Pahina 37

2.4K 104 0
                                    

37:

Sa mga aaw na lumilipas habang papalapit ang araw ng huwebes ay nanatili akong tahimik. Hindi ko din sinasabi kay Yana na magtatapat na iyong isa sa kaniya dahil ayaw kong makagulo sa kaniya. Paniguradong magagalit siya sa akin dahil pinangunahan ko siya kapag iyon ang nangyari. Gagawin ko lamang kumplikado ang lahat kung papakialaman ko sila. Kung sasabihin ko naman...

"Pero kumplikado pa din." Nabigla ako sa biglang nagsalita kaya't napalingon ako sa kaniya. Napansin kong kunot noo si Rence habang nakahalumbaba. Nakaramdam din ako ng kaba dahil sa sinabi niya.

Mukhang napansin niyang napalingon ako sa kaniya kaya't ngumiti siya sa akin at saka nagsalita. "Turuan mo nga ako dito. Ang kumplikado nitong itinuturo ni Miss Geom, hindi ko maintindihan." Sambit niya sa akin. Para akong nahugutan ng tinik sa dibdib dahil doon. Akala ko kasi ay may alam siya sa mga nangyayari, iyon pala ay sa Geometry ang tinutukoy niyang kumplikado.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero ipinaliwanag ko sa kaniya sa pinakamadaling paraang alam ko ang itinuturo sa amin noong guro. Nakinig siya nang tutok na tutok sa aking mga binabanggit. Seryosong seryoso siya at ang nakasanayan kong mapaglarong awra niya ay tila naglaho sa pagkakataong iyon.

"Ito? Paano ito?" Turo niya doon sa tatsulok na nakaukit sa kaniyang kwaderno. Muli ay ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat ng kaniyang kinalilituhan. Noong matapos ko iyon ay manghang mangha siyang napatingin sa akin kaya't napakunot noo ako.

"Bakit?" Medyo nailang ako dahil doon.

"Kahit lagi mo akong tinatarayan, salamat. Mas madali kong naintindihan ang lahat." Sinserong saad niya habang nakangiti. Gusto kong magtago ng ngiti dahil ngayon ko lamang nakitang ganito itong si Rence pero hindi ko napigilan at sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi.

"Oh!" Mas lalo siyang namangha. "Hindi pekeng ngiti iyan." He exclaimed happily. I snorted. Para iyon lamang ang ingay talaga nang isang ito.

"May sinabi ba akong peke?" Asar na tugon ko. Iimik sana siya ngunit nagulat kaming pareho noong tawagin noong guro ang pangalan naming dalawa. Unang beses matawag ng guro pangalan ko sa klase habang nagsasalita pa siya sa unahan. Napatungo ako sa kahihiyan.

"Anong ginagawa ninyong dalawa diyan? Ang ingay ingay ninyo." Pagpansin pa niya sa amin, kaya't palihim akong napa-iling at napa-ismid. Bwisit ka talaga Rence, ipinahamak mo pa ako sa kaingayan mo, tinuruan ka na nga.

"Ayieee. Nagkakadevelopan na." Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa biglang tili ng klase sa pangunguna ni Yana. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon. Napakagaling talaga ng kaibigan kong iyon. Tsk tsk tsk.

"Wala ma'am, nagpaturo lang ako sa kaniya noong isang hindi ko naintindihan." Sagot ni Rence sa guro.

"You can ask me. Ako ang tanungin mo." Saad pa ni Miss Geometry.

"Iyon na nga ma'am hindi kita maintindihan." Mahinang bulong ni Rence, kaya't muntik na akong tumawa, mabuti na lamang napigilan ko dahil nasa amin ang tuon ng buong klase.

"Ayaw kong maistorbo ka ma'am, at saka mabilis lang naman po iyon." Rence said politely. Napatingin ako sa mga kaklase naming nasa amin ang mata. Nahagip ng paningin ko si singkit at nakangiti siya sa amin na parang sumasali sa panunukso. Napa-irap ako sa kaniya dahil doon pero tinawanan lamang niya ako. Isa pa iyong isang iyon, may saltik din minsan.

"Sige nga, kung may natutunan ka talaga sa pagdadaldalan ninyo, sagutin mo iyong tinatanong ko kanina." Panghahamon pa noong guro at saka muling inulit iyong tanong. Agad sumagot si Rence at tama ang sinabi niya kaya't naniwala iyong guro namin.

Noong maka-upo siya ay akala ko ay mangungulit o manunukso din siya kagaya ng palagi niyang ginagawa pero isang ngiti ang natanggap ko. "Sorry, nadamay ka pa tuloy sa kaingayan ko." Paumanhin niya at saka nagpatuloy sa pakikinig sa guro.

Reminiscence: From Me To YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