Pahina 48

2.8K 122 12
                                    

48:

Nakauwi na ako sa amin matapos naming mag-praktis. Maayos naman ang naging takbo nang lahat. Pakiramdam ko ay magiging mataas din ang marka namin, o hindi? Hindi ko sigurado, pero basta ang alam ko ginawa namin ang makakaya namin.

Napagsabihan ko din si singkit kanina tungkol sa biro niya sa akin biglang nobya niya. Sa totoo lamang hindi sa pagiging maarte o kung ano man, hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang iyon. Dahil ang kawawa dito ay iyong nobya niya. Itinago na nga siya, hindi pa ipinakilala, tapos ginaganun pa? Sometimes, I don't really regret calling him a jerk, because that's what I'm seeing. The way he treats his girlfriend is so unfair.

Sinabi ko iyon nang direkta sa kaniya. Syempre nasaktan siya, sinabi nanaman niya na hinuhusgahan ko siya, pero ipinaintindi ko naman sa kaniya, at nakuha niya ang punto ko. Mabuti na lamang at nakikinig na siya ngayon sa akin, hindi tulad dati na nagtatampo agad. At ako naman may pag-iingat na sa mga sinasabi ko at ipinapaintindi ko na sa kaniya.

Ihinatid pa niya ako kanina sa labasan noong subdibisyon.

Nagpapahinga na ako ngayon at inaantok na kahit hapon pa lamang. Kinukulit din ako noong pinsan kong maliit na maglaro daw kami subalit tinatamad ako, kaya naman nagkulong na lamang ako dito sa kwarto.

Kinuha ko na lamang ang isang libro sa may tukador at saka sinimulang basahin iyon noong tumunog ang cellphone ko. Napagulong ako sa kama para kunin iyon. Nakita kong may tumatawag kaya't sinagot ko iyon.

"Bakit?" Iyon agad ang pinabungad ko.

"'Myyy!" Halos mabingi yata ako sa sigaw ni Yana.

"Kalma." Natatawang sabi ko.

Tumawa siya at saka nagsalitang muli. "Ano sabi ko sa iyo, my, mas magiging close kayo niyan ngayon. Kamusta? Alam mo na ba?" Sunod sunod na tanong niya. Nagtakha pa ako noong una dahil hindi ko nakuha ang sinasabi niya pero naalala ko din kung bakit niya ako tinatanong nang ganoon.

"Hindi ko pa din alam. Hindi naman niya sinasabi. Tsaka laging 'no comment' o 'it's a long story' ang sagot niya sa akin." Pahayag ko naman.

Napabuntong hininga siya dahil doon. "Pero, kaloka 'yung sinabi niya kanina ha. Akala ko talaga kayo na, magtatampo nga sana ako sa iyo." Pakiramdam ko ay nakanguso siya ngayon habang sinasabi ito.

"Wala pa sa isip ko mga ganyang bagay. Mag-aaral muna ako." Nakangiting pahayag ko.

"I know, I know." Sarkastikong sambit niya habang tumatawa.

Nagkwentuhan kami sandali at tinawagan din niya si Claire para tatlo kaming mag-kakausap. At puro reklamo lamang si Claire tungkol kay Rence na nangungulit lamang ito kanina at hindi sila ganoong nakapagpraktis. Ano pang aasahan ko? Ang gulo nila kanina.

Matapos ang kwentuhan namin ay nagpatuloy na lamang ulit ako sa pagbabasa.

MABILIS natapos ang linggo at lunes nanaman ngayon. Tinatamad pa akong pumasok at inaantok pa. Naglalakad na ako ngayon patungo sa klasrum namin, at panay ang hikab ko. Ngayong araw din pala ang praktikal namin sa PE.

Mas lalo tuloy akong inantok sa isiping iyon. Habang naglalakad ay may narinig akong mahinang tinig sa may pasilyo. Napakibit balikat na lamang ako at nang lumiko ako doon ay nakita ko si singkit na may kausap sa telepono.

Nginitian niya ako noong nakita niya ako at ibinababa iyong telepono niya at lumapit sa akin para asarin ako. Umagang umaga. "Ohayo!" Masayang bati din niya. Ngumiti lamang ako at saka napatakip ng bibig dahil sa paghikab.

I feel so sick today. Wala akong gana. Umupo na lamang ako sa upuan ko at saka tumungo.

Natahimik naman siya na walang ginawa kanina kung hindi daldalin ako. Akala ko nga ay lumayo na siya sa akin noong tumungo ako, pero nagulat ako at napamulat noong maramdaman ko na may nilagay siya sa tainga ko.

Reminiscence: From Me To YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora