Chapter 30 - Special Feelings

4.1K 119 4
                                    


Cassie's POV

Bumaba ako ng second floor para dalhin ang mga products na natapos kong iinspect, wala kasi si Chel kaya ako ang inutusan. Pumasok ako sa loob ng station napansin ko nakatingin sa akin ang mga tao, at nagbubulungan pa, limang Pilipino ang nakita ko, kaya minabuti kong magtanong sa kanila.

"Hi, pwedeng magtanong? Kanino ko pwedeng e-endorse ito?" Tanong ko sa isang pinay habang hawak hawak ang product.

Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. "Ikaw pala yung bago ng inspection, pwede naman sa akin." Nginitian ko din siya pabalik at iniaabot ang produkto sa kanya.

"Ah, oo ako nga, I'm Cassie." Inilahad ko ang kamay ko na may suot na gloves, tanda ng pakikipagkilala sa kanya.

"Ako naman si Joan, maganda ka nga talaga lalo na sa malapitan." Tinanggap niya ang kamay ko kasabay ng papuri niya.

"Thank you, Joan, sige balik na ako sa taas." Nakangiti kong paalam sa kanya

"Sige, nice meeting you Ganda,"

Kumaway ako sa kanya habang papalabas ng station nila. Nang marating ko ang elevator pinindot ko ang arrow pataas, habang hinihintay ko ang pagbaba kinapa ko ang celfone ko sa bulsa pero wala akong nakapa.

"Ah, baka nasa lab gown ko," kalmadong bulong sa sarili. Pagkapasok ko ng elevator pinindot ko naman ang numero ng department namin, tumigil ito sa third floor, bumukas ang pinto ngunit wala namang naghihintay sumilip muna ako baka naman nasa gilid lang.

Napalingon ako sa station nakita ko si Jigs na kumakaway kaya kinawayan ko rin ito. Nagpaalam ako sa kanya sa pamamagitan ng pagmumustra, nang sumarado uli ang elevator bigla ko namang naalala si Drixler na day-off ngayon. Minsan kasi pagnataon na nakasakay din ako sa elevator at titigil sa third floor mukha niya agad ang nakikita ko.

Nakaharap kasi ang computer nila sa mismong tapat ng elevator tapos bubog lang ang pinakasangga kaya kitang kita sila sa labas. Lumabas akong napapangiti dahil muli na naman siyang pumasok sa isipan ko.

"Ano kayang ginagawa niya ngayon?" Bulong ko sa isip.

Pagbalik ko sa locker agad kong kinuha ang lab gown ko para macheck kung naiwan ko nga ang celfone ko sa bulsa, pagkapa ko wala rin doon kaya medyo kinabahan ako. "Saan mo ba naman kasi iniligay, Cassandra!" Singhal ng isang isip habang tinitingnan ang loob ng locker ko.

Napalingon ako sa kumakatok sa sliding door ng cleanroom, si Marco na itinataas ang celfone ko, napahinga naman ako ng malalim ng makita na hawak niya ang celfone ko.

"Haist! Kala ko naiwala ko na, thank you Marco," sabi ko habang inaabot ang celfone ko

"Naiwan mo sa table mo, bigla kasi tumunog kaya dinampot ko. May message si Gwapo, kanina pa yun bago ka lumabas." paliwanag niya na may halong kakaibang ngiti.

"Ngingiti-ngiti ka naman d'yan, ay naku! tigilan niyo nga akong dalawa ni Patrick." Inirapan ko pa siya.

"Sus! walang masamang aminin sa amin, di na kami iba sa'yo lalo na kay Gwapo," pagmamalaki pa niyang wika

"Ano ba naman kasi ang aaminin ko o ni Drixler sa inyo, close friend nga lang ang status namin,"

"Gaano ka-close, Cassie? Hahaha" humalakhak pa siya

Old Friend [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon