Extra: Reunion

4.3K 169 47
                                    

"Oy, sabay sabay na tayo bukas papuntang reunion?" Biglang tanong ni Claire habang nanunuod kami ng movie sa kwarto niya. Both Yana and I looked at Claire.

Ah, I almost forgot about it. Bukas na nga pala 'yung reunion ng batch namin. I'm not really planning to attend the said event, but these two won't let me. Nandun sila, dapat nandun din ako, iyan ang katwiran nila sa akin.

"Sige! Sasabihan ko si Ge na sunduin tayong tatlo." Yana suggested cheerfully. 'Tsaka kami inakbayan ni Claire. I was munching some Ruffles so I couldn't answer.

"E 'di ikaw na ang may love life!" Pabirong irap naman ni Claire kay Yana. Natawa ako at saka si Yana. Si Gerome Avila na Ge kung tawagin namin, ay ang long time boy friend ni Yana. Ika-limang boyfriend na rin.

Ge and Yana are one year and going strong. Ewan ko ba, kung anong ganda nitong si Yana at kung gaano ka bright 'yung personality niya, medyo minalas sa pag-ibig. Jusko, napakaraming luha na iniyak nito 'nung 'di pa niya natatagpuan si Ge. Mabuti na lang dumating 'yung lalaking 'yun. 'Wag na lang sana matulad si Ge sa mga ex niya. At sana sila na talaga.

Ayoko kasing umiiyak 'tong dalawang 'to.

"Mag-move on ka na kasi kay Migs, Claire, ayaw mo ba do'n sa nirereto kong si Paul? Bagay kaya kayo!" Yana suggested, Claire rolled her eyes.

"No, Yana." I interrupted. Napatingin sila sa akin ng sabay. "Hindi pa nakakamove on 'tong si Claire. Gagawin niya lang rebound si Paul tapos si Paul ay kakabreak lang din." I added plainly. Ano 'yon? Lokohan lang? Basta talaga love life daming hahamakin nang dalawang 'to eh.

Marupok. Masyadong marupok.

"Kaya nga nireto ko, parehas silang broken e 'di parehas silang rebound ng isa't-isa." Yana laughed jokingly, nasapak siya ni Claire ng pabiro. Natawa na lang ako.

"Palibhasa kasi 'yung isa r'yan..." Sinamaan ko ng tingin 'yung dalawa. Pero nang-aakusa pa rin sila ng tingin. Painosente akong umiwas ng tingin. I focused my eyes on the movie but they continued to make me uncomfortable by their teasing laughter.

Aasarin na sana ako 'nung dalawa 'nung bigla na lang may kumatok sa pinto at saka iniluwa no'n ang isang tao.

"Ayan na! Ayan na!" Claire teased as soon as she saw the person. Naramdaman ko rin kaagad ang pagtusok ni Yana sa tagiliran ko at saka sila sabay na tumawa ni Claire.

"Ikaw na po swerte!" Sabay na sabi nila. Natawa na lang ako.

Ryshawn then went beside me. "Sunduin ko lang ang 'My nyo." Paalam niya kay Yana at Claire.

"Mamaya na! Dito na muna, nag-uusap pa kami eh, ang aga mo sunduin 'tong si 'My eh!" Reklamo kaagad ni Claire at saka ako hinigit patayo sa upuan para makatakas kay Ryshawn. Claire and I went to her bed.

Ryshawn's laughter echoed in the whole room. "Kanina pa nasa inyo ang omchi ko, ako naman." Binato ko ng unan si Ryshawn dahil sa narinig.

"Hoy, kilabutan ka nga!" Saway ko. Kaya naman lalo s'yang natawa. Tinulungan din ako ni Claire at Yana na pagkaisahan si Ryshawn kaya naman lalong gumulo.

Sa huli, ang landing ko, sa braso ni Ryshawn. Yakap yakap niya ako ngayon gamit ang isang kamay habang nakaupo sa sofa. Claire's getting some refreshment drinks while Yana's on the phone with Ge. Mukhang nagpapasundo na rin.

"Had fun today?" Bulong niya sa 'kin. Medyo nagulat ako ro'n kasi ramdam ko 'yung hininga sa n'ya sa tainga ko. I looked at him and he's looking at the TV while smiling and playing with my hair.

"Yeah, super." I answered and I quickly glanced at Yana near the balcony of Claire's room. Nakatalikod siya sa amin. "I really really missed them." I continued softly.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now