Chapter 3 - Room

8.2K 140 0
                                    

Cassie POV

Pagkatapos ng aming hapunan,tumayo na kame ni Jayme sa kinauupuan namin at lumapit sa gilid kung saan nakatayo ang mga maleta namin, kinuha namin ang mga iyon at hinila palabas ng confe room.

Yun kasi instruction sa amin ni ate Levy. Ramdam ko na nakasunod narin sa amin ang tatlo pa namin kasama

"Saan na kaya ang next natin, sana makapagpahinga na tayo" rinig kung tanong ng isang babae sa likudan namin, nagpatuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang labas at kita namin na may nagdadatingan na bus at madaming bumababang tao dito.

Ito nga siguro yung sinasabi ni ate Levy na shuttle bus ng mga worker ng ibat ibang company. Nanatili kame nakatayo ng ilang minuto sa may labas habang pinagmamasdan ang mga worker na bumababa at naglalakad sa labas.

"So bessy ganito pala dito?" si Jayme

"Kita mo naman di ba? Ang dami tao Jayme di lang pinoy at pinay may ibang lahi pa" sabi ko sa knya na tiningnan ko pa sya para makita reaction

"Ay naku bessy for sure madaming handsome at papa dito. Kaya dapat ready ang beauty naten baka di naten kayanin." Tugon pa ni Jayme saken na medyo pinalalakihan ko ng mata sa sinabi niya

"Anu!? pwede bakla itikom mo muna bibig mo madami makakarinig sa atin kilabutan ka sa pinagsasabi mo, kadarating lang naten dito at puro kaharutan ang iniisip mo."Natatawa kung sinabi sa kanya alam ko iirapan na naman niya ako dahil tinawag ko na naman siyang bakla hahahaa


"Jusko! bessy kung makabakla ka naman, ang bulgar ha."irap ng bakla saken

"HAHAHAHHAHAHHAHAHAHA "ang landi mo kasi"sagot ko pa sa knya.

Napatigil kame sa kulitan namin ni Jayme ng may magsalita sa may harapan namin.

"May bago oh"sabi nung lalaking medyo matangkad na ok lang ang hitsura ng may marinig pa ako sa katabi kung bakla

"Hmmmm, not bad bessy"habang nakatingin sa lalaking nagsalita sabay tingin din saken ng bakla at ngingisi ngisi.

"Mahiya ka nga Jayme kilabutan ka!."may pagdiin na tugon ko sa knya.

Maya maya pa madami na kame narinig sa mga bumaba sa shuttle bus at kasalukuyan na silang nag titime in ng timecard sa may guard house.

"May mga bagong dating"

"Chicks ba?"

"Saang floor sila?"

Ilan lang yan sa mga naririnig namin di ko alam kung kanino nanggaling.

Ilang minuto pa ang dumaan at naging tahimik na ang paligid sa guard house at kinatatayuan namin napansin ko na palapit na sa amin ang staff ng dorm na si ate Levy hudyat na ihahatid na kame sa aming mga room.

"Ok ihahatid ko na kayo sa kanya kanya niyong room para makapagpahinga narin kayo, bukas ng 8am balik kayo dito para mailibot ko kayo sa buong dorm ok ba yun?"instruction muli ni ate Levy sa amin na napasagot naman kame ng "Yes ate!"

Hinila na namin ang mga maleta namin at sumunod nalang sa naglalakad sa unahan naming si ate Levy sa dinadaanan namin may mga taong nakaupo sa mga bench at alam ko na nakatingin sila sa amin may mga sinasabi man sila ngunit di ko marinig dahil mahina ang pag kakasabi nila at wala rin ako balak na lingunin ang mga nakaupong yun may mga babaeng grupo mga lalakeng grupo merun din magjowa kanya kanyang moment sila.

Nang makarating kame sa pinaka entrance ng dorm medyo naigala ko ang mata ko sa paligid dahil maliwanag na ito at kita ko ang mga worker ng ibat ibang company dito tama nga kame ni Jayme di lang mga pinoy at pinay ang andito may ibang lahi kung di ako nagkakamali mga vietnamese at thailander ang nakikita ko sa ibang lahi na iyon pero karamihan pinoy at pinay.

