Pahina 32

2.6K 131 1
                                    

32:

"... And welcome to the battle of the bands!" Malakas na sigaw ng emcee gamit ang mikroponong hawak niya. Pagkatapos ay nagsimula ang napakalakas at napakasiglang musika kaya naman nagtatalon sina Karmela sa aking tabi.

Napangiti naman ako dahil doon. Hinawakan ako ni Karmela at Phauline pagkatapos inaya akong magsaya sa musika. With the music that's playing and with the loud speakers around us, plus the dancing lights. I shrugged off my worries and started to enjoy the moment.

Halos kumabog ang puso ko dahil sa napakalakas na vibration sa paligid, at nakadagdag iyon ng pagkasabik na nararamdaman ko. Nag-tatalon kami sa may bleachers habang ang iba naman ay nasa ibaba at ang iba ay nakakalat sa kung saang saang parte nitong gym kung saan ginaganap ang kumpetisyon.

Nasa kalagitnaan kami ng kasayahan noong nagulat kami noong may nag-flash mob sa baba. Mas lalong ginanahan sina Karmela dahil doon. Nakikanta sila sa musika habang sumisigaw at hindi pinapakialaman kung wala man sila sa tono o kung pumipiyok sila.

I couldn't help but laugh in joy while seeing Karmela and the others. Ang saya lamang nila. Ang laya. Para silang walang inaalintana na kahit ano at nabubuhay lamang sila sa kasalukuyang nangyayari. Unti unti nadadala ako sa kanilang nararamdaman at nakisabay na din ako sa pagkanta.

Napatingin sila sa akin dahil sa ginawa ko pero natawa lamang sila at tila nakipagpaliksahan pa sa akin habang kumakanta ng malakas. Para kaming mga nakawala sa mental hospital habang nagsasayaw at nagpapakasaya sa malakas na awit ng musika habang pinapanuod ang mga nag-fla-flashmob.

Ginagaya pa nga ni Karmela kahit mali mali ang ginagawa niya kaya't nagkakatulakan kami at nagtatawanan dahil sa mga kalokohan naming ginagawa.

Noong matapos ang kanta at halos mabaliw sa pagkabitin ang mga katabi ko. Nagsigawan pa ang mga estudyante na gusto pa nila ng mas madami pa. Kaya't natawa iyong emcee sa unahan.

Sinabi niyang may kasunod pa daw ang mangyayari pero ipapakilala daw muna niya ang mga kasali. Unang ipinakilala ang banda ng freshies. Halos mag-wala ang mga freshies na nanunuod at may mga dala pa silang kartolina pangsuporta.

"Ang wild." Natatawang sambit ni Via patukoy sa mga freshies na nasa baba lalong lalo na iyong mga babae.

"Tayo din naman kanina." Jessa kidded and we laughed.

Kasunod na ipinakilala ang sophomores band kaya't lahat ng sophies ay nagsigawan din upang icheer ang kanilang batch. Halos mabingi ako dahil ang mga katabi namin ay sophies. Tuwang tuwa sila at todo ang pagsuporta sa kanilang representative.

Noong ipakilala ang banda ng juniors ay halos mamaos sina Karmela sa pagtili. Kahit ako ay napasigaw dahil sa matinding sayang nararamdaman. Napangiti sina Naya sa unahan dahil sa dami ng mga nagwawalang juniors na nagsisisigaw at nagpapalakpakan ngayon.

Off limits ang pangalan ng banda nila kaya't maririnig mo ang pagsigaw ng mga juniors ng pangalan na iyon ngayon. Maging kami ay nagsisigaw din dahil doon. Some teachers are not really supportive in these kind of events. Lalong lalo na dahil napakaingay ngayon pero ang iba naman ay nakikisayaw din.

Huling araw na ito kaya naman hinahayaan na nila. Basta walang sasaway sa mga ipinagbabawal.

Ipinakilala na din ang huling banda na walang iba kung hindi ang seniors. Pagkatapos nagsalita ang emcee at nagbunutan silang mga lider ng banda para sa pagkakasunod sunod ng pagtatanghal.

Si Wade ang pumunta sa lider nila kaya't siya ang kumuha ng papel sa emcee. At ang laki agad ng ngiti sa mukha niya noong buksan niya ang papel at nakipag-apir agad siya sa mga kagrupo. Chinky eyes is also smiling from ear to ear.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now