Pahina 80

2.5K 98 5
                                    

80:

Hindi muna kami nagsalita matapos ang halos limang minuto. Mukha kasi hindi pa sila makaalis sa naging kwento ko nang totoong nangyari sa buhay ko kung bakit ganito ako ngayon.

The effect is still there...

I always tie my hair because I am still afraid.

I still can't talk to people who wouldn't approach me first because they might hurt me again.

I still can't open up to other people, because they might judge me.

I am still constantly proving myself to my family that... I can do better.

And I can't go back to being that happy-go-lucky, nothing to worry, version of me.

Pero nagbabago na hindi ba? Unti unti ko nang nagagawang maging maayos hindi ba? Nakakangiti na ako nang masaya at hindi nagkukunwari, nakakakanta na ako nang buong puso muli... at iyong tiwala ko sa mahahalaga sa buhay ko, nagagawa ko nang ipakita hindi ba?

I'll take it one step at a time... in my own pace.

"What's the tale you uttered earlier?" I asked in low voice while looking at him. Napalingon siya sa akin dahil doon. A little smile from his lips painted. It was a heartbreaking smile. There's a little pang in my heart after I saw it.

"The lie is that..." You have a step mother? Iyon ang nasa isip kong sabihin sa kaniya pero hindi ko nagawang isaboses.

"I was expelled from my old school." Mahina at nahihirapang sambit niya. Nagulat ako sa kaniyang winika, maging sina Yana ay ganoon din ang naging reaksyon. Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya, nagtatanong ang mga mata kung totoo iyon o hindi, pero isang tango lamang ang natanggap ko.

"Yes, I don't have a home until she reminded me of what it is..." He stated while looking at me with an intense power of something I couldn't pinpoint... but it was strong enough to make my heart go crazy.

"And yes... I have a step mother." Mahinang sambit niya sa boses na tila ubos na ubos na.

Natahimik kaming lahat, hindi alam ang sasabihin, hindi alam ang magiging reaksyon. Maging ako na akala ko'y alam ko ang tunay at hindi sa sinabi niya kanina ay naiwang nakatulala dahil mali ako.

"I thought your mom was your best friend..." Halos pabulong na imik ko. Paniguradong narinig nila iyon, pero hindi nila nakuha ang buong mensahe dahil hindi naman nila alam na pinag-usapan namin iyon kanina.

"Yeah, my biological mom was my best friend but—" He was about to answer my question when it was suddenly interrupted by a loud voice.

"Okay, time's up!" Halos sabay sabay kaming napalingon sa pinagagalingan ng tinig. Doon namin nakita si Sir Juls na nakasilip na sa pinto.

"Pumunta na kayo sa dinning hall, may pagkaing nakahanda para sa inyo." Dagdag pa nito. Kaming nasa bilog ay biglang nanghinayang. Napatingin ako kay Singkit at hindi ko alam kung ako lang ang nakakita pero...

He seemed relieve. Parang ang saya niya na hindi niya kailangan magbahagi sa kanila. He's not yet ready. I am sure of it.

Siya pa ang naunang tumayo at saka niya ako tinulungan na makatayo rin, sina Karmela na rin ang nagpatay ng sindi ng kandila na ginamit namin at saka kami sabay sabay na pumunta sa dinning hall.

Umupo kami sa iisang table. Dahil maliwanag na ay makikita mo talagang bakas ng pag-iyak nila. Siguro ako rin, pagang paga rin ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak ko kanina.

We ate in silence. Ang tahimik namin, nakakapanibago. Maging ang ibang grupo tahimik din. Kita mo na mabigat pa rin ang hatid ng nangyaring pagbabahagi sa kanila kagaya namin.

Reminiscence: From Me To YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin