Pahina 2

10.3K 262 12
                                    

2: Gitara,

Lumipas ang mga araw matapos mo akong ngitian ay bumalik sa dati ang trato natin sa isa't isa na tila ba hindi magkakilala kahit na nasa iisa lamang tayong silid aralan. Wala naman akong paki-alam kahit hindi mo ako pansinin o kung ano man dahil kahit gusto ko malaman ang ilang detalye mula sa pagkatao mo ay hindi ito ganoon kalalim upang paki-alaman ko ang takbo ng buhay mo.

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa iyo at walang pinagbago ang mga nakikita ko. Kasama mo pa din siya ang magandang babae ngunit hindi katangkaran na lagi mong pinagtutunan ng pansin. Mukhang nagtuturuan kayo ng mga aralin natin sa susunod na paksa. Sa pagkakaalam ko ay Alyana ang pangalan niya. Isang kilalang babae dito sa paaralan dahil sa galing pumorma at simpleng ganda.

Noong medyo lumihis ang aking mga mata, nakita ko ang kaibigan noong si Alyana na nasa katabing upuan lamang niya na walang ginagawa kung hindi ang tumulala. Para siyang lutang at hindi mo mawari ang kaniyang iniisip.

Kunot noo ko siyang pinagmasdan dahil nakikita ko tila kulay ng make up mula sa kaniyang mga mata. Medyo napangiwi ako dahil doon, ang bata pa niya upang maglagay ng kolorete sa mukha, ngunit kahit ganoon ay lumalabas naman ang kaniyang natatanging ganda.

Noong dumating ang homeroom teacher natin matapos ang maghapong mga paksa sa iba't-ibang guro, ay nag-pahayag ito na maglilipatan ng upuan. Maraming nag-alma, dahil gusto nila ang mga katabi nila, ngunit kahit ganoon na lamang ang protesta nila ay hindi iyon pinakinggan ng guro at itinuloy ang plano niya.

Napaupo ako sa gitna ng silid, at ang naging katabi ko ay iyong kaibigan ni Alyana na mayroong mga kolorete sa mukha. Naiilang ako sa kaniya dahil parang ang arte niya, subalit wala akong proweba doon, kaya't hindi ko na lamang siya binigyan pa ng masasamang isipin.

Dumaan ang mga araw, kahit isang beses ay hindi ko man lamang siya nakausap o hindi ko man lamang natanong ang pangalan niya ng personal. Dahil sa tuwing kumukuha ako ng tiyempo ay wala ang atensyon niya sa akin... dahil ang buong atensyon niya ay nakapukol lamang sa inyong dalawa ni Alyana.

Pinagmasdan ko ang mukha nitong katabi ko, at kagaya niya ay mukhang nasisiyahan din siya sa panunuod sa inyong dalawa.

Ilang sandali ang lumipas ay hindi pa din dumadating iyong guro na kasunod na magtuturo sa klase, kaya't nagsimula na ang ingay at kaguluhan sa silid. Napangiwi na lamang ako ng bahagya dahil ito naman lagi ang karaniwang eksena sa loob ng klase kapag walang nagbabantay.

Sigawan doon at dito ang naririnig ko, at lalo iyong lumakas noong bigla kong narinig ang tinig mo na nag-salita upang manghiram ng gitara sa isa nating kaklase. Sinundan kita ng tingin at nakita kong napakalaki ng ngiti mo sa labi habang inaabot sa iyo iyon.

Noong makuha mo ito ay agad kang umupo. Tingnan mo pa ang ilan nating kaklase na interesado sa gagawin mo at noong mag-simula kang mag-strum ng gitara ay natahimik ako nang sobra, dahil ang bawat kalabit mo sa pisi nito ay napakahalinang musika ang nag-simulang mabuo.

Kung saan sinundan pa iyon ng napakalamig at nakakahalina mong tinig.

* * *

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now