May moment rin sila sa pinakalobby ng dorm kung saan sa isang gilid makikita ang puro computer at may mga upuan. Napatuon naman atensyon ko sa sinusundan namin ng bigla syang magsalita.

"This area is boys room" turo nia sa kabilang side na agad ko namang sinundan ang pagkakaturo niya at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Itong side naman na ito ang internet area pwede kayo gumamit dito kung free time kayo at yun naman ay office namin dito sa loob kung merun kayo kelangan pwede kayo magtanong sa ibang staff." muli kung sinundan ang turo niya at nakita namin na may maliit nga na kwarto na puro glass ang paligid mukha nga sya office hehehe.

Nagpatuloy lang ang staff ng dorm sa pagsasalita.

"Ok girls you wait here, ihahatid ko muna ang boys sa kani kanilang rooms then next kayo"

"Yes ate" sagot namin nung 2 babae na kasama ko

"Jayme kita nalang tayo bukas ok, ingat ka dyan lalo na sa mga ka roommate mo, be good to them"paalala ko sa bff ko na nagingiti sa sinasabi ko at alam ko na sasagot siya sa sinabi ko

"Ok bessy see you tomorrow, rest well ok" tumango akong nakangiti sa kanya at alam ko na di pa tapos ang sasabihin niya lumakad sya papalapit sa akin at sabay bulong.

"Sila ang mag ingat saken, baka matuklaw ko sila hahahaha"napatawa naman ako sa sinabi niya at nakakahiya man medyo lumakas ang tawa ko di ko talaga mapigilan pag itong baklang ito ang nagpatawa.

"Sige na pumasok ka na sa room mo"may paghampas na sagot ko sa kanya at ng maihatid sila ni ate Levy kame naman ang inihatid niya.

Napatingin ako sa papasukan namin at isang mahabang wall na salamin lamang pala ang pagitan ng girls area sa mga boys na kung tatanga tanga ka sa paglalakad aakalin mong walang harang dahil salamin ang mga ito at kitang kita ang nangyayri sa loob ng girls area.

May pinakalobby kung saan may TV na pwede manuod, sa gilid may isa hilira ng computer mga limang computer at magkabilang hallway for girls room.

In the right hallway ako inihatid ni ate Levy sa padalawang pinto. Nakita ko ang number ng room namin B26. Binuksan ito ni ate .

"Cassie, ito ang bed mo"turo niya sa isang double deck na available at bukas na bukas nakita ko may mga curtain ang ibang double deck ibig sabihin lang may mga nag mamay ari na ng bed.

Pinili ko ang baba nag double deck para di na ako mahirapan pa na umakyat. Muling nagsalita ang naghatid saken.

"May mga kasama ka dito 4 sila puro babae nasa work yung tatlo night shift sila at baka naglalaba si Rachel. So, iwanan na kita Cassie take a rest and tomorrow 8am go to my office ok."

"Ahmmm, ok ate i will, thank you" may ngiting sagot ko sa kanya.

Pagkasara niya ng pinto agad namang may nagbukas nito at napatingin ako sa pumasok isang babae, sa isip ko baka siya si Rachel na sinasabi ni ate Levy.

"Hi, ikaw pala yung bagong roommate namin"sabi ng babae

I smiled at her and "Ahmm, yes ako nga, by the way I'm CASSANDRA BERNARDO, 23 years old"at inilahad ko ang kamay ko sa knya at agad naman siyang nakipag shake hand saken at nagpakilala rin.

"Ako si Rachel Mendoza 24 years old"pagpapakilala niya.

"Nice meeting you Rachel, you can call me Cassie masyado kasi mahaba ang Cassandra hehehe." Sabi ko sa kanya na nakangiti agad naman syang tumango at may sinabi rin saken.

" Chel nalang din itawag mo saken"tumango naman ako at nagkatawanan kame.

........................................................................................................................................................................

Old Friend [KathNiel]{Completed}حيث تعيش القصص. اكتشف الآن