Pahina 57

2.7K 107 11
                                    

57:

Biyernes ngayon at ngayon din ang bunutan namin para sa gaganaping Christmas Party. Evaluation na at tapos na ang mahabang araw namin ng mga aralin. Nasa unahan na din si Yana at iyong presidente namin para patahimikin ang klase para makapagsimula na ang bunutan.

Kanina habang naggagawa ng bunutan si Yana ay may naging plano siya.

"Huwag kayo maingay, Claire at 'my ha?" Sambit niya sa amin ni Claire, habang nasa girl's comfort room. Hinila niya kaming dalawa dito matapos ang huling klase.

"Bakit?" Kuryosong tanong ni Claire.

"Ako kasi ang gagawa noong bunutan. Pero nakabunot na ako. At sinadya ko na kung sino iyong gusto kong mabunot." Direktang saad niya sa amin. Napukol noon ang atensyon ko, magsasalita na sana ako para magtanong ngunit nauna si Claire.

"Ako ba?" Sabay tawa pa nito. "Nako, baby, make up lamang masaya na ako!" Tili pa ni Claire. Natawa kaming dalawa ni Yana dahil doon at nakatanggap pa siya ng kaltok sa aming dalawa.

"Aray naman, ang sama ninyo talaga, sa maganda ako e!" Alma pa niya. Dinilaan lamang siya ni Yana samantalang kumunot noo ako para ipahiwatig nang pagtatanong kung sino iyong sinasabi niyang maganda, kaya nagmaktol siya sa aming dalawa, pagkatapos ay nagkatawanan muli kaming tatlo.

"Sino nga?" Tanong ko naman. Hindi kasi si Claire o ako, kaya may ideya na ako kung sino...

"Si..." At tama nga ako. Sinambit niya ang pangalan ni singkit.

"Hala! Bakit?" Tanong ni Claire kay Yana. Sabay pasimpleng tingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tinuon ang pansin sa sinabi ni Yana.

"Wala. Gusto ko kasing magkabati na kami kaya iyon. Siya na ang bubunutin ko ng sinadya para na din makahingi na ulit ako ng paumanhin." Napatango tango kami ni Claire sa dahilan niya. May punto naman siya at alam kong gusto din niyang maayos na ang lahat sa kanilang dalawa.

"Okay!" Sang-ayon naming dalawa ni Claire.

"Huwag kayong maingay ha? Sikreto lamang nating tatlo." Bulong pa ni Yana. Sumang-ayon naman kaming dalawa dahil doon at saka kami tuluyang umalis noong banyo at saka dumiretso sa klasrum.

Doon nagsimulang magsaway sina Yana at Zara sa unahan para makinig na ang lahat at para makapagsimula na din ang bunutan. Nang matahimik ang lahat ay isa-isa niya kaming pinapunta sa unahan para kumuha ng kapirasong papel.

Mabilis natapos iyon dahil naki-isa ang karamihan. Noong buklatin ko din para tingnan kung sino ang nabunot ko ay agad akong nanlumo. Sa lahat ng mabubunot ko, iyong hindi ko pa ganoong kilala at higit sa lahat lalaki pa.

"Oy! Sinong nabunot mo?" Tanong ni Claire. Napailing iling ako sensyales na hindi ko gusto iyong nabunot ko, kaya bigla siyang tumawa.

"Ikaw ba?" Tanong ko naman.

"Babae! Kilala ko at alam ko na agad ang bibilhin!" Masayang wika niya na para bang nakakuha ng napakalaking swerte. Samantalang ako ay hindi alam kung saan magsisimula para malaman kung ano iyong gusto niya.

"Sino ba?" Bulong ni Claire sa akin. At saka ako dinala sa dulo ng klasrum.

Nagpalitan kami ng papel. Binuklat ko iyong kaniya at nakita kong si Phauline ang nabunot niya. Tss. Ang dali lamang noong kaniya. Mahilig kasi sa hello kitty si Phauline kaya naman hindi na niya kailangan manghula kung ano ang bibilhin.

Nang makita ni Claire kung sino iyong akin ay tumawa siya nang napakalakas. Binatukan ko naman siya dahil doon. Kainis. Siguro ay alam niyang halos mabibilang lamang sa daliri ang pagkakataong nagkausap kami noong lalaking nabunot ko.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon