Pahina 90

3.9K 149 37
                                    

90: Huling Pahina

"Umiiyak ka na naman?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rence nang makita ako mula sa screen ng kaniyang laptop. I rolled my eyes at him, but he just laughed at me. Magka-video call kami ngayong dalawa.

"Sinong umiyak?" Patay malisyang sambit ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Solo lang ako dahil nasa trabaho ngayon sina Mama at Papa ang kapatid ko naman ay nasa sariling kwarto niya.

"Tatanggi ka pa, namumula mata mo at iyang ilong mo." Loko niya sa akin at saka ako tinawanan ulit. "Sige lang, tawa ka lang," asar na sambit ko sa kaniya at tinawanan nga lang talaga ako. Asar.

"Ang sama mo talaga." I murmured but he heard it.

"Bakit ka umiyak? Namimiss mo na talaga siguro ako 'no?" Ang kapal ng mukha. Napa-awang ang labi ko sa kaniya at saka ko siya sinabihan na ang garapal niya pero mas niloko lang niya ako.

"Nanuod ka ng movie ano? Tapos may lindol kaya ka umiyak." He concluded. I nodded. He got it right. I was watching a movie earlier before he called, and as a usual person being weird I cried when an earthquake occurred in one of the scenes. Couldn't help it.

"Kamusta ka na d'yan?" Biglang pagseseryoso niya. Napabuntong hininga ako at nag-isip.

Halos lampas isang taon na rin ako rito sa Canada. This is where we migrated, at Toronto to be exact. It was so hard adjusting. It was totally different from the Philippines. A lot of people from different countries in one place.

A true definition of multicultural place. Lahat na yata ng lahi mayroon dito. Paminsan minsan kapag napunta kami sa Eaton Centre (Mall) ay may mga Pilipino akong nakikita. Nakakatuwa sa totoo lang.

"Buti marunong ka pang mag-tagalog ano?" He kidded.

"Of course!" I exclaimed. Pakiramdam ko nga mas lumalim ang tagalog ko kasi ngayon ko naranasan 'yung hanggang sa bahay mo lang pwede gamitin 'yung talagang lengguahe mo. "Hindi ako isda, ano!" Biro ko pa.

"Anong konek ng isda?" Tanong niya sa akin. I chuckled.

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang hayop at malansang isda." I recited, he laughed.

Dito mo kasi mararamdaman 'yung tipong gugustuhin mong pahalagahan at hasain 'yung sarili mo sa sariling lengguahe mo at hindi lang basta sa Ingles kasi iyon ang wika ng bansa mo, parte 'yun ng kung sino ka talaga, at parte 'yun ng buhay mo talaga.

Kaya nga minsan nakakainis 'yung ibang nakapunta lang dito matapos ang ilang buwan eh, hindi na marunong magtagalog. Tss. Hypocrites. Masyadong malaki ang ulo, wala naman sa tama.

Minsan tuloy na ririnig ko si Lola sa isip ko na pinapagalitan kapag masyado kong pinaghahalo ang hiram na salita sa tagalog. Kung pwede raw kasi, sa isang pangungusap tagalog lahat o Ingles lahat, para hindi conyo. Kaya malalim ako magtagalog eh, gawa ni Lola.

"Ano? Bakit mo ako chinat na naman?" I decided to change the topic. Every weekend or free time he would always call me or chat me. He never forgets. While Yana and Claire are already too busy in their college life. Madalang na lang kami magkausap ngayon.

When I first came here, our house didn't have a wifi or an internet connection that's why I am cut off from my friends. They also didn't know that I'll be gone, and yeah, totally gone.

"Wala lang." Kibit balikat na sagot niya. Natahimik kaming dalawa.

Noong natanggap ko noon ang balita na aalis na talaga kami papunta rito sa Canada, hindi ako makapaniwala dahil parang ang bilis o kaya bakit kailangan pa naming umalis?

Reminiscence: From Me To Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें