Pahina 26

2.7K 113 3
                                    

26:

Noong maghapon ay dumiretso na ako sa may PTA dahil doon ang sinabing kitaan para sa practice ng field demo. Kung tutuusin may mga hindi talaga pupunta sa practice na ito dahil nga college days, pero hindi ko magawang maatim na hindi sumunod sa sinabi noong aming guro.

Masyadong masunurin ika-nga, subalit dahil na din iyon sa aking konsensya.

Marami rami na ding tao noong nakarating ako doon. Nakapila na din sila sa bawat pangkat. Dumiretso ako para sa section namin at agad na luminya. Nakakunot noo pa ako dahil sa tindi ng sikat ng araw.

"Okay grade 9, please line by section." Imik noong isang guro sa grade nine gamit ang mikropono. Si Miss English. Nag-iingay na kasi iyong iba sa linya kaya siguro mas pinaayos pa niya kami sa pagkakapila.

Hindi din nagtagal noong mas dumami kami. Iyong mga hindi kasali sa mga ibang sports at sa mga program para sa college days, iyon iyong mga kasali sa field demo, kagaya ko.

Nag-iingay pa ang pangkat namin dahil nagrereklamo sila sa kainitan. Gusto ko din magreklamo ang kaso mas dadagdag lamang iyon sa pagiging mainit ngayon, kaya nanatili akong tahimik.

Nagsimula na din kaming mag-praktis ng mga galaw at pormasyon. Itinuro iyon sa amin. Maayos nagagawa noong iba, iyong iba naman ay parang ginagawa lamang itong laro kaya naman nagalit iyong mga guro.

Nagsesermon sila habang nakaupo kami sa maiinit na semento. Inilagay ko na nga iyong panyo ko sa ulo para hindi na ako ganoong mainitan. Noong siguro ay napansin na noong mga guro namin na kaya madaming hindi na nagiintindi ay dahil sa uhaw at init ay binigyan kami ng maikling break.

Dumiretso agad ako sa may lilim sa may malaking puno na katabi nitong PTA. Kinuha ko din mula sa bag ko iyong tubig na binili ko kanina bago dumiretso dito. Uminom agad ako para malamigan naman kahit lalamunan ko at saka para mapawi din ang uhaw.

Maya maya lamang ay may tumawag sa pangalan ko kaya't napalingon ako sa pinanggagalingan ng tinig. Nag-hi siya sa akin at saka ngumiti. "Kaklase ka namin hindi  ba?" Agad akong tumango sa kaniya dahil doon.

"Oo. Karmela hindi ba?" Nakangiting sambit ko naman. Agad naman siyang tumabi sa akin at saka tumango tango. Pagkatapos ay tinawag niya iyong iba niyang kaibigan. Nagsimula siyang mag-ingay at magkwento sa akin. Isinasali din niya ako sa usapan nila noong mga kaibigan niya.

Sa hindi malamang dahilan ay mabilis niyang nakuha ang loob ko. Nakipagkwentuhan din ako at saka ngumiti. Sumasagot din ako sa mga itinatanong nila. Karaniwan na naging usapan namin ay tungkol sa klase, at dito sa praktis. Pagkatapos ay paminsan minsan ay nagbibiro siya kaya't natatawa kami.

Hindi din nagtagal ay tinawag kami noong guro upang magsimula nang muli ang praktis. Luminya na akong muli at ang nasa unahan ko ay iyong kaibigan kanina ni Karmela, na ang pangalan ay Jessa. Agad niya ako nginitian at kinausap muli. Sunuklian ko naman siya ng mga salita at kapag may sinasabi iyong guro ay sinusuway ko siya na makinig, at tinatawanan lamang niya ako.

Patuloy kami sa pagprapraktis. Pakiramdam ko nga ay namumula na ang mukha ko at ang balat ko dahil sa init. Hindi ko na alam kung gaano kami katagal doon dahil paulit ulit ang pinagagawa nila upang maging perkpekto ang aming mga galaw.

Noong bigla kaming pagawan ng mga maliliit na bilog ay may lumapit sa aming mga grade nine officers for the whole batch. Tinulungan nila kaming makuha iyong ipinapagawa noong mga titser namin.

Umalis na iyong isang officer sa bilog namin nina Jessa, pagkatapos ay nagkwentuhan kami dahil hindi pa ata kuha noong ibang bilog at maayos na ang sa amin. Habang nag-uusap kami ay nagulat ako noong may bumanggit sa pangalan ko.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now