Pahina 29

2.7K 157 4
                                    

29:

Nang mag-huling araw ang college days namin ay naging mas abala ang lahat. Kaming mga kasali sa field demo ay nag-kitakita ng ala-syete ng umaga para sa huling praktis. Ngayong umaga din kasi gaganapin ang field demo sa gym.

Binigyan din kami ng mga lider noong mga kailangan naming ilagay sa katawan na props. Binigyan na din kami ng garter na aming gagamitin na siyang mismong pangunahin naming kasangkapan.

"Pst." Hindi sana ako lilingon dahil sa simpleng 'pst' na narinig ko kung saan kung wala lamang kumuhit sa likudan ko. Dahil doon ay tuluyan na niyang naagaw ang aking pansin. Nakangiti siya na mapang-asar.

"Miss Trigo." Tawag ni Rence sa akin. Siya ang kumuhit sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon.

"Taray nito good luck." Nakangiting pahayag pa niya, at saka tinapik ang ulo ko, pagkatapos ay umalis na. Napa-irap naman ako dahil doon. Mabuti na lamang at hindi na siya nang-asar. Ugali pa naman niya iyon.

"Oy, lumapit nanaman sa iyo iyon." Pansin ni Jessa sa pagpunta nanaman ni Rence sa akin. Kada praktis kasi noon sa field demo, kapag nag-uuli ang lalaking iyon ay titigil iyon sa kinalalagyan ko pagkatapos ay aasarin nanaman ako. Kaya nga lagi akong napipikon sa kaniya. Bakit ba hindi na lamang niya ako lubayan?

"Hayaan mo. May saltik na yata." Maikling tugon ko at saka bumalik sa pila. Nasa likod sina Karmela, Via at Phauline. Masyado kasi silang matangkad kumpara sa amin ni Jessa.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang oras para magtanghal ang mga kasali sa field demo. Nagbigay ng talumpati ang ilan sa mga hurado at syempre ang principal ng aming paaralan.

Naunang mag-prisinta ang grade seven. Maganda ang kanilang ginawa at makikita mong talaga ang kanilang pormasyon. Lalo na dito sa itaas ng bleachers kung saan kami naka-upo nina Karmela. Idagdag mo din ang musika nilang nakakaengganyo.

Noong matapos sila ay magarbong palakpak agad ang kanilang natamo. Kahit sila ang itinuturing na pinaka-bata sa buong high school, may ibubuga pa din sila. Hindi talaga batayan ang edad para sa kakayahan ng isang tao.

Naghanda agad ang sophies noong makaalis sa gitna ang mga freshies. May disiplina agad ang mga ito. Mapapansin mo na puspusan din ang kanilang paghahanda gaya namin. Unang mga galaw pa lamang nila ay napakalakas na ng kanilang enerhiya.

"Magaling! Pero mas pa din tayo." Natatawang biro ni Karmela habang nanunuod. Napatango na lamang ako doon. Tama siya mahusay nga ang ipinapakita ng sophies. Sabay sabay kasi sila kaya't magandang tingnan mula dito sa itaas.

Marami na agad ang palakpakan sa kanila kahit hindi pa sila tapos. Kinabahan ako dahil doon. Kung ganiyan ang reaksyon ng mga nanunuod ay siguradong mahihirapan kaming magbigay ng impact upang mas malamangan namin ang kanilang pagtatanghal.

Subalit habang naiisip ko ang mga hirap namin nitong nakaraan ay alam kong maganda din ang kalalabasan ng aming ipapakita. Hindi kami nagbilad sa init at hindi kami nagpakapagod sa wala lamang.

Palaging talo ang batch namin sa mga ganitong kumpetisyon pero alam kong maganda pa din ang kalalabasan ng aming pinaghandaan ngayon. Lalo na't hindi kasali ang ibang mga pampagulo dahil ang iba sa kanila ay kabilang sa ibang aktibidad na nangyayari sa mga araw na ito.

"Tayo na." Tumayo agad si Karmela sa kinauupuan. Matatapos na kasi ang pagtatanghal ng sophies at kami na ang kasunod. Kailangan naming pumuwesto sa aming pormasyon sa pasimula.

Tumalon ako nang bahagya pababa ng kada baitang sa bleachers. Noong malapit na akong makababa at gayon din sina Karmela ay nagulat ako noong may humawak sa balikat ko.

Reminiscence: From Me To YouWhere stories live. Discover now