Pahina 58

2.7K 112 8
                                    

58:

Christmas Party

Hindi pa man ako nakakarating sa ekskuwelahan ay hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang kasiyahan ko. Talagang ang ganda ng gising ko. Hindi na ako makapaghintay na ibigay kayna Yana, at kayna Karmela ang mga regalo ko. Medyo kinakabahan din ako nang kaunti dahil nga kakanta kami mamaya ni singkit subalit hindi ko na iyon ganoong inaalala dahil mas mangingibabaw sa akin ang pagkasabik.

Ang Christmas Party namin ay half day lamang hanggang 1-2pm lamang kami pwedeng magtagal sa paaralan. At ang balik na namin doon ay sa Enero dahil bakasyon na namin. Isa pa iyon sa ikinadagdag ng saya ko, Biyernes kasi ngayon at sa Linggo ay darating ang mga pinsan ko mula sa Laguna at dito kami sa Lucena magpapasko.

Imbis na magdyip patungong paaralan ay nakisabay na ako kay papa dahil masyado akong maraming dala. Dahil nga nakasasakyan naman kami mabilis lamang ang naging byahe dahil hindi kailangan tumigil tigil pa.

Nang makarating doon ay wala pang mga tao, binati ako noong gwardiya at ngumiti ako sa kaniya at binati siya ng magandang umaga. Marahan din akong naglakad ng may maliit na ngiti sa labi. Wala pa ni isang estudyante akong natatanaw na siyang karaniwan dahil nga lagi akong maaga.

Tumungo ako sa klasrum namin ay napangiti dahil nakapaikot na ang mga silya sa palibot ng klasrum at may lamesa sa unahan na may tela na parang pang cater. Dinala iyon kahapon. At kahapon din kami nag-ayos para maging maganda ang klasrum namin.

Ibinababa ko sa may likod at may dulong bahagi ang mga gamit ko dahil doon ang pwesto namin nina Yana. Inayos ko din ang pagkakalagay noon at saka ako napangiti at napahimig sa pagkasabik.

Hindi din mapigilan na mapakanta ng mahina dahil wala namang ibang tao sa paligid.

"I'm blind folded on this carriage ride, that they call life, keep trying to make it through that next turn, knuckles white and holding tight."

Hindi ko alam kung bakit iyon ang nagustuhan kong kantahin. Marahil na din ay dahil paulit ulit iyon sa aking isipan kagabi dahil narinig ko iyong pinsan ko na nanunuod noon kahapon at kumakanta din. Maganda naman ang ibig sabihin at maging liriko ng kanta kaya't nakakatuwa.

"So here I go, taking the curve. But I know that I'm never alone. I think of you, and how you never let me go."

Naglakad ako papunta sa labas habang mahinang kumakanta at nagulat ako noong biglang sumulpot si Yana. "Good morning, 'my!" Maligalig na bati niya agad sa akin at saka ako niyakap pero muntik nang malaglag ang napakaraming dala niya dahil doon. Agad ko siyang tinulungan dalhin ang lahat ng iyon sa loob.

"Narinig kitang kumakanta." Sambit pa niya. Natawa naman ako dahil doon. "Barbie siya. Oh my gee, isa sa paborito kong palabas." Nakangiting wika pa niya. Tumango naman ako at saka ko siya sinabihan na tutulungan ko na siyang ayusin iyong mga dala niyang nalaglag sa kakulitan niya kanina.

"Santa Claus na Santa Claus ang dating natin ah." Puna ko pa sa kaniya. Tinawanan niya ako dahil doon. Tapos ay itinabi iyong mga dala niya doon sa katabi noong akin. Habang ginagawa namin iyon ay sumulpot na lamang si Claire.

"Babies!" Bati niya sa amin.

"Ang aga ninyo?" Tanong ko naman.

"Syempre may gagawin kami eh!" Natatawang wika naman ni Yana na ikinakunot ng noo ko. Anong gagawin nila? Bakit parang sabik na sabik sila at parang may inililihim pa.

"Sinadya talaga namin agahan 'my. Kaya umupo ka na dyan. Sit back and relax." Pilyang sabi pa ni Claire. Aalma sana ako sa bigla niyang paghila sa akin pero dali dali niya akong pina-upo sa dulong upuan.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon