Pahina 59

2.6K 118 13
                                    

59:

Matapos niyang sabihin iyon ay mayroon pa sana siyang idadagdag pero bigla na lamang siyang tinawag ni DJ, kaya naman nagpaalam na siya sa akin at saka ako nginitian. Iyong ngiting lagi niyang ibinibigay sa akin. Hindi ko alam pero nang sandaling iyon bigla akong napa-isip.

Lagi siyang nandyan para sa akin kahit ilang beses ko na siyang pinagtulakan palayo. He stayed. Ngayon ko napagtanto kung gaano ako maka-sarili. Ni minsan hindi ko man lamang siya nadamayan sa problema niya—hindi man niya sabihin alam kong meron. Marahil ay hindi napapansin ng iba pero napapansin ko.

Simula siguro noong pumunta ako sa kanila doon ko naramdaman iyong kawalan. His home... It doesn't feel like home at all. The irony, I feel at home in his presence, yet he doesn't even know the feeling of being home.

Noon kasing pumunta kami ako sa kanila, walang bakas ng pamilya, para ngang si Yaya Flora lamang ang nakita ko doon. Hindi ko maipaliwanag pero nandoon iyong pinakatatago na lungkot at sakit ni singkit.

Everything he shows in this school is like a façade, yet with little pieces of the truth. I remember back then when he was still new here. Napansin ko lamang siya dahil nga sa mga taong akala mo kung sinong makapuri sa panlabas na anyo niya. Pero ang hindi nila nakikita noon, iyong matinding lungkot sa mga mata niya na para bang bawal na siyang maging masaya.

Kaya nga nakakatuwa na naging kaibigan niya si Yana dahil si Yana ang nagbigay ng kakaibang saya sa mga mata niya. Subalit... Iyong lungkot niya nasisigurado kong nakatago pa din doon sa pinakamadilim na bahagi ng kaniyang pagkatao at ng kaniyang puso.

Napalingon ako sa gawi niya kung saan kasama niya si DJ. He knows me like no one else does, but I feel like I don't know him at all besides the fact that he's hurting even though he's smiling.

"Pst, seryoso mo ah." Napalingon ako sa kabila kong tabi noong may biglang nagsalita doon. Napangiti ako kay Naya dahil doon.

"Naya." Bati ko sa kaniya.

"Nakatingin ka kay yaman?" She asked. Yaman? Ah, si singkit.

"Sa tingin mo kilalang kilala mo na siya?" Hindi ko alam kung bakit ko tinanong iyon kay Naya. Gusto ko lamang makasigurado sa mga iniisip ko. Siguro nga masyado kong pinapalaki ang isang bagay pero hindi ko alam kung anong mayroon sa papalapit na pasko kung bakit imbis na makakita ako ng saya sa mga mata ni singkit ay lungkot ang nakikita ko.

"Wala namang lubos na nakakakilala sa kaniya. Bukod sa gwapo at malakas sa babae. Siguro ikaw mas kilala mo siya." Animo'y balewala lamang kay Naya ang binigkas niya pero may mas malalim na kahulugan iyon at iyon nga ay wala pang nakakakilala ng mas malalim sa kaniya.

"Lagi ba siyang masaya?" I asked curiously. Kapag magkasama kasi kami o kaya nina Yana, walang dudang masaya siya at hindi iyon peke iyong tipo ba na parang nakatago lamang iyong sakit at lungkot kaya masaya siya.

Kapag naman hawak niya ang gitara at nakanta doon ko masasabing walang bahid ni katiting na lungkot sa kaniya dahil iyon ang pinakamaganda at pinakanakakamanghang bahagi niya.

"Oo naman. Masaya iyan. Pero minsan kapag natatahimik o kaya kapag malalim ang iniisip nakakatakot." Nakangiting sambit ni Naya. I smiled too, a faint one. I don't know but I feel like chinky eyes need me. Chinky eyes needs to feel that he'll be fine, if he ever is going through something.

"Naya, do you know the chords for..." I told her the song. Napaisip siya nang kaunti pagkatapos ay napapalakpak ng isa at saka sinabing alam niya. Sinabi ko sa kaniya na tugtugin iyon mamaya at masaya naman siyang sumang-ayon.

Muli ay dinala na naman ako ng aking isipan kay singkit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Pasko. Masaya ako kasi magpapasko na, sobrang taas pa ng enerhiya ko kanina at sobrang nakaramdam ako ng pagiging malaya dahil sa ginawang paglulugay at pagkukulot sa akin ni Claire.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now