Pahina 51

2.9K 138 24
                                    

51:

"Paanong alam mong takot ako sa rides noong bata ako? Pero maayos na ngayon? Paanong alam mong makapal ang mukha ko noon at mahilig akong kumanta at sumayaw kahit hindi magaling? Paanong—" Hindi pa ako tapos magtanong pero tinakpan na niya ang bibig ko at pakiramdam ko namula ako dahil doon.

Omchi. Om-chi. As in om-chi! Nahalikan ko palad niya! Agad kong tinggal ang kamay niya sa pagkakalagay sa bibig ko dahil sa nangyari, dali dali din akong naglakad papalayo sa kaniya dahil doon.

"Oy! Sandali!" Tawag pa niya. Papunta na kasi kami sa sakayan ng dyip, at tinatanong ko na iyong mga hindi ko natanong sa kaniya kanina pero ginaganito niya ako ngayon. Omchi!

Hindi ako tumigil bahala siya. Nakakainis. Ayaw pang sabihin kung bakit, pero ewan ko din na parang wala lang sa akin kung ayaw niyang sabihin, huwag niya. Hindi ko naman kailangan pilitin ang ayaw.

Noong maabutan niya ako ay tatawa tawa siya sa harapan ko. "Pilitin mo muna ako." Nang-aasar niyang wika.

"Nuknukan ka din talaga ng pagiging baliw." Ismik ko sa kaniya kaya't mas lalo siyang natawa. Minsan talaga may mga araw na gustong gusto lamang niya akong inaasar at kapag pikon talo ako ay waging wagi siya.

Minsan naman kapag ako nang-aasar hindi pa man sukdulan ay nagagalit na siya. Malay ko ba sa taong ito. Mabuti na lamang talaga at hindi ako iyong tipo na mabilis magdamdam kapag napipikon na siya at naiintindihan ko kaagad.

"Bahala ka nga diyan." Sambit ko na lamang at saka patuloy na naglakad.

Natahimik kami sandali, pero nagsalita din siya. "Sabihin mo nga, bakit ang taas ng pader na nakaharang sa iyo at sa mundo." Napalunok ako sa aking narinig. Ito nanaman siya sa mga pasimpleng tanong niya na ganito na nanapakalakas ng epekto sa akin.

Napabuntong hininga ako. Pagkatapos ay nag-usal siyang muli. "Hindi mo pa kayang sagutin hindi ba, kaya hindi ko din sasagutin sa ngayon ang tanong mo." Makahulugang pahayag niya na tatango-tango pa.

Sumangayon ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan. "Siguro nga. Sa tamang panahon." Mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya. Binigyan niya ako nang matamis na ngiti matapos noon.

***

Kinabukasan, nagsimula ulit kaming magbalik aral kada pinapayagan kami ng guro o hindi naman kaya'y kapag may libreng oras. Hindi ko nga lubos akalain na magagawa kong turuan sina Claire, Yana, Karmela at iba pa, sa ganitong oras dahil hindi naman sila ganoon kahilig mag-aral.

Natutuwa akong makita silang interesado sa mga paksa namin. Hindi ko akalain na magiging ganito. Nakakatuwa silang pagmasdan. Nakakatuwa din na pwede palang may ganito pa, iyong kakikitaan mo talaga sila ng interes sa mga aralin, hindi gaya noong iba.

Paminsan minsan ay kinukulit din ako ni singkit pero hindi naman kagaya noong dati na sobra. Mukha kasing hindi din siya makalapit sa akin gawa ni Yana. Lagi ko kasing kasama, at alam kong hanggang ngayon ilang pa din sila sa isa't-isa.

"Oy, tara na!" Narinig kong sigaw ni Claire. "Sandali." Sagot naman namin ni Yana. Papunta kasi kami ngayon sa music room, dahil oras na para sa subject na iyon. Nauna nang lumabas ang iba sa amin.

Nakapila na sila at halos kakaunti na lamang kaming hinihintay dito sa loob. Kaya naman nagmabilis na kilos na kami para makatungo na sa labas. Nang makarating kami doon, ay nagsimula na ding maglakad ang klase.

Nasa likod kami nina Yana. "Ano ba iyan naulan nanaman." Mahinang alma ni Claire. Umuulan nanaman kasi, tapos syempre may ilan kaming dadaanan na walang bubong kaya naman paniguradong tatakbo nanaman kami.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now