Pahina 49

2.8K 125 7
                                    

49:

Halos isang linggo na din ang lumipas simula noong PE Practical namin. Hindi naman ako naging awkward sa kaniya, kahit papaano, itinuring ko na lamang biro at pinagsawalang bahala ko na lamang.

Nandito kami nina Karmela sa likod ng klasrum. Nasa likod nanaman ako kaya hindi na ako lumipat ng upuan, tanging sina Karmela lamang ang lumipat. Kasama ko din sina Phauline, Via, Jessa at Claire. Pero si Yana ay hindi dahil nag-tungo ito sa isang pagpupulong ng club kung saan isa siyang lider.

Biyernes ngayon, at sa Lunes mag-sisimula na ang mga pagsusulit namin. Wala namang guro ngayon dito dahil homeroom time namin at may meeting ang mga guro. Hinayaan na lamang kami na gawin ang gusto namin, basta huwag lalabas sa klase o kaya basta ay may kontrol ang kaingayan.

Nagkwekwentuhan sila at ako ay nakikinig lamang. Paminsan minsan ay natatawa sa sinasabi nila o kaya naman ay sumasagot sa mga tanong nila. Nagbibigay din ako ng kuwento o opinyon kapag napupunta ang usapan na may kinalaman sa akin.

Habang nangyayari iyon, may kumihit sa balikat ko. At basta balikat ang usapan, si singkit lamang naman tanging tuwang tuwa sa balikat ko, kaya alam ko nang siya iyon. Sinenyasan niya ako na lumipat ng upo sa may gitna, at siya ang uupo doon sa upuan ko.

Sinimangutan ko siya pero nagpaawa ang loko, kaya naman lumipat na ako, tutal namang naka-upo doon. Si Yana sana doon kung nandito lamang siya. Nang makalipat ako ay napansin ko na may dala dala si singkit na maliit na laptop. Dahil sa pagiging kuryoso kung ano ang ginagawa niya doon ay sinilip ko ang iskrin noon.

"Ano iyang pinapanuod mo?" Tanong ko.

Sinabi niya na isa iyong pelikula nina Babalu at Redford White, agad akong napangiti dahil doon, at saka inayos ang pagkakapatong noong laptop at iniharap nang kaunti sa akin. Nginitian ko siya at sinabing panuod din. Natawa lamang siya at hinayaan ako.

Sila Karmela sa likod ko ay tinatawag ang aking pansin pero sinenyasan ko sila na nanunuod ako, kaya't hinayaan nila ako sa gusto ko. Medyo maingay ang klase kaya't nanaway ang presidente namin.

Napakibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa panunuod, hanggang sa dumating sa parte na sobrang nakakatawa iyong pinaggagawa nila sa movie. Matinding halakhak ang lumabas sa tinig ni singkit, at ako ay napalakas din ang pagtawa.

Akala ko matatapos na iyon sa tawang iyon pero sinundan pa iyon nang mas nakakatawang eksena na mas lalong lumakas ang tawa ko habang nanunuod. Habang nangyayari iyon ay napansin ko na natahimik bigla ang klase, pero patuloy pa din ako sa pagtawa dahil sobrang nakakatawa talaga iyong nangyayari.

"Laptrip!" Sambit pa ni singkit. Hindi ako makatugon dahil tawa talaga ako nang tawa, hanggang sa bigla na lamang akong kinuhit nina Karmela sa likod. Hindi ko sila pinansin dahil maluha luha na talaga ako at pakiramdam ko ay pulang pula na ako ngayon.

"Grabe, nakakaloka!" Natatawang imik ko pa.

"Omygad!" Narindi ako bigla sa tili ni Claire kaya't nilingon ko siya sa tabi ko at saka sinamaan ng tingin habang natatawa. Ewan ko kung anong hitsura ko noong pagkakataon na iyon.

Pero noong makita ko ang manghang tingin ni Claire sa akin ay napakunot noo ako at nahimasmasan sa pagtawa. Pakiramdam ko nga ay sasakit na ang tiyan ko kung hindi pa ako natigil sa katatawa ngayon.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa buong klase at doon ko napagtanto na nakadako ang halos lahat ng paningin nila sa akin. They are staring at my direction as if they have seen something so... unusual?

Napatingin ako kayna Karmela at nagtanong kung bakit. Biglang tumawa ng malakas si Karmela.

"Grabe, 'my!" Agad na segundo ni Claire habang natatawa. "Unang beses ka yatang narinig tumawa ng mga kaklase natin nang ganoon kalakas, at ganoon kawalang paki-alam sa paligid." Paliwanag niya kung bakit nakatingin ang klase sa akin.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon