Pahina 18

3.1K 127 14
                                    

18:

Iyon na nga bang kinatatakutan ko ay nangyayari na. Nagdadaldalan lamang sina Claire at Yana at ang sabi pa sa akin ay mamaya na daw kami mag-simula kapag nakarating na iyong isa naming kasama.

Pinayagan ako ni papa noong sabihin kong magbabalik aral kami nitong dalawa para sa first quarter exam. Hinatid pa ako ni papa dito gamit ang motor. Pinakilala ko din siya kay Yana at Claire. Laking pasasalamat ko nga noong payagan ako, dahil hindi talaga ako pinapayagan kapag ganito. Kaya siguro ako pinayagan ay dahil review naman at may kinalaman sa eskuwela.

"Magsimula na kasi tayo." Pagsasabi ko sa kanila. Mauubos kasi ang oras namin pagkatapos ay hindi pa namin matatapos iyong mga paksa kapag hindi pa kami nagseryoso.

"Mamaya. Ang atat naman nito. Pagkadating na lamang noong isa." Nakangiting pahayag ni Claire at saka muling bumalik sa pagkwekwentuhan. Napabuntong hininga na lamang ako.

Paano ko nga ba ulit naging kaibigan at nakasundo ang dalawang ito? Samantalang masyado silang kabaliktaran ng ugali ko.

"Chill ka lang, beb." Pagsasalita naman ni Yana. "Masyado kang laging nag-aalala tungkol sa eskuwela. Paminsan minsan masaya ding sumusay sa tama." Kinindatan pa niya ako.

"No." Pirming saad ako. At napansin ko kaagad sa mga mata noong dalawa na parang ang kill joy ko daw. Umiling na lamang ako. "Kasi nga hindi ako sanay. I'm kind of choleric. Lagi akong nag-plaplan ahead, pagkatapos hindi kaya ng konsensya ko ang pagsaway." Katwiran ko.

"Masyado kang good girl." Iiling iling na sambit ni Yana.

"Hindi din." Nakangiti ko namang sambit.

"Good girl na mataray kamo." Tatawa tawang pagsabat naman ni Claire. Pagkatapos ay nakipag-apir kay Yana. Napatawa na din ako nang marahan dahil doon.

Nagkwentuhan silang muli at ako naman ay nilabas ko na iyong mga kailangan kong notes, para nakahanda na sa pagtuturo ko sa kanila. Tiningnan ko iyong cellphone ko para sana hatidan ng mensahe iyong isa para naman makapagsimula na kami. Saktong may natanggap ako biglang isang mensahe galing sa kaniya.

Nandito na ako sa labas.

"Claire. Punta ka nga sa labas, nandoon na yata iyong iniintay natin." Pagbaling ko may Claire noong mabasa ko iyong mensahe galing kay singkit. Agad tumayo si Claire sa kinauupuan niya at saka dali daling lumabas.

"May nag-doorbell ba?" Tanong ni Yana noong naka alis na si Claire.

Napakunot noo naman ako doon. "Wala." Sagot ko.

"Paano mo nalaman na nandiyan na siya?" Takhang tanong niya. Pinakita ko iyong cellphone ko, para masagot iyong tanong niya.

"Tinext ka niya?" Tumango ako bilang sagot.

"Ah." Huling nasambit niya saka tingnan iyong telepono niya. Napansin ko pang sinabi niya na bakit hindi siya ang hinatidan niya ng mensahe. Napakibit balikat na lamang ako.

Ilang sandali matapos ang ilang segundo ay may narinig na kaming ingay ni Yana senyales na nandito na iyong si singkit.

"Andito na!" Rinig ko pang sigaw ni Claire.

"Surprise!" Agad na pangloloko naman niya. At saka agad na umupo sa tabi ni Yana. Sa akin naman tumabi si Claire dahil inagawan siya ng pusisyon ni singkit.

Nasa may kutson kasi kami pagkatapos ay may nakatapong na pabilog na lamesa doon. Nandoon na din iyong mga kailangan ko para maturuan sila. Bago pa magsimula ang pagtuturo ko sa kanila ay napangisi ako sa ideya ko.

"Akin na mga cellphone ninyo." Makahulugang ngiti pa ang ibinigay ko sa kanila. Napa-alma naman agad iyong tatlo doon.

"Ayoko nga." Imik pa niya.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now