Pahina 56

2.8K 99 8
                                    

56:

Hindi ko alam kung anong mayroon kay Yana at singkit ngayon, pero magkaaway nanaman sila. Malay ko kung paanong nangyari iyon, dahil kami ni Claire at Karmela talaga ang laging magkasama at si Yana naman ay kasama si singkit nitong nakaraan.

Hindi ako umiiwas sa kaniya dahil masyado akong mahahalata dahil doon. Minsan nga ang sabi ni Claire ang galing kong magpanggap na wala akong napagtanto o kung ano man. Dagdag pa niya walang nagbago sa pakikitungo ko sa kaniya. Wala naman kasi talaga dahil sinasarili ko lamang talaga iyong nararamdaman ko, dahil wala namang dahilan para ipaalam ko iyon sa iba o sa kaniya.

Niloloko pa nga ako ni Claire na wala daw talagang makaalam na nahulog na ako dahil sa natural na pag-arte ko sa harap niya na walang nagbago. Tss. Hindi ko nga mawari kung insulto o kumplemento iyong mga sinasabi sa akin ni Claire.

"Ano bang nangyari at hindi nanaman kayo nagpapansinan?" Tanong ni Claire kay Yana.

"Malay ko ba. Nainis kasi ako sa kaniya kahapon, tapos naghingi na nga ako ng paumahin pero mukhang mainit nanaman ang dugo sa akin at iniiwasan nanaman ako." Nanlulumong saad ni Yana.

Ano ba kasing mayroon sa dalawang ito? Tsk. Masyadong napapadalas ang pag-aaway, mamaya masira na talaga pagkakaibigan nila at hindi iyon maganda.

Mag-uusap usap sana kami kung hindi lamang tinawag noong guro namin si Yana. Agad tumalima si Yana at agad na pumunta sa guro namin. Naiwan kami ni Claire ng nagtatakha. "Ano kayang mayroon?" Mahinang sambit ni Claire sa sarili, napakibit balikat na lamang ako dahil hindi ko din alam.

Gusto ko sanang tanungin si singkit tungkol doon pero masyado ko na siyang kilala at alam kong hindi niya sasabihin sa akin basta basta kung bakit at kung ayaw niyang pag-usapan ang isang bagay ay mabilis niya iyong naiiwasan, at alam kong mabilis siyang maasar kapag pinipilit ko siya, halos iyon ang palaging dahilan ng away namin noon dahil masyado niyang ayaw akong idamay sa sariling problema.

Ilang saglit pa bigla na lamang tumili si Claire. "Ano nanaman?" Bagot na sagot ko sa kaniya.

"Magplaplano na daw tayo para sa Christmas party!" Masayang sabi niya, kaya naman napalingon sa kaniya iyong iba naming kaklase. Napailing iling na lamang ako. Mukhang iyon ang dahilan kung bakit pinatawag si Yana. Wala pa kasi iyong presidente at bise presidente namin dahil masyado pang maaga, kaya siguro si Yana ang tinawag noong guro namin.

"Kailan ba? Sigurado na ba na sa 18?" Halos pasigaw na tanong ni Karmela, pero para sa akin hindi sigaw iyon dahil alam kong natural na malakas ang tinig ni Karmela kaya nga lagi siyang napapagalitan dahil isa siya sa pinakamaingay sa klase.

"Oo. Sa 18 daw. Maghanda na tayo, malapit na! Mamaya daw hapon sa evaluation tayo magdidiskusyon sa mga gagawin!" Nakangiti at masayang banggit ni Claire. Agad natuwa ang klase dahil doon. Hanggang sa bumalik iyong iba sa kaniya kaniya nilang gawain.

NANG mag-ikalawang subject ay wala iyong guro namin. Wala din siyang iniwang gawain dahil katatapos nga lamang ng mga pagsusulit at syempre dahil magpapasko na din at malapit na din ang bakasyon namin.

Nagsimula na agad ang ingay ng klase. Pumunta na sa unahan ang aming presidente at nagsaway siya pero walang nakinig. Naririndi ako noong pagkakataong iyon. "Napapasobra nanaman iyong ingay." Mahinang sambit ko kay Yana.

"Oo nga eh, saglit tulungan ko si Zara." Sabay tayo niya. Zara's our president. Secretary si Yana kaya naman kailangan niya ding tumulong dahil officer din siya.

Noong nasa unahan na si Yana, medyo tumahimik iyong ibang lalaki, nasunod kasi sila kay Yana. Ano pa bang aasahan ko? Isa siya sa pinakasikat sa buong lebel namin at malakas ang apil niya sa bawat lalaki, maging sa mga babae.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now