Pahina 38

2.5K 111 5
                                    

38:

Hapon na at hindi ko nasabi sa kaniya ang lahat kahapon. Ang hina ko pa din... Hindi ko pa din magawang putulin ang kasiyahan niya ng basta basta lamang. Mas nanaig sa akin gawin ang alam kong tama at iyon ay ang hindi manghimasok sa nangyayari sa kaniya.

Hindi ko inaalis ang paningin ko kayna Yana at Claire dahil alam kong maalin sa oras ngayon ay lalapit na si singkit sa kaniya. Gusto kong ilayo iyong dalawa sa kaniya o hindi kaya ilayo si singkit sa kanila, pero nanatili akong walang kibo.

Nakapila na kami sa labas ng silid namin. Naglakad na din kami patungo sa gate para sumakay sa dyip na sinabihan kanina ng presidente namin. Sumakay sina Yana doon sa unang dyip kaya naman sumunod agad ako. Tumabi ako sa kaniya kaya't napag-gitnaan namin siya ni Claire.

I suddenly want to approach Claire because I miss her so much, but the thing is, she wouldn't even look at me.

Sumakay na din iyong mga babae sa dyip at iilang lalaki at laking pasasalamat ko noong hindi na kasya sina singkit sa dyip kung nasaan kami kaya naman doon sila sasakay sa kasunod.

Umandar na din iyong dyip at nagsimulang mag-ingay sa loob nito. Nagpatugtog pa iyong isang kaklase namin kaya't nagkantahan sila ng malakas. Hanggang sa nagusap usap sila tungkol sa mga iba't-ibang issue sa klase.

"Ikaw Naya? May gusto ka kay papa chi hindi ba?" Pang-aasar nina Karmela kay Naya.

"Ano ba kayo..." Namumulang pasimula ni Naya. "Ano lang nagagalingan lamang ako sa paggigitara niya iyon lamang." Nahihiyang dugtong pa niya. Nagpalakpakan naman sila dahil sa sagot nito.

"Ikaw Claire kailan kayo magbabati ha?" Nagsigawan ang ilang lalaki dahil sa pangunguna ni Rence sa tapat ko. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila dahil doon.

"Ewan ko. Ayaw naman yata niyan sa amin." Walang kaemo-emosyong sagot ni Claire. Nakaramdam ako na parang may kumirot sa dibdib ko dahil doon.

"Hindi dahil ayaw ko, pero nilayuan mo ako." Hindi ko napansing sumagot ako sa sinabi niya. Siguro ay dahil ito lamang ang nakikita kong pagkakataon para makapag-usap na kami ni Claire.

"Pero mas gusto mo pa yata kayna Karmela." Balik na sambit niya. Naging tensyonado sa dyip dahil doon. Lahat nakatuon sa amin.

Napabuntong hininga ako dahil doon. "Hindi kasi ako iyong tipo na ipagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sa akin." Mahinahong saad ko. Nagsigawan sa loob ng dyip dahil doon.

"Hindi ko naman ayaw sa iyo. Gustong gusto nga kitang kaibigan. Kaso pakiramdam ko ang layo layo pa din ng loob mo sa amin, kaya pakiramdam ko ikaw iyong may ayaw sa akin." Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Claire dahil doon.

"Sorry din kasi naniwala ako sa sinasabi nila kahit alam kong hindi totoo, naiisip ko kasi iyong pagiging malamig mo sa amin ni Yana. At saka hindi mo man lamang ako kinausap pero si Yana kinakausap mo. Tapos lagi ka pang na kayna Karmela. Nakakapangselos kaya. Nakakatampo pa." Mahabang litanya niya.

Nagpakawala ako ng hininga. "Pasensya na din dahil hindi ko maiparamdam sa inyo ni Yana na importante kayo sa akin." Pahayag ko.

"Magbati na kasi kayo." Yana teased.

"Oo nga, Claire. At saka mas kilala ninyo siya ni Yana kaysa sa amin nina Via. Oo nga't nakikitawa at nakikisama sa amin iyan, pero ang tahimik din niyan, hindi din pala kwento." Karmela seconded.

"Alam ninyo kasi huwag ninyo nang pagawayan si Miss Trigo. Sa akin na lamang siya para walang talo, okay?" Biglang ekstra ni Rence na naging dahilan kung bakit ako nanaman ang naging tampulan ng tukso sa amin.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now