Pahina 52

2.5K 134 17
                                    

52:

Nakatulala ako sa unahan at hindi yata nagproproseso nang maayos sa utak ko iyong binanggit niya kanina. Nabingi ba ako o sadyang mali iyong pagkakadinig ko? Gusto kong tanungin si DJ kung narinig niya, pero halata namang hindi dahil halos pabulong iyon. Tss.

Bwisit na singkit na iyon, nag-iwan pa ng alalahanin sa akin. At saka kung sinabi man niya, bakit sabi niya para sa akin? Baka naman kakantahin niya iyong tipong pang-asar? But... He's not stupid to do such petty things.

Imbis na mag-isip pa nang mag-isip. Tinuon ko na lamang ang pansin ko sa unahan. And that moment our eyes met, that's it! I couldn't see anyone but him. Hindi ko alam kung ako lang ba, o sadyang may kakaiba sa kaniya ngayon? He seems like happy without anything worrying him.

Noong nakaraang linggo, iyong dalawang kumanta kabadong kabado, bakit ngayon, parang ang saya saya pa noong kumakanta?

Inaayos pa noong guro namin iyong musikang gagamitin niya, kaya't medyo nakatungo na siya sa unahan, halatang nahihiya pero halata ding nagpipigil lamang ng ngiti. "Ano? Na-inlove ka na?" Ano daw?

Agad akong napalingon sa katabi kong si DJ dahil sa sinabi niya. Imbis na sumagot, umirap na lamang ako. Akala mo naman malapit kami sa isa't-isa kung umasta. Tss.

"Totoo pala, hindi ka talaga pala-imik sa hindi mo kaibigan. Pero ang daldal mo sa kaniya." Dagdag pa niya. Napasinghal ako nang mahina dahil doon. So he's also observing me? Bakit ba parang ang daming matang nagmamatyag sa akin simula noong naging kaibigan ko sina Yana?

I get it, they are famous, they are known, but that's not enough reason. They can just ignore me. Tsk.

Napa-iling iling na lamang ako at saka ko siya pinagmasdan sa unahan. Ito namang mata ko lahat na yata nang gawin niya pinapasin, nakaabang, hindi pinapalampas. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Ayun nanaman iyong puso ko, kumakabog nanaman.

Nahihiya man ang hitsura, iba pa din ang awra niyang dinala. Iyong tipong malakas ang loob, at may kakaibang karisma na kung saan kailangan mo talaga siyang tingnan dahil nakakaakit talaga siyang pagmasdan.

It's not his physical appearance that made me look in to him. It's his personality. His simple gestures. His sincere emotions. Iyon bang kahit pinagtitilian na siya noong iba, nagmamayabang man minsan sa pagbibiro, alam mong hindi lumalaki ang ulo. Iyong tinig niyang nakakahalina, kahit puno nang pang-aasar ang sinasambit niya. Iyong hindi ka niya pababayaan at palihim niyang aalalahanin ka.

He's something more... Something more than his face.

Ilang sandali pa ay nagsimula na iyong tugtog at isang pamilyar na musika ang tumunog sa apat na sulok nitong silid. Hindi ko mawari kung anong kanta iyon dahil hindi iyon pamilyar sa akin. Sa madaling salita unang beses ko pa lamang iyong narinig.

"The hurt in your eyes will never disguise
The spark that lived there before
And I know that you're so much more
Than you're showin'."

Natigilan ako. Kumabog nang sobra ang puso ko noong marinig ko ang malamig niyang boses. Ang bawat katagang kaniyang sinasambit biglang tumagos sa puso ko. Direkta. Sapul. Walang palya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero, nangingilabot ako.

Nangingilabot sa paghanga at sa kakaibang pakiramdam. Parang biglang nawala lahat lahat nang ibang tao na nasa paligid at siya lamang ang nakikita ko.

Para sa akin?

Why? Bakit pakiramdam ko kilalang kilala na niya ako? Bakit pakiramdam ko nahukay na niya lahat ng pinakatatago tago ko? Bakit pakiramdam ko... mas kilala pa niya ako, kaysa sa pagkakakilala ko sa sarili ko?

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now