Chapter 59 - Reconciliation

3.4K 93 2
                                    


Drixler's POV

Andito kami ngayon sa labas ng tindahan mga nakaupo sa may mesa. Kumakain ang mga gunggung habang ako nama ay di mapakali sa kinauupuan ko.

Bakit? Ikaw ba naman ang halos dalawang araw ng di nakakasama o nakakausap man lang ang girlfriend, ewan ko kung di mo maramdaman ang nararamdaman ko.

"Hoy! lalim iniisip ah." tiningnan ko ng nakakunot-noo ang nagsalita na si Marco.

"Gwapo, gawin mo na kasi yung sinasabi namin." suggest naman ni Jigs

"Oo nga, tutal andito na si Chel, siya makakatulong sa atin." gatong pa ni Pat

"Sandali, ano ba yung plano niyo ha, babe?" clueless na tanong ni Chel sa boyfriend na si Jigs

"Over the bakod, katulad ng ginawa ko dati sa'yo, babe." nakatingin lang ako sa nag-uusap na magsyota.

"Ano!" gulat na sabi ni Chel

"Kung makareact ka naman, parang di ka kinilig magdamag nuon. hahahah." pagbibiro ni Marco at sabay kami nagkatawanan pwera kay Chel na umirap pa.

"Sige tutulungan kita makapasok gwapo, ako magbubukas nung bintana mamaya." bolentaryo ni Chel.

Napapaisip ako sa gusto nila mangyari, gusto na ayaw ko. Gusto ko dahil miss na miss ko na si Cassie at baka mabaliw na talaga ako pag di pa niya ako kinausap bukas. Ayaw ko dahil baka mamaya mahuli  kami ni ate Levy.

"Sigurado ba kayo na effective yang sinasabi niyo?" panigurado kong tanong

"Yes gwapo, kasi pag di mo pa ginawa ngayon baka next week ka na kausapin ni Cassie." sabi muli ni Chel

"Ano!" mabilis kong sagot

"Awws! loveless ka for one week, bro." si Pat na niyakap pa ang sarili

"Kaya mo ba gwapo? kaya mo na di mo siya makakausap, mahahawakan, mayayakap at mahahalikan? kaya mo? Kung kaya mo naman, e, ok lang na di natin ituloy ang plano." pangungunsensya ni Marco

"Taena! Hindi ko na nga kinakaya ngayon, isang linggo pa kaya!"

"Sige...gagawin ko sinasabi niyo! siguraduhin niyo na magkaka-ayos kami ni Cassie, ha?"

"Sure na sure iyon bro, spend the whole night with her." siguradong sagot ni Jigs

"Less gastos ka dun gwapo, hahahaha" si Pat

"Unlimited hours pa, hahhhaa" si Marco

"Anak ng...mga gago!" akmang pagsasapukin ko pero mabilis na nakaiwas.

First time kong gagawin sa isang babae ito, wala akong ideya sa mga ganitong bagay, pero sa sinabi ng mga gunggung medyo nakaramdam ako ng excitement.

"Ano kaya sinusuot niya pagtutulog?" mabilis na tanong sa isip ko

Napangiti lang ako sa mga naiisip ko.

"Mukhang excited, ah!" bulaslas ni Pat ng mahuli ako na ngingiti ngiti.

"Sapak gusto?" sabi ko at inaktong sasapukin siya.

Old Friend [KathNiel]{Completed}Where stories live. Discover now