Pahina 63

2.8K 107 34
                                    

63:

Araw ngayon ng pagbalik namin sa eskuwela. Gusto kong maging masaya pero mas nangibabaw ang nararamdaman kong pagod at antok. Halos magtatakbo na nga ako patungo sa silid namin para iwan doon ang bag ko dahil kailangan kong humabol sa flag ceremony na magsisimula na.

Binilisan ko na lamang ang lakad ko kahit pakiramdam ko umiikot ang ulo ko dahil sa pagod. Bakit nga ba ako pumasok kung pwede namang hindi?

Kararating ko lamang galing Laguna. Dumaan lamang kami sa bahay para magbihis ng uniporme at kunin ang mga gamit, tapos dumiretso na kami dito sa paaralan. Kanina pa akong alas tres ng umaga gising at pagod ang katawan ko sa byahe.

Dapat talaga kahapon ng gabi ay nandito na kami sa Lucena, ang problema, biglang nagkaroon ng emergency si Tito na maghahatid sa amin, kung alam lamang namin na ganito ang kalalabasan, sana talaga nag-commute na lamang kami.

Sinabihan pa nga ako ni Papa na huwag na lamang pumasok, pero unang araw tapos wala ako? Tss. Pinilit ko ang sarili kong katawan, kaya ito ang kinalabasan. Imbis na magreklamo sa desisyon ko ay binilisan ko na lamang ang kilos ko at saka ako dumiretso sa field kung saan naroon na ang iba kong kaklase.

Mabuti na lamang at hindi pa nag-sisimula ang flag ceremony kaya nakahabol pa ako. Sumingit kaagad ako sa tamang linya ko ng makarating. Halos habulin ko kaagad ang hininga ko, at tagaktak na ang pawis ko dahil liban sa tumakbo ako para makahabol ay sobrang init ngayon, tirik na tirik ang araw.

"'My! Akala ko absent ka, ang aga mo pa naman lagi, tapos halos late ka ngayon?" Tatawa tawang salubong sa akin ni Claire. Umalis pa talaga sa linya niya sa likod para makalapit sa akin.

"Hindi. Balik ka na sa linya mo baka pagalitan ka pa." Mahinang wika ko naman sa kaniya.

"Mag-uusap pa tayo mamaya." Pahabol pa nito habang pabalik sa kinatatayuan niya kanina.

Si Yana naman na nasa unahan ay lumingon at noong makita ako ay biglang kumaway at ngumiti sinuklian ko iyon kahit pakiramdam ko mahihimatay na ako sa init. Kinuha ko na lamang ang panyo ko sa bulsa at saka pinunasan ang sarili.

Pinaypayan ko rin ang sarili gamit ang sariling kamay dahil sa init. Agh. Sana talaga hindi na lamang ako pumasok.

Hindi pa nagsisimula ang flag ceremony pero halos nandito na ang lahat. Nakakainis. Gusto ko nang bumalik sa klasrum, maupo at magpahinga.

"Hey, aga aga mukhang galit ka ah." Nagulat ako noong may magsalita sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. Nandoon pala siya hindi ko napansin dahil masyado akong makatuon sa init.

"Pagod lang." Mahinang sabi ko naman. Ngumiti siya matapos noon. Tapos ay nakaramdam ako ng hangin bigla kaya napalingon akong muli sa kaniya, pinapaypayan niya ako.

"Better?" Chinky eyes asked. I nodded while smiling. Thank God, he is there for me.

Aagawin ko sana iyong pamaypay sa kaniya para ako na mismo ang magpaypay sa sarili ko subalit hindi niya ako pinagbigyan sa nais ko. Sabi niya pagod nga raw ako kaya hayaan ko na siya na gawin ang bagay na iyon.

Pagod na rin akong makipagtalo kaya hinayaan ko na lamang. Alam ko kasing hindi ako mananalo lalo na wala ako sa wisyo para sa mga ganito kasimpleng bagay ngayon. Natigil lamang siya sa ginagawa noong sabihin noong guro namin na umayos na kami dahil magsisimula  ang flag ceremony.

Nagsimula na ang tugtog kaya nagsimula ng kumanta ang lahat.

"Heart of Jesus meek and mild. Hear, oh hear thy feeble child. When the tempest's most severe, Heart of Jesus hear."

Halo halong boses tapos ang lakas pa ng kanta noong mga lalaki sa seksyon namin pati sa ibang grade nine kaya naman napapangiwi ka. Naglalakad kasi iyong mga guro para tingnan kung sino ang hindi kumakanta.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now