Pahina 28

2.6K 193 10
                                    

28:

Sa ikalawang araw ng college days. Kasama ko sina Karmela. Noong umaga ay nag-uli kami. Sumakay din kami sa ibang rides na nasa elementary field at namasyal sa buong school.

Puno lamang kami ng tawanan at kulitan. Masaya silang kasama. Kahit tatahimik ako sa isang tabi ay hindi nila ipaparamdam sa akin na hindi ako kabilang sa kanila. Patuloy din sila sa pagpapasaya sa akin. Ang makasarili ko ngang tingnan dahil sila todo ang pagsisikap nila para maging kumportable pa ako sa kanila lalo, pero ako itong hindi mawari ang sarili at may kaunting pag-aalinlangan pa din.

Oo nga't masaya ako, nakikitawa, nakikipagbiruan, nakikipagkulitan at iba pa. Hindi na kagaya ng dati na kahit isang salita ay wala akong babanggitin, pero may parte pa din sa akin na hindi ko mailabas. Mayroon pa ding salikmatang balakid na malaking pader sa pag-itan ko at nila.

Siguro ay unti-unti magigiba din iyon. Basta sa ngayon ay kahit papaano ay natututo na akong makisama. Pasalamat na lamang ako at hindi sila naiinip o naiinis sa akin dahil napaka-walang kibo ko minsan.

I'm starting to change, little by little, but that 'change' to be drastic is just nearly impossible for me.

Noong magtanghalian ay kumain kami sa labas. Kasama ko pa din sila. At hindi ko namamataan sina Yana o Claire. Maging siya ay hindi ko din nakita kanina. Hinayaan ko na lamang, pero noong maalala ko iyong sinabi niya kahapon na isasama dapat niya ako sa praktis nila ay parang gusto ko siyang makitang mag-gitara bigla.

"Ano..." Biglang pagsasalita ko.

"Oy! Makinig, nagsasalita na ang ating tahimik na kaibigan." Pagbibiro ni Karmela na kinatawa ko nang bahagya. Tumigil naman sila sa kanilang ingay dahil doon at saka ipinukol sa akin ang atensyon.

"Hindi ba may kalahating oras pa tayo bago magpraktis ng field demo pagkatapos nitong lunch? Baka hindi muna ako sumama sa inyo..." Nahihiyang pahayag ko. Baka kasi isipin nila hindi ko sila gustong kasama.

"Hindi naman sa ayaw kong kasama kayo—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong putulin iyon ni Karmela.

"Ano ka ba!" Natatawang sambit niya. "Hindi kami nag-iisip ng ganiyan. Sige lang, baka may pupuntahan ka pa. Basta, intayin ka namin sa praktis. Makikipagbati ka kayna Yana?" Tanong pa niya.

Ngumiti na lamang ako kaya't hindi na sila nag-usisa pa at nagkwentuhan na lamang muli. Sumali na din ako sa kwentuhan nila dahil nakakatuwa at nakakaengganyo iyon.

Hindi din nagtagal ay natapos na kami sa pagkain. Humiwalay na ako sa kanila. Kinuha ko din ang cellphone ko at agad na tinawagan ang numero ni singkit. Buti na lamang at may load pa ako.

Naka-ilang ring iyon bago pa may sumagot.

"Are you serious? You are calling me?" Pakiramdam ko nagkaroon ng napakaraming tandang pananong sa tutok ng ulo ko dahil sa bungad niya.

"Wala man lamang, hi or hello?" I retorted sarcastically then I heard his laughter.

"Sorry. Nasurpresa lamang ako na tumawag ka. You despise your phone." Napa-roll eyes naman ako dahil doon. Hindi ko kinaayawan ang cellphone ko, sadyang hindi lang talaga ako pala gamit nito, maliban na lamang kung music ang usapan.

"Where you at?" Impormal na tanong ko sa kaniya.

"9-Truth classroom." Sagot niya. "Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan! Kumain ka na! May praktis pa tayo mamaya." I heard a familiar female's voice in the background noise of the other line.

"Huwag kanh maingay, Naya!" Narinig kong sagot niya doon sa umimik kanina. Kaya pala pamilyar. Boses ni Naya. "Why? Gusto mong pumunta dito?" Agad na dugtong pa niya, bago ako makapagbigay ng reaksyon tungkol kay Naya.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon