sandali dahil doon, subalit ramdam ko pa din ang titig niya sa akin. "Alam mo?" Naging seryoso ang tinig niya ngunit hindi ko siya nilingon at hinayaan kong magsalita lamang siya nang magsalita gaya ng mga nakagawian niya.

"Minsan naiinis at napipikon din ako sa iyo. Ang maldita mo na nga, minsan napakastrikta mo pa. Pero madalas nakukuha mo ang atensyon ko. Madalang kang ngumiti maliban na lamang kapag kasama mo sina Karmela o kaya'y sina Yana, pagkatapos parang ang dami mong itinatago..." Mahabang linya niya sa akin.

"Ayaw kong maging malapit sa iyo, pero gustong gusto kitang kinukulit. Ang gulo hindi ba? Ano ba kasing mayroon sa iyo?" Napapakunot noo ako sa kaniyang mga binibitawang salita. Hindi ko maintindihan kung itratrato ko bang puri iyong mga sinasabi niya o insulto. But the latter is a better choice to treat it.

"Walang mayroon sa akin. Sadyang ipinipilit lamang ng sistema mo na may kakaiba sa akin kaya naman ganiyan ka sa akin." Maikling pahayag ko.

"Hindi din." Kontra niya.

"There's really nothing special about me or other people. What makes me special for you is your own thoughts." Saad ko sa kaniya ng marahan. Iyon naman kasi talaga iyon, magiging espisyal sa iyo ang isang tao kung iyon ang iniisip mo.

Natawa siya ng malumanay dahil sa aking tugon. "Siguro nga... Pero may parte ka din kung bakit ganoon ang iniisip ko." He said. I sighed. Mahirap talagang baguhin ang opinyon nang isang ito kaya't hindi na ako nagtakha kung bakit ganito ang mga sinasabi niya.

"Bakit ba hindi mo na lamang ako ituring na kaibigan ha?" Tanong niya sa paraang parang nagyayabang na tila ba napakapili ko pa para hindi siya kaibiganin. Napa-ismid tuloy ako.

"Parang may nakakalimutan ka Rence." Seryosong pagsasalita ko kaya't natigilan siya sa pang-aasar sa akin. "Hindi madaling kalimutan ang isang bagay, Rence. Kilala mo ako. Kilalang kilala." Napa-iwas siya ng tingin dahil doon.

Reminiscence: From Me To YouOnde histórias criam vida. Descubra agora