Pahina 7

4.8K 178 4
                                    

7: Ulan,

Uwian na at iniintay ko na sina Alyana at Claire na mag-ayos ng gamit nila upang sabay sabay kaming umalis. Ang problema nga lamang, nag-sisimula nang umulan ngayon at medyo malakas ito.

Mayroon naman akong payong kaya't nakakapag-tricycle pa ako papunta sa sakayan ng jeep, para makauwi ako. Dalawa kasi lagi ang sakayan ko dahil malayo sa paaralan ang bahay namin.

Noong ang tagal pa mag-ayos ng gamit nina Alyana ay tinawag ko na silang muli at sa isang iglap nasa harapan ko na sila, at siyempre hindi ka mawawala doon.

Nag-uusap usap kaming tatlo samantalang ramdam ko na nasa likod ka lamang namin. Ang sabi ni Yana ay masyado nang malakas ang ulan at kailagan na din naming maghiwa-hiwalay.

Tumango naman ako doon. Karaniwan kasi hinahatid muna namin si Yana sa may service niya na nandoon lamang sa labas nitong paaralan namin sa may bandang padulo nga lamang.

Ngunit, dahil malakas ang ulan ngayon. Hindi na niya kami pinasama doon dahil baka mabasa pa kami.

Noong nasa gate na kami, nauna na si Yana. Samantalang si Claire ay bigla na lamang tumakbo. Alam kasi noon na hindi ko siya basta paalisin dahil nga wala siyang payong subalit, ayun siya nakatakas na.

Iiling iling ako noong makaalis siya. Napasabi pa ako na baka magkasakit siya sa ginawa niya.

"Swerte nila sa'yo."

Agad akong napalingon sa likudan ko dahil narinig ko doon ang boses mo. Hindi ko akalain na nandoon ka pa dahil ang akala ko ay naka-alis ka na din. Napatingin din ako ng nagtatakha sa iyo, na parang nagtatanong kung bakit mo sinabi ang mga salitang iyon.

"Dahil napaka-loyal at napaka-bait mong kaibigan." Nakangiting sambit mo. Natatawa naman akong napatango doon. Swerte din naman ako sa kanila dahil tinanggap nila kung sino ako.

"Saan ka?" Tanong ko. Hindi ka pa kasi naalis at nalakas na ang ulan tapos nakasilong ka pa dito sa may konting masisilungan. Wala ka ding payong kaya't kahit papaano ay nag-aalala din ako. Normal naman sa akin sa mga taong naging malapit na sa akin. At isa ka na din sa kanila, dahil sa araw araw na kasama ko sina Yana at Claire ay kasama ka din lagi.

Nag-alinlangan ka pa atang sabihin sa akin ngunit sinabi mo din naman na magtratricycle ka papunta sa may sakayan ng jeep.

Nagtanong pa ako sa iyo noon kung saan eksakto dahil maaring parehas lamang ang pupuntahan natin at nagulat na lamang ako na parehas nga.

Ni minsan kasi hindi pa kita nakakasabay dahil karaniwan ay nauuna kang umalis at nagpapaiwan naman kami ni Claire sa kung saan nakapark iyong service ni Alyana, para tumambay.

"Sumukob ka." Sambit ko noong aalis ka na sana para tumakbo sa ulan papunta sa tricycle. Nagtatakha mo akong tiningnan noon at ngumiti ako. "Parehas iyong pupuntahan nating sakayan, sabay na tayo." Dagdag ko pa.

Agad kang nagpasalamat sa akin at saka ko kinuha iyong payong ko upang ikaw ang maghawak nito at saka mo ako inalalayan para hindi mabasa.

Halos patakbo na din tayong pumunta doon sa tricycle na pinakamalapit sa atin.

Pinasakay mo akong una habang pinapayungan pa din, at noong makasakay ako ay sumunod ka na din.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon