Pahina 35

2.5K 119 4
                                    

35:

Ilang linggo na din ang lumipas pero wala pa ding nangyayari pagbabati sa pag-itan namin ni Claire. Sa mga nakalipas na linggo at araw, maayos naman kami ni Yana nag-uusap pa din, pero lagi kong kasama sina Karmela dahil nga hindi ko pa din magawang lapitan si Claire.

Samantalang iyong si Rence ay patuloy pa din ang pangbabarino sa akin kapag may pagkakataon siya. Kagaya ngayon, may pangkatang gawain kami at sa kasamaang palad ay kagrupo ko siya, mabuti na nga lang at kagrupo ko din si Yana, kaya't may nakakausap ako sa grupo namin dahil wala talaga akong kaibigan sa grupo namin maliban sa kaniya.

"Rence tigilan mo na nga siya." Sambit ni Yana kay Rence patungkol sa akin.

"Wala naman akong ginagawa sa kaniya ah." Painosenteng imik pa nito. Napairap ako ng palihim dahil doon.

Ilang sandali lamang din ay nagsimula na akong magpahayag ng mga tungkulin ng mga kagrupo ko dahil alam kong hindi sila magkukusa kung hindi ko sila bibigyan ng mga tungkulin. Hindi din ako iyong tipo na para gumawang magsolo nang isang pangpangkatang aktibidad. They have to deal with my irritable style of superiority when it comes to this.

"Kapag hindi ninyo nagawa ang pinapagawa ko sa inyo, simple lamang tatangalin ko ang pangalan ninyo sa grupong ito at bahala kayong magmakaawa sa guro natin para sa inyong grado. I don't tolerate irresponsibility and laziness so your choice." Kibit balikat na wika ko at saka tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo para pumunta sa guro at magtanong nang ilang mga bagay tungkol sa aktibidad namin.

"Ang taray talaga. Tss. Kaya walang nakakatagal dyan. Mabuti natatagalan ninyo yan, Yana." Rinig ko pang wika noong isa sa mga kagrupo ko. Nainis ako sandali doon pero hinayaan ko na lamang.

"Hindi mataray iyan. Mabait iyan, promise. Nagpapakita lamang iyan ng superiority kasi lider natin siya, pagkatapos ayaw niyang bumababa ang grado niya. I'm sure pretty soon, you'll see her get along with us really well." Hindi ko ganoong narinig ang sinabi ni Yana pero alam ko na pinapakalakas lamang niya ang loob ng mga kaklase namin o baka iba? Malay ko.

"Tama si Yana. Hayaan ninyo, kukulitin ko nang kukulitin ang isang iyon, para maging masaya sa grupo natin. Cute kaya noon kapag namumula sa inis." Rinig na rinig ko ang sinabi ni Rence dahil sa lakas ng boses niya at nabwisit lamang ako sa aking narinig.

Natapos din ang oras ng subject kung saan may grupo grupo kami kaya't nagbalikan na kami sa kani-kaniyang upuan. Hindi na kami magkatabi ni Claire ngayon dahil naglipatan na kami ng puwesto.

Nasa group four ako at katabi ko si Rence. Oo, kaya lagi akong naiinis sa inaraw araw na buhay ko ngayon dahil katabi ko siya. Mabuti na lamang at ang nasa unahan ko ay si Phauline kaya naman kapag kinakausap niya ako ay nilulubayan ako ng insektong Rence na iyon. Tsk.

Noong maghapon ay tumabi sa akin si Yana. Umalis kasi si Rence sa tabi ko dahil mukhang nasawa na sa hindi ko kapapansin sa kaniya at saka pumunta doon sa mga lalaking kaibigan niya. Walang guro ngayon kaya't napaka-ingay. Nagbigay siya ng aktibidad na natapos ko na agad dahil ginawa ko iyon kaninang umaga noong may extra time ako.

"Si Claire?" Tanong ko kay Yana.

"Kasama sina Abigail, pumuntang canteen." Tugon niya na ikinatango ko.

"Tapos ka na?" Patukoy ko sa aktibidad namin. She nodded her head. "Oo. Kinopyahan ko si Claire. Kinopyahan daw niya si Naya, tapos si Naya naman kay Marita kumopya." Halos matawa yata ako sa kopyahan nila.

"Dami noon ah." I remarked laughingly.

"Syempre. We find ways. BDO." Masiglang wika niya at saka humalakhak at nakipag-apir sa akin.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now