Pahina 66

2.8K 109 13
                                    

66:

"Guys! Guys! Tahimik muna, may sasabihin kami." Naagaw nina Zara ang buong atensyon ng klase dahil sa sinabi nito. Nasa unahan sina Zara—ang presidente ng klase at saka iyong iba pang mga officers, katulad ni Yana.

"Shh! Tigil na muna, dali, mabilis lang 'to." Dagdag pa niya. Tumahimik ang ilan, samantalang ang ilan naman ay nanatiling nag-uusap usap pero hindi naman kalakasan kaya parang tahimik na rin ang buong klase.

"Our Youth Encounter date is finally announced!" Masayang sambit ni Zara at napapalakpak naman sina Yana at saka ngumiti.

"Yes! YE!" Sigaw ng ilan. Tapos ay nagkaroon ng masayang sigawan at tili ng mga pagkasabik.

YE or Youth Encounter is like a recollection in our school. Being a Catholic School it has many programs about worship and praise for God. Ang kinaibahan nito sa recollection ay dalawang araw at isang gabi kami sa isang lugar, hindi katulad ng recollection na isang buong araw lamang.

Habang sinasaway kami ni Zara ay pumasok ang guro namin. Sinaway kami nito kaya naman natahimik agad ang ilang mga tuwang tuwa at sabik na sabik sa YE namin. Akala mo naman ay may party na magaganap, samantalang isang sagrado at taimtim na okasyon iyon.

"Class quiet!" Our homeroom teacher declared. Natahimik ang lahat matapos iyong bigkasin ng guro namin. Sinenyasan ni Miss si Zara na ipamigay na ang papel na hawak niya, kaya naglibot si Zara sa buong silid para ibigay ang mga papel sa amin samantalang nagsasalita ang aming guro.

"Huwag kayong maingay ngayon pa lamang dahil ibabalik ko talaga kayo sa klasrum na ito kapag naging pasaway kayo sa susunod na bukas." Seryosong wika ni Miss, kaya naman sumeryoso rin ang klase.

"Our YE will be from Thursday to Friday. Hindi kayo sa klasrum na ito didiretso sa Biyernes, sa Eco Park na ang punta ninyo." Paalala ng guro namin. May Eco Park sa eskuwelahan na namin.

Iyon ang lugar na inaalagaan ng mga madre, maganda at mahalaman ang lugar, may tila maze na gawa sa bush, at maraming mga bulaklak. Nakapunta na kami roon dahil doon ginaganap ang Recollection.

"Anong mga dadalhin ninyo? Magdadala kayo ng mga gamit pantulog, damit, at iba pa, pero ang pagkain ay hindi na dahil school na ang magbibigay ng pagkain sa inyo." Napatango tango ang ilan dahil sa sinabi ng guro namin.

"Huwag kayong masyadong mag impake, isang gabi lamang kayo doon." Natatawang paalala pa nito. "Lalo na ang mga babae, baka mag-dala kayo ng maleta, ay talaga naman. YE ang punta natin, hindi bakasyon." Nagkatawanan ang mga babae dahil doon.

"Ma'am, freestyle ba sa Thursday?" Tanong ni Jessa kay Miss.

"Oo. Kaya sa Eco Park na ang diretso ninyo, huwag din kalimutan ang ID, hindi kayo papapasukin ng guard kapag wala kayong ID." Napa-yes ang ilan dahil nakacivilian kami sa Thursday hanggang Friday, pero nagpaalala rin ang guro namin na dapat ay alam namin ang tamang patakaran ng damit dito sa paraalan. Marami kasing bawal na damit dito.

"Ang mga dadalhin ninyo, ay ililista ni Yana sa pisara, kaya kumuha kayo ng kwaderno at itala ito." Dagdag pa ng guro namin kaya naman kumuha ako ng kwaderno para isulat iyon.

"Ang mga papel na natanggap ninyo ay form na ipapapirma sa magulang ninyo. Kapag hindi sila pumayag, hindi kayo makakasama." Nagkaroon ng ingay dahil doon. "Kailangan ay ibalik na ninyo sa akin bukas iyan, dahil sa susunod na araw na ang YE."

"Yes ma'am!" Sagot ng klase.

Nagkaroon pa ng mga paalala at iba pa para sa gaganaping YE. Hindi magkaintindihan ang ilan dahil sa matinding tuwa. Napangiti rin ako dahil doon, sana maging maayos ang YE namin at sana maging masaya.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now