Pahina 10

4.7K 150 11
                                    

10:

Pinagmamasdan ko ngayon ang mga kaklase kong naglalagay ng mga kani-kanilang make up sa mukha para sa kumpetisyon namin ngayon sa sabayang pagbigkas. Nagkakabit na din sila ng mga props na ginawa namin sa katawan.

Kaysa kabahan, mas nangingibabaw sa akin ang pagkasabik sa mangyayaring labanan. Gusto kong manalo ang klase namin, dahil kahit naman wala kaming pagkakaisa noong una ay napatunayan namin ngayon na makakaya naming pagbutihin ang isang nakaatas na gawain sa amin, para sa ikabubuti ng lahat.

Natutuwa nga din ako ngayon, dahil simula noong unang araw naming naging magkakaklase, ngayon ko lamang sila nakitang maayos ang pakikitungo sa isa't-isa. Iyong tipong hindi watak watak. May magandang epekto din pala itong nakasanayan naming mga kumpetisyon.

"Hoy, ang seryoso natin ah." Napalingon ako sa biglang nagsalita at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Alyana. Napangiti naman ako sa kaniya at saka tahimik na nagkibit balikat.

Kakausapin pa sana ako ni Yana at Claire noong biglang sumigaw iyong presidente namin na mukhang kinakabahan at hindi mapakali. Pumalakpak pa siya ng tatlong bses para tuluyang makuha ang atensyon namin.

"Okay! So, let's do the last practice. Win or lose, grade nine courage!" Madiing sambit niya, at agad na sumagot ang klase. "Grade nine courage, go!" Nangibabaw pa ang hiyaw noong mga kaklase naming mga lalaki.

Courage is the name of our section. Medyo ironic noong una dahil wala naman kaming kalakas lakas ng loob, pero ngayon, siguro kahit papaano masasabi kong may nabuo na kami noon dahil handang handa na kami.

Agad kaming pumunta sa kani-kaniyang pusisyon namin sa unang blocking ng speech choir presentation namin. Maayos ang naging flow ng lahat. Matatapang at buong mga boses ang ebidensya na maari kaming manalo.

Nasa kalagitnaan na kami noong biglang may nangibabaw na boses ng isang lalaking kaklase namin. Masyado atang nasabik ng sobra kaya't nauna siya sa pag-imik at hindi kami sinabayan. Todo hingi pa siya ng pasensya dahil doon. Imbis na magreklamo gaya ng nakasayan, natawa na lamang kaming lahat.

It was an honest mistake, and he admitted it. Why bother getting mad?

Mag-sisimula ulit sana kami sa una, kaso pinutol iyon ng biglang pagpasok ng adviser namin sa silid upang sabihin na maghanda na kami dahil pupunta na kaming lahat sa awditoryum. Kagaya ng nakasanayan naglakad kami patungo sa linya namin na dalawa—isa para sa mga babae, isa para sa mga lalaki—noong nakapila na kaming lahat ay pinangunahan kami ng presidenta namin at saka kami tumungo sa audi.

Medyo malayo din ang nilakad namin dahil nasa second floor iyong klasrum namin at malayo sa high school building iyong auditorium. Mabuti na lamang at nagbaon din ako ng tubig, dahil alam namin na matatagalan bago pa kami makapagtanghal, at saka madami din kaming maglalaban laban.

Magtatanghal din pati ang mga seniors. Hindi naman namin sila kalaban, magka-iba naman ang dibisyon namin sa kanila. Sadyang nasa iisang lugar at oras lamang talaga ang junior-senior presentation for the speech choir.

Nasa harap na kami ng auditorium noong sabihin noong teacher namin na alternate. Most of the girl frowned because of the instruction. Ako naman ay tahimik na napasimangot.

Boy-girl-boy-girl nanaman ang pagkakaayos namin sa pag-upo mamaya. Karaniwang ginagawa ito para matigil ang ingay sa amin, dahil panigurado habang hindi pa kami ang nasa entablado ay mag-iingay lamang kami o hindi kaya'y pagkukuwentuhan ang mga nagtatanghal sa plataporma.

Sumingit ang mga lalaki sa linya naming mga babae. Naka-halukipkip lamang ako at nakatingin sa unahan, noong biglang may humawak sa magkabilang balikat ko, kaya't sa gulat ko ay muntik na akong mapatalon. "Dang." That was the only word that came out of my mouth.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now