Pahina 73

2.3K 98 11
                                    

73:

It was already break. After the awkward compliments I told the people who were worth it, I felt free and happy. May mga nakilala rin ako na magaan sa pakiramdam kasama kagaya nina Selene, Zara, Bent, DJ at maging si Joseph.

Joseph helped me smile and talk freely when I was in front of him. It was so... awkward, and I was so uneasy but he somehow made me feel good. Mabuti na lamang ganoon ang nangyari hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung hindi ganoon.

Matapos ng compliment circle, nagsalita at nagturo ulit si Sir Juls. Kagaya noong mga naunang bahagi ay todo ako sa pakikinig kasi ang ganda ng takbo ng pagtuturo at pagsasalita niya. Iyong tipong ma-eengganyo kang makinig.

May limang minuto pa bago matapos ang break at nandito kami nina Yana sa kwarto ng mga babae. Bati na kami at magkakasama na kami sa iisang lamesa kanina. Sina Karmela na rin ang nagpaubaya kanina para magkakasama na ulit kaming tatlo nina Claire, pero si Karmela pa rin ang katabi ko sa kama mamaya.

"Anong mga dala mo?" Claire asked excitedly. Tinuro ko iyong bag at dali dali niya iyong kinuha, at saka tiningnan ang laman, pero dahil walang kwenta ay lumungkot ang mukha niya.

"Nasa YE tayo, Claire, wala sa field trip." I told her jokingly, she chuckled.

"Ano 'to?" She suddenly asked then showed me an old journal book. Halos tumakbo ako papalapit sa kaniya at saka ko dali daling kinuha ang bagay na iyon. I shook my head and said it was nothing. She shrugged and let it off.

Mabuti na lamang at hindi siya nag-usisa pa. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa journal book na iyon. Inilagay ko iyon doon sa paper bag na nilagyan ko ni Wuffy. May isa pang journal book na nandoon kasi ginagamit ko iyon kapag may gusto akong isulat basta basta.

I still love the idea of diaries, journal entries, and written letters. Kaya naman may ganoon ako. Kaya nga saktong sakto iyong regalo noon ni Singkit sa akin. Hindi ko pa lamang ginagamit iyong kaniya dahil hindi pa ubos iyong nauna.

Hinayaan ko si Yana at Claire na magkulitan noong biglang dumating si Rence sa may pinto at tawagin ako. Agad akong pumunta roon, sina Claire naman ay napatingin lamang at hindi sumunod sa akin.

"Bakit?" Bungad ko sa kaniya.

"Tawag ka." Sambit niya at saka itinuro ang isang taong nasa labas. I was afraid it would be Joseph, so I did not really move out from the room because boys are not allowed inside the doorstep.

"Song book?" Chinky Eyes asked. Oh, siya pala akala ko si Joseph. Nawala ang kaba ko at saka ko lumabas para magkausap kami.

"Ngayon na? Mamaya na lang." Imik ko sa kaniya. Gusto kasi niyang hiramin iyong kwaderno ko na may mga liriko ng kanta. Hindi ko sana gustong ibigay kaso binalik niya iyong mga pagkatalo ko dati laban sa kaniya, at bakit daw hindi ko pa siya inililibre, at hiling na lamang niya ay iyong mga sinulat kong kanta.

"Makalimutan mo pa, ngayon na." He told me playfully. Tsk. Gagamitin ko sana iyon laban sa kaniya. Baka kasi makalusot kaso hindi pala. Tsk. Mautak o sadyang kilala lamang niya talaga ako.

"Mamaya na." I said, but he crossed his arms. I sighed.

Nagtitigan kaming dalawa kasi baka madala ko naman siya sa tingin ang kaso wala talaga. Napabuntong hininga ako at saka dali daling tumakbo sa paper bag na pinaglagyan ko noon. Dahil nandoon sina Claire ay kinulit ako noong dalawa.

The bell suddenly rung. I rushed to get the book with my own lyrics, and gave it to Chinky Eyes. "Thanks!" Dali dali niyang sambit at saka tumakbo patungo sa session hall. Kami nina Yana ay tumungo na rin doon.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now